Chapter 12:

2251 Words
Tumitingin ako sa paligid habang sinusundan ang likod niya, grabe kahit likod ni Euon ang gwapo pa din. Hindi kasi ako sinipot ni Lauryl nakaraan nagtampo tuloy ako kasi nga naman pumayag na siya tapos by last minute bigla niyang kinancel yung date kasi may biglaang date daw sila ng jowa niya, eh samantalang nasa mall na ako that time. Mukha tuloy akong timang kakalibot sa mall nakaraang linggo pati nga sa supermarket nakaabot ako pero wala naman akong binili. Sayang lang kasi nga may lakad sana ako ng araw na yun pero puro naman kaselado. Hindi ko naman mahila si Euon kasi nga busy siya, buti nalang bumawi siya ngayon kaya may date kami. Parang ang sarap tusukin ng mga mata ng mga babae dito sa shop halos lahat tinitingnan siya. "Grabe naman tong mga babaeng to, kala mo naman pagkain yung lalaking naglalakad." salita ko habang umiiling. Minsan hindi ko alam kong nakakaproud na may ulam este gwapong boyfriend ako or ma-iinsecure ako kasi kapag iniwan niya ako tapos ipagpalit sa mas maganda ano namang laban ko? Napaismid nalang ako sa naisip ko, bad vibes nanaman. Ano namang magawa ko eh ito yung binigay na itsura ni lord? Swerte pa din naman ako sa ibang bagay maliban nga lang sa mukha. "Are you okey?" Napatingala ako kay Euon, dumating na pala siya dala yung order naman. Ngumiti ako at tumango. Excited ako sa pagkaing dala niya. "So, how are you? Sorry hindi kita masyadong natetext at natatawagan busy kasi talaga kami malapit na kaming magdefend ng thesis tsaka after next month may ojt na kami." "Ayos lang, siguradong kapag nagsenior high ako ganyan din ako kabusy sayo kaya dapat pasensyoso ka din kapag hindi ako makakatext sayo ah." "Oo naman, your the boss." sabay naman kaming nataawa sa sinabi niya. Ehh, ang sweet talaga. Busy kasi siya last week talagang hindi siya nagparamdam, actually halos lahat naman ata ng graduating sa senior high maliban nalang sa isang lalaki na nakikitira sa bahay. Ewan ko ba samantalang yung kambal niya naman halos hindi na magkanda-ugaga magreview at gumawa ng projects. "Bakit?"nagtatakang tanong ko, bigla kasi siyang tumitig sakin kaya napaisip ako baka may pagkain ako sa mukha. Mahirap na baka may lumabas na manok dito at habulin ako. "May dumi ba ako sa mukha." nilakihan ko pa ang muta ko pero umiling lang siya pero hindi pa din inaalis yung tingin sa mukha. Makalipas ang ilang segundo ay inalis niya na ang tingin sakin pero nagsalita siya bago tumuloy kumain, at rinig na rinig ng dalawa kong taenga ang mga sinabi niya. "Nothing, I just... Love you so much." parang balewala niyang sabi pero mas mabilis pa sa alas-sais na bigla akong natuod. Why? Why? Bakit naman kasi ang sweet niya? Lord thank you po talaga sa ulam este sa pagbigay niyo po kay Euon. Ehhh, ano ba yan? Ang hirap pala magpigil ng kilig pakiramdam ko may lalabas na masamang hangin anytime. Ang hirap magpretend na parang hindi ako affected ganun, pero deep inside ilang beses na akong nalaglag dapat sa upuan ko. "Are you okey?" sabay ngiti niya pa ng katulad sa mga commercial ng toothpaste. Hayy, sino naman kasing hindi maiinlove sa lalaking to. Masipag, mabait, magalang, at higit sa lahat sobrang napakasweet. Parang ang sarap lang na pagmasyadan siya habang kumakain, pati pagkain niya ang gwapo. "Eoun? Is that you?" napatingin naman ako sa likod ni Euon dahil nandoon nang gagaling ang boses. Napataas ang kilay ko ng wala sa oras, lumingon naman si Euon sa likod niya at tumayo. "Sophia! Nice meeting here." Mukhang magkilala pa ata sila, sabagay sobrang ganda naman kasi ng babaeng to may papaya na sa harap may melon pa sa likod samantalang ako pinagsaklubang flywood. "I miss you hon, it's been a while." Hon? Hon? Honlandi mo ate may jowa na kaya yang nilalandi mo. "Ahh, I'm f-fine." sabi ni lalaki habang tinatanggal ang pagkakalingkis ng mabangis na sawa at tumitingin-tingin sakin. Nakatingin lang ako sa kanila pero kanina pang naniningkit ang mga mata ko. Mahirap pala maging mabait at maintindihing girlfriend lalo na kong sawa na ang nakapulupot sa boyfriend mo. "Ahhh, Sophia meet may girlfriend." pakilala niya sakin ng maka-alis siya sa malaki at maprutas na sawa. Lumapit naman siya sa tabi ko kaya napangiti ako ng napakatamis. "Girlfriend? She is your WHAT??" tanong niya gulat na gulat na puno ng pangungutya at may himig ng isang dram na panglalait. Mukhang hindi siya makapaniwala at tiningnan ako mula ulo hangang paa at inulit pa pero mas mabagal na, parang kinikilatis ang kung anong bagay. "Ano mo nga ulit siya?" mahinahon niya nang tanong pero halata pa din ang pagkagulat. "She is MY girlfriend." sagot ni Euon at inakbayan pa ako kaya lalo akong napangiti. Yung ngiting, I win without holding a knife. Na kahit anong panglalait niya pakiramdam ko hindi masisira yung mood ko kasi proud yung boyfriend ko sakin at hindi niya ako ikinahihiya. Parang ang sarap ngang umiyak eh kasi akala ko ikakahiya niya ako, alam ko naman na hindi ako maganda, malakas lang ang confidence ko pero gising pa din ako sa realidad na pangit talaga ako. "You most be joking? Paano mo naging girlfriend yang,I mean is she even a human? She looks like an elf with that height." habang tinuturo-turo ako. Elf? Hah PANDAK? AKO? That's it I'm not SHORT. Napalapit naman ako sa kanya ng mabilis, mas matangakad siya sakin dahil hangang balikat niya lang ako pero wala akong pake, wala siyang karapatan na sabihan akong pandak. "Hoy, babaeng sawa na may mga dalang prutas inggatan mo yang mga sinasabi mo ah. Baka mamaya makagat mo yung dila mo." inis na inis kong sabi. Naku, pigilan niyo ko, pigilan niyo ko talagang magpapagawa ng ilong tong babaeng to kapag hindi to tumigil. "What, so you talk now? I'm just telling the truth. Saang bundok kaba ng pilipinas galing at sa dami naman ata ng nabingwit mo para painomin ng love potion si Eon pa? Ang taas naman ata ng pangarap mo." nakataas ang kilay niyang sabi pero wala akong paki, mabilis akong lumapit sa kanya gusto kong basagin yung mukha ng babaeng nasa harap ko pero panay pagpipiglas lang ang nagagawa ko dahil sa mahigpit ng yakap sakin ni Euon sa likod. "Tama na Nine, babe please tama na hmm." bulong niya sa taenga ko kaya tumigil naman ako. "And by the way," Habang amat-amat na lumalapit sakin. "Your SHORT, Flat-chested, kulot salot, and lastly your so mauling." at tinuro ang ulo, dibdib at braso ko bago tumalikod. "Please babe tama na, wag muna siyang patulan." mahinahong sabi ni Euon pero hindi pa din ako kumikilos dahil tinitingnan ko ang bawat yapak niya. Hindi ko papayag na makalabas siya ng restaurant na to ng hindi ako nakakaganti. "I'm fine." maiksi at pilit na pinahinahon kong boses kaya kahit hindi kumbinsido ay pinakawalan ako ni Euon. Nang oras na matanggal ang dalawang braso niya sa bewang ko ay mabilis akong naglakad haggang sa patakbo na. "ARGHH!!!!" mabilis kong tinalunan ang likod niya. Yan malumpo ka ngayon, pandak pala hah, kulot salot. Ito ang bagay sayo, yan, yan. Hila ko sa mga buhok niya, hindi naman siya nakaganti dahil sa gulat at diretso kaming sumampa sa sahig ng tumalon ako pero siya ang bumagsak dahil nasa ibabaw niya ako. "Argh, ano ba? Stop it! I said stop."pilit niyang tinatago ang mukha niya. " I said STOP it you animal. "hanggang sa maitulak niya ako at inawat na kami ng mga waiter at manager ng restaurant. " Tama na po, magbabayad po kayo ng malaki dahil sa ginagawa niyong pang-gugulo. "sabi ng manager. "But I did not start it. She started it." sabay turo pa sakin pero pinandilatan ko lang siya ng mata. Tsss, poor kalang kamo. Tatalikod na sana ako papunta sa table namin ng pinigilan ako ni Euon. "Saan ka pupunta?" "Sa table may kukunin lang ako." nagdadalawang isip siyang bitawan ako siguro dahil sa ginawa ko kanina. "Don't worry I won't do anything." ngumiti pa ako para mabigyan siya ng assurance na wala akong gagawin kaya binitawan niya rin ako. Dumiretso ako pabalik sa table namin at kinuha ang bag ko. "Ma'am hindi po kayo pwedeng umalis ng hindi binabayaran ang damage. Maghati nalang po kayo ni ma'am." tukoy ng manager sa sawang may mga dalang prutas. "Hindi naman ako aalis," sabi ko at binuksan ang wallet ko at naglabas ng black card na galing kay lolo. "Here, ako nang magbabayad ng lahat ng damage no need ng hatiin ang payment charge it to me." tumingin naman ako kay Sophia pagkatapos kong kausapin yung manager. "Yes ma'am pa wait lang po ng ilang minuto." ngumiti naman ako. "So your rich!" may tono niya sabi pero ngumiti lang ako. "Yes and your a b***h, siguradong kapag sinira ko yang mukha mo hindi muna maipapaayos yan. So much for being pretty eh!" ganti ko naman. "Babe, Nine tama na." pagpipigil ni Euon. "Yes babe, don't worry hindi ko naman na siya aawayin ulit. She's poor pala, kapag nasira ko yung mukha niya hindi yan maapalitan pa." malambing kong sabi kay Euon. "Ma'am ito na po yung card." kinuha ko naman yung card sa waiter at umalis na habang hila-hila si Euon. Nandito kami ngayon sa kotse at ngayon kulang naisip na baka na turn-off sakin si Euon, basagulera pala ako. Ito yung mga bagay na kung maaari ayaw kong malaman niya, maiksi lang kasi ang pasensya ko. Ayaw ko sa lahat na sinasabihan akong pandak at kulot kasi alam ko yung hindi na kailangan pang itadyak sakin. Mahilig din ako sa away, ayaw ko kasi na naaagrabyado ako pero depende pa din naman sa trip ko, masarap din kasi minsang maging damsel and stress este distress. "Ayos kalang?" nag-aalangan kong tanong. Nandito na kami sa may gate ng village pero hindi pa din siya nagsasalita. Napalunok naman ako bigla ng iangat niya ang tingin niya at nagsalubong ang mga tingin namin pakiramdam ko pagagalitan niya ako dahil sa ginawa ko kanina. "Are you okey?" halata ang pag-aalala niya. Parang gusto kong matawa pero hindi ko magawa kasi ang seryoso niya, kanina niya pa kasi ako tinatanong ng are you okey?mukhang word of the day ata yun. Ngumiti naman ako at sunod-sunod na tumango, ayaw kong mag-alala siya sakin dahil ayos lang naman talaga ako. "Wala bang masakit sa katawan mo?" tanong niya ulit habang sinisipat ang mga braso at mukha ko. "Ayos lang talaga, mas napuruhan pa nga si Sophia eh." may kunting yabang na sabi ko. "Sa susunod wag munang gagawin yun."seryoso niyang sabi kaya kinabahan pa ako lalo. "Alangan naman hayaan kulang na laitin niya ako." nasaktan ako sa sinabi niya, parang kasalanan ko pa. "Kahit na-- "Anong gusto mong gawin ko ngumiti lang ako na parang wala lang?"putol ko sa sinasabi niya. " Hindi yun ang g-- "Eh ano pala?" mataas na boses kong sabi, naiinis ako sa dahilan niya. "Let me finish first." puno ng awtoridad niyang sabi kaya napa preno ako ng wala sa oras. "Hindi ko sinasabing hayaan mo lang siya, ang akin lang paano kong may nangyari sayo. Kung nabalian ka, o nagkapasa ka,para namang pwede kitang alagaan hangang sa bahay niyo tapos mag-aalala ako kong okey kalang ba o kumain kana ba, baka naman umaaray kana dahil sa mga sugat mo. Wala akong magagawa kasi wala ako sa tabi mo. "mahaba niya sabi na talagang nagpatigil pati sa pagtibok ng puso ko,nakatingin lang ako sa kanya. Ang swerte ko talaga. "Naiintindihan mo ba yung sinasabi ko?" napakamalumanay niyang Sabi na parang naghihile ng bata na nagpatulo ng luha ko. "I'm sorry, s-sorry kung pinag-alala kita. Sorry babe, promise as much as possible hindi kuna uulitin to." hinawakan niya naman ang mukha ako at pinunasan ang mga luha ko. "Ayos lang na mag-alala ako, ang hindi ko kaya yung nasasaktan ka,hmm!"sabay ngiti ng matamis kaya napangiti na din ako. Marahan akong pumikt ng ilapat niya ang mga labi niya sa nuo ko. " I love you Nine. "punong-puno ng pagmamahal niyang sabi, alam ko dahil ramdam na ramdam ko. Ayaw kunang matapos ang gabing ito. Napabalikwas nalang ako ng mag vibrate ang phone ko. Ano ba yan istorbo naman! Tiningnan ko yung phone ko at nabasa ko ang message ni Dannish, napangiwi nalang ako bago binalik yung phone ko sa bag ko. "Ahh, eh Euon una na ako hah gabi na kasi, bye!" Sabi kulang at mabilis ng bumaba ng sasakyan niya at pumasok sa village. Hindi kuna hinintay na maka-alis siya. Bwesit naman kasi si Dannish nagtext ba naman. Dannish:Bumaba kana sa sasakyang yan kung ayaw mong ako ang humila sayo palabas. Naiinis akong naglalakad dito ng makita ko siyang nakatayo sa may malapit na poste. Tsss, may pasundo-sundo pa. "Tara na." yaya ko ng dumaan ako sa harap niya. "Hindi ikaw ang hinihintay ko."sagot niya. " Eh sino Pala? Eh ako lang ang nandito. "hindi pa kasi aminin hinintay niya ako. Hindi naman na siya sumagot. " Chance tara na gabi na! "yaya ko ang lamig na kasi ng hangin." "Oh nandito kana pala, tara na." napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Chord. Umayos na din ng tayo si Chance at naglakad na. "Siya." sabi niya ng dumaan sa harap ko. Huh! Sinong siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD