Chapter 3

2091 Words
~* Somewhere at the City of Pavilion where the Royal University is located ~* "What do you think Ael?" "Hmm..." "May napansin ka don sa biktima diba?" "Oh? Yeah, I'm not sure but... The presence around the floral garden was the same at the laboratory building, at the science lab perhaps." "And then there's some small particles of Pnevmatikós mors at the room, It's weird though I'm not sure but... It has mixed with human spiritual presence." "What? Are you sure about that Ael? Baka naman nagkamali kalang? Kasi impossible yun mangyari!" "You mongrel! Don't shout at me! I am thinking of how is that even possible!a Pnevmatikós mors were mixed with human's spiritual presence!!" Ael a person who's now confused of how is that even possible that a presence of death were mixed with human’s, the other one infront of Ael is a person who wears a black trench coat a long sleeve shirt and a pair of black trousers. ~* ..... "Kainis! Kainisi! Kainisssssssssssss ahhhhhhhhhhhhhhhhh busit! Busit ka talaga Jessa umiinit ulo ko sayo!" Sigaw ni Neibel sa loob ng kwarto nya sa inis na naramdaman. Isang linggo na ang dumaan pero hindi parin mawala sa isip nya ang sinabi ng dalaga at hanggang ngayon ay sya ang naging prime suspect sa pagkamatay ng kaklase nitong si Janice. "Ate love, takutin ko ba yun? I don't like her she's so mean hmp!" Sabi ng batang multo na palutang lutang lang sa ere. " Wait Krishia?" Tawag ni Neibel sa bata habang sya ay umayos na ng upo sa kama. "Po? Hindi mo ba nakita ang gumawa no'n kay Janice?diba sinundan mo sya nong pagkatapos nya pumunta dito sa bahay?" Sa tanong ni Neibel ay natahimik ang bata hindi ito makapagsalita... Bumabakas sa mukha ng bata ang takot at pangamba sa sinabi ng taong pumigil sa kanya sa pagpunta sa lugar kung saan pinapatay ang dalagang si Janice at nagsalita ang taong pumigil kay Krishia. "Kapag nagpatuloy ka sa pagsunod sa kanya bata... Maglalaho ka na parang bula dito sa mundo ng buhay." "Ate love? Ano... Natatakot ako..." "Ha? Saan? Bakit ka naman matatakot?" "Baka sa mga susunod na araw ay hindi mo na ako maramdaman." Malungkot na mungkahi ng bata sa dalaga na mas lalo pa nitong ipinagtataka. "Huh? Ayusin mo nga ang mga sinasabi mo?! 'tong multo na 'to oh!" "May mga bagay sa mundo na ito ate Love na hindi natin kayang ipaliwanang... Mga bagay na maaring makasama sa atin. Alam mo ba ate Love na may dahilan kong bakit nandito ako sa tabi mo palagi? Simula ng tumuntong ka sa edad na desi-otso ay naririnig mo na ako ngunit hindi mo pa ako nakikita yun ay dahil sa--" "Huh? Krishia? Huy? Asan ka? Tapusin mo yung sinasabi mo uy? Diko kaya maintindihan tapos tatahimik ka dyan bigla?" ~*..... Naglalakad si Cherryl pauwi sa kanilang bahay... Gabi na at tanging mga street lights lang ang naging gabay nya sa paglalakad, ngunit sa paglalakad ng dalaga ay napatigil sya sa isang madilim na eskinita hindi nya maintindihan ang sarili... Hindi nya maigalaw ang paa nya para umalis na sa lugar na iyon... She feels like someone is dragging her into the dark alley. "A-ano to?" Fear... was all she feels at the time, there's something in the alley that keeps on dragging her. and right at the center of the dark alley she stands feeling numb, nangingig sa takot ang katawan nya sa mga nakikita sa paligid... Mga larawan na familiar sa kanya, mga larawan ng tao na puro naka student uniform... Uniform ng Royal University. Naiangat ng dalaga ang kanyang ulo mula sa pagkakayuko habang sya ay nakaluhod na sa lupa. Ngunit sa pag angat ng ulo nya ay hindi nya inaasahan ang nakita... Isang tao naka itim ito... Purong itim ang nakabalot sa katawan nito at mula sa ilaw sa di kalayuan ay naaninag nya ang pustora ng kaharap... Dahilan para mas lalo pa syang manginig sa takot. Ramdam ni Cherryl ang malakas na hangin na dumadampi sa nanginginig nyang katawan... Ni hindi sya makapagsalita sa takot na naramdaman dinadala ng hangin ang damit ng babaeng kaharap at amoy na amoy nya ang amoy hukay nitong baho, sa lakas ng hangin ay natangay ang maitim na nakatabon sa katawan ng nasa harapan nya at don nya nakita na wala itong katawan at ulo lamang na nakalutang ang nandoon... Isang ulo ng babaeng malalim na nakatingin sa kanya. "A-anong k-kailangan m-mo?" Nilakasan ng dalaga ang loob na magsalita kahit sobrang takot na nya. Unti unting humaba ng humaba ang itim nitong buhok na lumapit kay Cherryl at gamit ang buhok na iyon ay pumulupot sa leeg ng dalaga. "B-bitawan m-mo a-ako!" Hirap na hirap na sabi ng dalaga habang pahigpit ng pahigpit ang kapit ng buhok sa leeg nya. Ang ulo naman ay may ngiti sa labi nito at mas lalo pang hinigpitan ang kapit ng buhok nito sa leeg ni Cherryl. "Meowwwww- ahhhhhhhhhhhh!" Napabangon ka agad si Cherryl mula sa kanyang pagkakahiga habang hinihingal... "Panaginip? Isang panaginip? Shuta! Pero-" Napahawak ang dalaga sa kanyang leeg at ramdam na ramdam nya don ang buhok ng babaeng ulo lamang ang mayroon, ramdam nya ang pagsakal nito sa kanya... ramdam nyang parang totoo ang panaginip nya. "Meow~ meow~meow." Napatitig si Cherryl sa pusa nya na kulay puti nasa tabi nya ito at dinidilaan ang paa nito. Kinuha nya ang pusa at niyakap dahil sigurado syang ito ang dahilan para magising sya sa masama nyang panaginip. "Light? Niligtas mo ako sa panaginip ko salamat." Kinuha ni Cherryl ang pitsel na nasa bedside table nya at uminom don para pakalmahin ang takot nyang katawan. Ng humiga ulit si Cherryl para matulog na ay bigla nyang naramdaman ang malamig na hangin kaya naman mas lalo pa syang nagkumot. Ang hangin na sumasamyo sa mukha nya ay katulad nong sa may eskinita doon sa panaginip nya... "Shuta! Hindi ako makatulog nito!" Inis na sigaw ng dalaga at bumangon habang ginugulo ang buhok nya. Pag mulat na pagmulat ng dalaga sa kanyang mata ay nasa harapan nya ang mukha ng isang duguang babae. "Maaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Tangina! Maaaaaaaaaaaa!" Sigaw ng dalaga at nahulog sa kama... Hindi nito pinansin ang sakit at tumakbo kaagad sa pintuan ng kwarto nya ngunit may naapakan syang isang madulas na bagay kaya nadapa sya. " Shvta aray!" Daing nya at babangon na sana ng bigla nyang maramdaman ang isang malamig na kamay na nakahawak sa paa nya, ang malamig na kamay nito ay nagpatayo ng balahibo nya sa buong katawan, hinay hinay na nilingon ng dalaga ang kung sino mang humawak sa kanya. "Ahhhhhh! B-bitawan m-mo a-ako! s**t! s**t! s**t!" Sigaw na naman nito at sinubukang sipain ang nakahawak sa paa nya but to no avail... Para lang syang sumisipa sa hangin ni hindi nya ito masaktan kahit kitang kita naman nya na natatamaan nya ito. "Stupid! Multo yan pano yan masasaktan?!" Anang isip ng dalaga "B-bitawan m-moko! L-lighttttt? Nasaan ka?" Nilingon ng dalaga ang paligid ng kanyang kwarto na puro na may mga gamit na nagkalat. Nakita nya ang pusa nya sa sahig na punong puno ng dugo. Tumutulo ang luhang nakatingin ang dalaga sa pusa nya na wala ng buhay. "Anong nangyayari? kung panaginip man ito... Parang awa nyo na lord gisingin mo ako..." Umiiyak na mungkahi ng dalaga, mas nanindig ang balahibo ng dalaga ng tumawa ang multo sa harapan nya yung tawa na kagaya ng nakita nya sa panaginip nya don sa eskinita. "M-miss? Miss gising! Gumising ka!oh ghad! Oh ghad! Anong gagawin ko!" Natatarantang nakahawak sa ulo na sabi ng dalaga na si Fretchemea, magkapit bahay lang silang dalawa at ang bahay nila ay puro may maliit na gate, papasok na dapat sa bahay nya si Fretchemea ng marinig nya na sumisigaw ang kapit-bahay nya kaya naman inakyat nya ang di masyadong mataas na bakud ng bahay nito. "Miss! Come on! Gising na!" Walang sabi sabi ay malakas na sinampal ni Fretchemea si Cherryl upang magising ito... Punong puno ng pawis ang dalaga ng maabotan nya ito na nakahiga habang yung puting pusa ay kinakagat ang braso nito at sinusubukang gisingin ang amo. "Ouch!" Mabilis na napabangon si Cherryl sa pagkakahiga. "Meow~meow~" "Oh ghad! Mabuti at nagising kana miss!" "H-ha?" Namumutlang sabi ni Cherryle "Ito oh tubig kumalma kalang muna, huminga ka ng malalim." Wala sa sariling kinuha ni Cherryl ang baso ng tubig na ibinigay sa kanya ni Fretchemea, habang ang pusa nito ay hinahagod ang ulo nito sa braso nya. "Pasensya na inakyat ko ang bakud ng bahay mo para makapasok ako dito sa kwarto mo." "O-ok lang..." "Dalhin kaya kita sa hospital miss? Napaka putla mo eh." "H-hindi na... M-masamang panaginip lang." ~ masamang panaginip na parang totoo"* "Sigurado ka?" Paninigurado ni Fretchemea kay Cherryl na halata parin ang takot nito at nanginginig pa ang kamay nito. "Oh sya, kahit di tayo close at ganun na magkakilala dito na muna ako sa bahay mo sasamahan kita." Pasya ni Fretchemea... Alam nya sa sarili nya na may mali dito, yung reaksyon na nakita nya sa mukha ng dalaga ay nakakabahala para sa kanya, yung takot at panginginig ay nito ay ramdam nya at yun din ang naging reaksyon ng katawan nya ng makita nya yung nursing student na nakalutang sa harapan nya. Napapikit si Fretchemea habang sariwang sariwa pa sa alalala nya ang nangyari nong nakaraang araw, may prime suspect na ang mga imbistegador ngunit halata naman na hindi ito sigurado... Yung babaeng kaklase nong Janice ang huling nakasama nito kaya sya ang pinagdududahan ng mga police. "Miss-" "Fretchemea, Fretchemea Butaya ang pangalan ko." "U-uhm... Fretchemea hindi mo na ako kailangan samahan, nakakahiya sayo... Ok lang akong mag isa dito." "No I insist! Sasamahan kita, baka ano pa ang mangyari sayo pag iniwan kita ng mag isa dito sa bahay mo Ms?-" "Cherryl, Cherryl Mae Kilat, ikinagagalak kong makilala ka Fretchemea." Nakangiting sabi ni Cherryl at nakipag kamay kay Fretchemea na nakangiti din. ~*..... Sa kabilang bahay naman na hindi gaanong kalayo sa bahay nila Fretchemea at Cherryl ay nandoon si Lea sa bintana nakaupo habang nakatingin sa bahay ni Cherryl. Masama ang pakiramdam nya sa nangyayari... Hindi nya alam na sa dinami dami nilang magka kapit-bahay ay sya lang ang nagising sa lakas ng sigaw ng may ari ng bahay sa kabila. Tingnan nya ang ibang bahay na madilim at nakapatay na ang ilaw... Pero may iba naman na may ilaw sa hindi din kalayuan. "Ang weird... Ang weird ng buhay ko tsk!" "Bakit gising kapa hija?" "Ay! Jusko naman lola!" Gulat na sabi ng dalaga at napahawak sa balakang nya ng mahulog sya mula sa pagkakaupo sa hamba ng bintana. "Bakit nandito ka sa bahay ko lola? Diba doon ka dapat sa may poste naghihintay sa kamag anak nyo?" Balik tanong ni Lea sa matanda at dahan dahang tumayo saka humarap ulit sa kabilang bahay na may ilaw na at nakikita nya sa bintana ang anino ng dalawang taong nag uusap. "Hindi na yata ako babalikan ng mga iyon hija." malungkot na sabi ng matanda tsaka lumulutang na pumunta sa labas ng bintana para harapin ang dalaga na nakatingin sa kabilang bahay. "Anong meron doon hija?" "Hmm? Wala po, may napansin lang akong kakaiba eh kaya ganun." "Yung sigaw ba nung babae don sa kabilang bahay?" "Opo! May masamang spirito po na nasa bahay na 'yon, wala naman yan nung nakaraang araw, ngayon lang." "Mukhang marami kanang alam tungkol sa mga multo hija." "Hmm... Simula nung bata pa ako lola nakakakita na ako ng mga kagaya mo, may iba sobrang pangit ng itsura at nakakatakot, may iba naman... Well normal lang na para lang ding buhay na tao at sila yung mga matagal na namumuhay sa mundong 'to, kagaya mo lola." Mahabang sabi ni Lea sabay tingin sa mata ng matandang kausap na nakalutang sa ere mula sa labas ng bintana nya. ~*..... "Raf~raf~raf~" Napatingin ang dalawa sa pintuan ng kwarto ni Cherryl ng may aso na tumatakbo at pumasok nalang basta sa loob. "And... Uhm pasensya na Cherryl nasira ko yung pintuan mo HAHAHA." "nahh ayos lang yun, salamat at dumating ka ah... Dahil kung hindi baka nakulong na ako sa sarili Kong panaginip, sayo ba yang aso?" "Oo... Luck ang pangalan nya, sya yung lagi kong kasama sa bahay." Nakangiting sabi ni Fretchemea habang hinahagod ang ulo ng aso nya. "O-sya matulog na tayo." Sabi ni Cherryl na nasa lapag at humiga sa comforter sa kabilang side naman ay si Fretchemea katabi ang aso nya. "It's been a long night~*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD