Chapter 2

1757 Words
~* Clinic near at BSHM and Nursing Building Mabilis na napabangon si Fretchemea mula sa pagkakahiga sa kama ng clinic ng school... "Aray! Sakit ng ulo ko jusme!" "Buti gising kana Fretchemea, nag aalala kami sayo, bigla kaba naman nahimatay kanina." Napatingin si Fretchemea sa kaibigan na nasa gilid ng kama nakaupo. Biglang pumasok sa isip ng dalaga ang nakita nya na babae mismo sa harapan nya sa loob ng classroom nila, ang babae ay may mahabang buhok at yung mukha nito ay may sugat. Sa paningin nya ay napaka fresh pa ng sugat nito... At... At nakasuot ito ng unifom ng nurse. "Huy! Namumutla ka na naman dyan bigla!" "Waaaaaaaaaaaahhhhh aray-!" "Ay tangina naman Fretchemea! Wag ka nga sumigaw!" "Kessy kasi... Kasi y-yung ano! Y-yung b-babae, m-may nakita akong babae n-naka u-uniform sya ng nursing! Hindi ko alam pero parang kakamatay lang nya." Naiiyak na sabi ng dalaga habang naiisip yung mukha ng isang babaeng nursing na nakita nya sa harapan. "Paranoid kalang Fretchemea! Ito tubig, kumalma kalang muna at magpahinga." Sabi ni kessy at ibinigay ang isang baso ng tubig sa kaibigan. "Babae? Nursing? Impossible!" Napatitig lang si Kessy sa kaibigan na tumutulo na talaga yung luha at halata din ang takot nito, kaya nilapitan nya ang kaibigan at inalo. *~Locker Hallway "Kawawa yung nursing student no?" "Oo nga eh, ang ganda pa naman non." "Sino kaya ang gumawa n'on sa kanya ano?" "Eh? Baka nag suicide yun?" "Gaga! May nag suicide ba na punong puno ng sugat ang katawan?!" "Ou nga naman, hanggang ngayon eh iniimbistigahan parin ng mga police ang bangkay don sa garden ng building." ~*....... 4:00am (Monday) Laboratory Building "P-please w-wag m-mo a-akong s-saktan m-maawa ka!" Pag mamakaawa ng isang dalaga, sya ay isang nursing student na nasa 3rd year na... Maganda ang dalaga, chubby ito na bumagay sa maputi nitong balat, ang maganda at itim nitong mata ay hilam ng luha puno ng takot at pangamba at nagmamakaawa na hindi saktan ng taong nasa kanyang harapan na may hawak na patalim. "Alam mo ba na natutuwa akong makita ang mga biktima ko na nag mamakaawa?" Sabi ng taong nasa harapan at linapitan ang babae at itinutok ang patalim sa leeg nito na syang dahilan at nasugatan ang makinis nitong balat. "P-parang awa nyo na po, wag nyo po akong saktan." "Hmmm..." "Ahhhhhhhh, t-tama n-na po, parang awa nyo na ahhhhhhh!" Iyak ng dalaga ng tumama ang patalim sa mukha nito mula sa ibaba ng left eye nya hanggang right cheek nya, habang nakikita ng suspect ang dugo na umaagos sa mukha ng dalaga ay mas lalo itong nasiyahan at sinaksak na naman ang dibdib ng dalaga malapit sa puso nito at doon mas lalo pang idiniin ng suspect ang patalim pagkatapos ay sinaksak na naman nya ito sa legs, puson, tagiliran, lalamunan at sa likod nito. Ang malakas na iyak ng dalaga mula kanina ay napalitan ng katahimikan. "Hmm... Napakabango talaga ng mga fresh blood, HAHAHAHAHAHAHA!" Nilingon ng suspect ang kasama na tahimik lang na nag mamasid sa ginagawa nya... "Dalhin mo ang babae na 'to sa floral garden, wag ka din mag iwan ng mga ebedensya sa lugar na ito." Tumango lang ang kasama nito at walang ano ano ay dinala nito ang katawan ng nursing student sa Floral garden ng nursing building. ~*.......... 4:30pm (uwian) "La~ la~ la~ la~ la~ hmmmm~" Kanta ni Lea habang nag lalakad pauwi sa kanyang bahay, ng madaanan nya ulit ang poste kung saan nakita nya ang matanda doon kaninang umaga ay ibinigay nya ang dalang bulaklak na nabili nya sa labas ng school. "Hi lola, here's my gift po." "Salamat sa magagandang bulaklak na ito ineng." Maaliwalas na sabi ng matanda at matamis itong ngumiti kay Lea, "No worries po lola, sige po mauna na ako sa inyo bye!" Kumaway ang matanda sa dalaga habang hawak parin nito ang bigay na bulaklak. " Janice Griffith, 2nd year nursing student nakitang patay sa Floral garden ng nursing building na matatagpuan sa right side hallway first floor ng building." Mahinang sabi ng dalaga habang malalim na nag iisip sa nangyari... Pagkatapos ng klase nya kanina ay nagpunta kaagad sya sa floral garden nandoon pa ang bangkay ng dalaga na may puting tela na naka tabon sa katawan nito may mga pulis at imbistegador na nag iimbistiga sa lugar. " bawal pumunta ang mga estudyante dito ms." Sabi ng isang pulis sa kanya "Titingin lang kuya eh arte nito hmp!" "Ms. Bawal nga ang estudyante dito sa crime scene!" Inis na sabi ng police officer kay Lea "Sus! Hindi sya dyan pinatay, inilagay lang yung bangkay nya dyan ng kung sino." Nakatingin sa bangkay na sabi ni Lea, may napapansin syang kakaiba... ramdam nya ang isang mabigat na presensya ng kung sino. tumalikod at mabilis na umalis sa lugar ang dalaga at pa simpleng tumingin sa stock room ng IT building sa di kalayuan, habang ang police officer naman ay nakatanga lang sa sinabi ng dalaga. ~*......... "Naku Lea pakialamera ka talaga!, pero... Yung babae, sino? Sino ang pumatay sa kanya? Wala itong kahit na anong ebedensya pero ayun sa nakita nya at narinig ang dalagang pinatay ay punong puno ng saksak sa katawan, hays- makauwi na nga!" Mula sa first floor building ng IT, ay nandoon si Cherryl naka upo sa medyo maalikabok na sahig at nakatingin sa malaking salamin na nasa harapan, yun ang ginamit nya upang makita ang nangyayari sa floral garden, bukas ang bintana ng stock room dahil sira ito... Kaya hindi mag iisip ang mga police na may tao sa lugar na yun at nanonood mula sa reflection ng salamin kung ano ang nangyayari sa pag iimbistiga nila. Nakita ni Cherryl ang isang babae na halatang BSHM student na pilit tinitingnan ang bangkay ng dalaga ngunit pinipigilan ito ng isang police officer, dahil medyo malapit lang ang floral garden na matatagpuan sa likod ng nursing building ay naririnig ni Cherryl ang pinag uusapan ng mga ito. " bawal pumunta ang mga estudyante dito ms." "Titingin lang kuya eh arte nito hmp!" "Ms. Bawal nga ang estudyante dito sa crime scene!" "Sus! Hindi sya dyan pinatay, inilagay lang yung bangkay nya dyan ng kung sino." Natigilan si Cherryl sa narinig at napasilip sa bintana. "Huh? Hindi doon pinatay? Anong pinagsasabi ng babaeng yun?" Mabilis na tumayo si Cherryl upang umalis sa stock room wala na syang dapat tingnan pa mula sa stock room... "Bukas, kailangan kong malapitan ang floral garden." ~*....... *~Dean's Office May dalawang police sa loob at isang inspector.... Inspector Arcelan Pito sa mga estudyante ng second year section Rose ay nakaupo sa mahabang sofa ng office, kabilang sa pitong estudyante ay si Neibel at ang kaibigan nito na si Grace... Nagtatanong sa kanila ang inspector dahil sila ang huling nakausap at nakasama ng biktima bago ito nawalan ng buhay at nakita ng isang staff ng school doon sa floral garden. "Kayong lima? Ms. Cortes, Mr. Gavi, Ms. Cambaya, Ms. Pimco and Mr. Lao... Sa hindi pa nangyari ang krimen, Sunday at 8 o'clock ng umaga ay kayo ang kasama ng biktima gumawa ng group reportings... Tama?" "Yes po!" Sabay na sagot ng lima "Anong oras kayo natapos sa ginagawa nyo?" "Sir mga around 12 o'clock na po yun, pagkatapos namin kumain ay umalis na kaagad si Janice "Wala ba kayong ibang ginawa or wala ba kayong napag usapan na related sa kanya ng mga oras na gumagawa kayo ng reportings?" "Habang gumagawa kami sa group reportings namin sir normal lang naman ang mga kilos ni Janice, maliban nalang don sa word na 'Mors' na binigkas nya ng pang apat na beses." Mr. Lao "Mors/Morse? Anong Morse? Yung code ba or yung meaning ay death?" "Hindi po namin alam basta yan po yung binigkas nya." Sagot ni Mr. Gavi habang ang inspector naman ay may sinusulat sa papel na hawak nya. "Sige... san sya pumunta after nyo matapos sa group reportings nyo?" "Uhm... Sabi nya po ay dadaan muna sya sa condo ni Montebon bago sya uuwi." Sagot ni Ms. Cambaya, na nakatingin ng may pag dududa kay Neibel na syang nagpa irita sa dalaga. "Tusukin ko kaya mata ng babaeng to? Kainis... Sa ganda kong to? Mukha ba akong may kinalaman sa nangyari kay Janice? Duh?!" Ang atensyon ng inspector ay bumaling sa kanya... Pero nagsalita kaagad si Grace ang kaibigan ni Neibel. "Ah Sir? Mga 1:00pm po nakita ko sya, don sa shop na binilhan ko ng bracelet na ito." Sabay pakita ni Grace ng bracelet na gawa sa kahoy at ang designs nito ay circle na gawa sa iba't ibang kulay at may pangalan nya na nakaukit doon sa malapad na center ng bracelet. "May napansin kaba sa mga kilos nya?" "Ano... Hindi po ako sure pero parang ang lalim ng iniisip nya? Tapos nakita ko po syang nakatitig sa isang book po don sa stall malapit sa may pintuan ng shop, yung title po ng book ay missing four, yun lang po wala naman pong ibang kakaibang weird sa mga kilos ni Janice that time sir." "Kailangan pa natin makakuha ng ibang information inspector Arcelan." "Grace baka naman may kinalaman talaga si Montebon sa pagkamatay ni Janice? Pinagtatakpan mo lang!" Sabay irap na sabi ni Jessa Cambaya. "Mga 3 o'clock na nakapunta si Janice sa condo ko 'INSPECTOR'." may diin na sabi ng dalaga dahil sa inis na naramdaman kay Jessa at sa inspector na tumingin sa kanya na mayroon ding pagdududa. "Hindi ko alam kung san sya nanggaling sa oras ng alas dos bago pa sya pumunta sa bahay ko, 'KASI" at exactly 3 o'clock na nga sya kumatok sa pintuan ng bahay ko at nanghiram ng notes sa akin." Matigas na sabi ni Love Montebon sa mga nang uuyam at mapanuring mata ng inspector, at saka ito bumaling sa kaklase na si Jessa. "And oh Jessa sa ating dalawa ikaw yung may galit kay Janice diba?insecure ka kasi eh at body shamer!" Naka smirk na sabi ni Neibel habang nakatingin kay Jessa na may nanghahamon na mukha. "Ano?!" "Girls stop! Walang mag aaway dito sa loob ng opisina ko!" Awat kaagad ng dean ng makita na tumayo na si Jessa sa upuan at akmang susugurin si Neibel na confident na nakaupo, with a smirk on her lips. "Shoul i scare her ate Love?" Tanong ng batang multo na si Krishia na nakalutang sa ere at nagmamasid sa nangyayari sa sinabi ng batang multo ay natawa si Neibel dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat ng tao sa loob ng kwarto na 'yon. .....~*~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD