"Nag-enjoy kaba?" tanong sakin ni lolo habang nakatayo sa harap ng pintuan ko.
Ngumiti naman ako, hindi niya naman kasi ako kailangan ihatid pa hanggang dito sa kwarto ko.
"Opo, sana po sa susunod lumabas ulit tayo."
"Wag kang mag-alala, kapag nandito ako lalabas tayo kapag wala kang ginawa." tumango naman ako.
"Sige na matulog kana, at baka makagising pa tayo sa mga taong matutulog sa bahay nato. Aalis ulit tayo bukas para masulit natin."
"Goodnight po, sweet dreams lo." mahina kong sabi na puno ng tuwa tumango naman siya at tumalikod na.
Mabagal kong sinarado ang pinto ng kwarto ko at kumuha na ng damit. Kailangan kong maghilamos, mabilis akong naghalf-bath at nagpalit ng damit.
Nakakapagod ang araw na to, ang dami naming pinuntahan ni lolo pagkatapos naming lumabas sa amusement park kaya inabot kami ng madaling araw, buti nalang may dala akong spare key nakalock na kasi yun pinto ng bahay.
Napangiti naman ako ng maalala ang mga ginawa namin ni lolo kanina.
"Lo asan po kayo pupunta?" tanong ko habang naguguluhan ng makababa ako, maaga pa naman dahil mag-alas sais palang.
Gising na rin yung tatlong kasama namin akala ko ay umuwi yung kambal hindi pala.
"May lakad po ba kayo?" lumingon sakin si lolo habang inaayos ang maleta niya.
"Saan po ang punta niyo? Akala ko po sa Thursday pa yung lakad niyo?"
Sinarado niya ang maleta at binuhat malapit sa pintuan, tuluyan na akong lumapit sa kanya mahalatang nagmamadali siya dahil sa bilis ng mga kilos niya.
"Aalis ako papuntang ibang bansa may bigla ang emergency kasi ang isa sa mga branch ng company hindi naman pwedeng wala ako doon dahil malaking problema yun."
"Wag kang mag-alala at maiiwan naman dito si Dannish siya ang bahala sayo dahil uuwi na ang kambal at dadalawin kalang nila tuwing umaga para sa ensayo mo." I look at him habang nagpapaliwanag.
Hindi ako nagagalit siguro nagulat at nadismaya ng konti pero alam ko namang hindi kasalanan ni lolo na nagkaproblema yung isang branch pero siguro naglook forward ako ng sobra kagabi na lalabas kami ngayon kaya nga bumangon talaga ako ng napakaaga kahit na hindi ako masyadong nakatulog sa kakaisip kong saan kami pupunta dahil gusto kong maaga pa kami maka-alis at marami pa kaming mapuntahan na lugar at makapagbonding pa kami ng matagal.
Tumango nalang ako kahit na halata ang lungkot sa akin.
"Pasensya kana alam kong magagalit ka dahil hindi nangyari ang balak nating palabas ngayon, wag kang mag-alala marami pa namang susunod na mga pagkakataon."tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko bago niyakap, hinila kuna naman ang maleta niya magkatapos. May sasakyan na sa labas ng bahay kaya binigay ko nalang sa driver yung bagahe ni lolo.
"Wag kang malungkot tatawag naman ako kung may oras." sabi niya habang nakasakay sa kotse.
"Mag-ingat po kayo" sabi ko at kumaway na dahil tumunog na ang kotse.
Pumasok ako ng tumalikod na ang kotse ni lolo pero hindi pa ako nakakapasok ay naririnig kuna ang mga boses nila sa loob.
"Hindi kami uuwi dito kami matutulog mamaya." boses ni Chance at halatang naiinis.
"Eh, talaga dito tayo matutulog?" naguguluhang tanong naman ni Chord.
Ano kayang pinag-aawayan nila.
" I will not do anything to her kung yung ang pinoproblema mo. "boses ni Dannish.
Amat-amat akong naglakad papalapit sa pintuan nacucurious ako kung sino yung pinag-uusapan nila. Mabagal kong nila pit ang tenga ko sa pintuan para hindi ko sila maistorbo.
"I know you too well, you don't like stupid people." boses ni Chance.
Nilapit ko pa ang taenga ko sa pintuan.
Sino kaya yung stupid?
"Yes and I pray she won't do anything without thinking."
"Sino ba yung pinag-uusapan niyo?"naguguluhang tanong ni Chord.
Oo nga, sino kaya yung pinag-uusapan nila.
Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan ang hina kasi ng mga boses nila hindi malinaw kaya dito na ako sa loob makikichismis.
Saktong pagpasok ako ay tumingin sila saking lahat.
"Sinong pinag-uusapan niyo?" nagtataka kong tanong.
Wala naman na akong magagawa dahil nakatingin sila sakin.
Curious lang.
Umismid namang parehas sila Chance at Dannish sakin sabay sabing.
"Tsss, stupid." sabay talikod na.
Luhh, sino kaya yun? Labo niyong kausap.
Nagkamot nalang ako sa ulo ko sabay akyat, baka kasi nagtext na yung boyfriend ko.
Hehe, may boyfriend na talaga ako.
Nagpaalam kasi ako sa kanya kagabi bago ako matulog na may lakad kami ni lolo ayaw ko naman na makipagtext habang kasama ko si lolo dahil minsan nga lang yung lakad namin, pumayag naman siya dahil may aasikasuhin din daw siya hindi ko naman tinanong tiwala naman ako sa kanya.
Pakiramdam ko kasi hindi maganda yung may palatanong na girlfriend bago palang kami at hindi maganda na hindi ko siya pagkatiwalaan, maraming relasyon ang nasisira dahil jan kaya nga kung pwede gusto kong matagal kami, tsaka alam kong ayaw ng mga lalaki ng matanong na girlfriend kaya sisikapin kong hindi maging nagger na klase.
"Oh saan ka?" tanong sakin ni Chord ng makita akong bumaba.
Nagpalit lang kasi ako ng damit na mas pangbahay.
"Aalis, yayayain ko sana si Lauryl ng date." tumango naman siya sa sagot ko kaya lumabas na ako.
Dinala ko naman yung phone ko at bago din ako bumaba ay nagtext na ako kay Lauryl.
Third person pov:
"Kumusta na ang pinapagawa ko sayo?" the man ask the guy in front of him.
It's early in the morning at kumakain ang dalawa sa mahabang hapag.
"Okey naman dad." sagot ng lalaki na may himig ng pagkabagot.
Walang makapagsasabi nang pagkakaparehas ng mukha ng dalawa kahit mag-ama naman ang mga ito.
"Don't make that kind of face." may halatang galit sa boses ng lalaki.
Lumunok naman ang lalaki bago tumango.
"What kind of okey?"
"Kami na po."
"Hindi ba nililigawan mo lang yun nakaraan? Kayo na kaagad?" may himig ng kakaibang tuwa sa boses nito.
"I don't know, sinagot niya lang ako nakaraan." baliwalang sabi ito sabay dugtong.
"I don't get it, ano bang kailangan mo sa kanya she's just a nobody na pinagbagsakan ng kamalasan sa mundo."
The man just show a sly smile.
"Did you kill HER?" he ask again emphasising that person that they both know.
Tiningnan naman siya ng lalaking nasa harapan at mabilis na nawala ang mapaglaro nitong ngiti, his face become static.
Napatingin sa gilid ang binata, he can sense the change of air.
"If I'd say yes, I did would you stop your nonsense questions. Don't be dumb don't ask questions that are obvious." puno ng panganib ang tuno ng boses nito.
Malakas ang pwersang tumayo ito na nagpagalaw ng mahabang mesa ng konti.
Matanda na ang lalaki pero halata pa din ang matikas na katawan nito at ang panganib na sasapitin ng kahit sino man kung tatangkaing galitin ito.
"Don't you forget kong ano ang pinapagawa ko sayo Eoun, make that woman madly I love with you and break her heart into dust." maawtoridad na sabi nito at umalis na sa hapag.
Umalis na ang lalaki samantalang wala namang paki-alam binata sa narinig at tumuloy sa pagkain,para sa kanya isang napakapangit na laro lamang ang ginagawa niya para sa babae.
"Sino naman kasi ang magkakagusto sa pangit at pandak na babaeng yun." mahinang bulong ng binata habang sumusubo.
Araw-araw siyang tinatamad bumangon dahil sa kailangan niya pangsunduin ito kahit na napakalayo ng bahay nito sa kanya, minsan pakiramdam niya ay masusuka siya dahil sa sobrang lapit niya sa babae kunti nalang ata at babangungutin na siya sa sobrang kapangitan ng babae.
Ang hindi niya lang maintindihan ay ang galit ng ama niya para sa dalaga na parang may malaki itong pagkakautang sa matandang lalaki.
Umiling nalang ang binata at hindi na pinansin ang cellphone na tumutunog alam niya namang galing yun sa babaeng aswang, bigla naman siyang kinilabutan ng maisip ang mukha ng dalaga.
"How can I hate if you are the only person I love all my life?" sabi ng matandang lalaki habang hinahaplos ang hawak na litrato ng babae.
Nakangiti ito at nakataas ang kamay na parang kumakaway, nakasuot ang babaeng nasa litrato ng swimsuit at may nakalagay na sash sa balikat nito.
'Miss Philippines' ito ang nakalagay sa sash. The woman is a former Miss Philippines, halata ang sobrang ganda nito kahit na luma na ang litrato, kahit sino ang makakita sa dalaga ay siguradong magugustuhan ito dahil sa maamong mukha.
"But your daughter resembles that man so much and I hate it. Paano ka nahulog sa pangit na lalaking yun?" nasa tono ang sobrang galit na tanong ng lalaki sa litratong hawak, napiga niya pa nang kaunti ang litro pero binitawan din kaagad at nilapag sa lamesa.
"Ang batang yun ang pruweba ng pagtataksil mo sa akin. At hindi ko hahayaan na mabuhay sa mundo ang pangit na batang yun."
"Gusto kong manuod ka kung paano surain ng anak ko ang buhay ng pinakamamahal mong anak." may ngiti sa labi na sabi ng lalaki sabay dampot ulit ng litrato ng babae at halik dito.
"Sa akin ka lang ako lang ang para sayo." nakangiting sabi ng lalaki habang tinitingnang mabuti ang litrato.