"The death threats?"
Napalingon ako kay Chance dahil sa sinabi niya, tungkol ba yun sa mga sulat na natatanggap ko.
Kinabahan naman ako bigla, dahil baka nga alam nila at walang silbi ang pagtatago ko.
"Anong death threats ang sinasabi mo?"
"Letters? Chocolates? Flowers?" maiksi niyang sabi.
Ano ba to para naman kaming naglalaro.
"Do you know who send those letters?" umiling lang ako sa tanong niya at mas binagalan ang mga hakbang ko para magsabay kami.
Nauna nang naglakad si Chord nac-cr na daw kasi siya, hindi ko naman mabilisan ang mga lakad ko dahil pagod na ang mga paa ko pero mas mabagal ang lakad ni Chance kaya nasa likod ko siya.
"Hindi ko siya kilala bago lang naman ako nakakatanggap ng ganun at mukhang kilala niya si mama."
"Are you scared?" huminto ako at tumingin sa kanya dahil sa tanong niya.
Dapat ko bang sabihin na oo, takot na takot ako? Hindi ba ako nakakadagdag pabigat sa kanya?
"I'm not." buo ang loob at matigas na sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.
Huminga lang siya ng malalim at tumuloy ng maglakad, kaya napansin kong malapit na kami sa bahay. Pero mukhang hindi pa siya tapos magsalita dahil may sinabi pa siya bago pumasok sa gate ng bahay na nagpatigil sa dalawang paa ko at nagpangiti sakin.
"Good because I will never let them touch you...
because your my princess and my forever queen."
I then realize, masama man ang mga tingin na binibigay niya sakin at kadalasan ay wala siyang paki sakin dahil sa mga sinabi niya alam ko na isa siya sa mga taong maaasahan ko, at kaya kong itaya ang buhay ko sa kanya.
Mas napangiti pa ako dahil sa naisip ko.
Napatalon naman ako sa gulat sa dahil sa dalawang kamay na humawak sa balikat ko kasabay ng sabing...
"Hoy!!!"
"sabing wag mong titigan ng husto yung kapatid ko eh!" humarap naman ako kay Chord sabay agat ng braso ko at panay ang hampas sa kanya habang sumisigaw.
"Lintik kang paniki ka, papatayin mo ba ako hah? hah?"
"Aray ko, Aray ko! Joke lang po."
"Langya kang lalaki ka, tirador kaba ng mga nagkakape?" asar kong tanong sa kanya at tinigil na ang paghampas ang sakit na kasi ng kamay ko.
Gawa ata sa bakal ang katawan ng lalaking to.
"Huh, bakit?" nakangiti niyang tanong pero halatang naguguluhan.
Akala siguro ng gunggong na to magpipick-up ako.
"Alam mong nerbyosa ako, malakas akong magkape tapos gugulatin mo ako? Eh kung bigla akong inatake sayo hah?" mabunga-nga kong tanong.
"Sagot, sumagot ka?" gigil na gigil kong tanong.
"Aray tama na kasi, ang bigat ng kamay mo. Eh ang oa mo naman."
"Ah ganun ah, oa pala hah. Yan, yan!" sabi ko habang hinahampas siya, wala naman siyang nagawa kundi magtago sa mga malalaki niyang braso.
Di nagtagal tumigil na ako, pakiramdam ko ako ang magkakapasa sa ginagawa ko, tumalikod na ako sa kanya at dumiretso papasok sa bahay.
" Oh bat ang tagal mo?" seryosong tanong sakin ni Dannish ng makapasok ako.
Naka-upo siya sa couch at nakatingin sakin na parang tatay na nahuling umuwi ng hating-gabi ang anak.
"Ahh sa labas."sabi ko sabay turo pa ng pinto na nasa likod ko.
"Bakit ang tagal mo? May problema ba sa pagkilos mo at para kang pagong?"
Ouch, grabe naman tong lalaki na to tinalo pa si lolo.
"Hindi naman sa mabagal ako, si Chord kasi." sumbong ko.
"Nandito na kanina pa sa loob si Chord." seryoso niya pa ding sabi na parang pinapalabas na nagsisinungaling ako.
"Pero--
" Nine? Bat ang tagal mo matutunaw na yung ice cream. "biglang tanong ni Chord galing sa may taas ng hagdaan.
Kumunot naman bigla ang nuo ko kasabay ng pagdikit ng magkabilaan kong kilay.
" Paanong?Anong? "nagtataka kong tanong habang tinuturo si Chord.
Ginagago ba ako ng lalaking to, paano siya nakarating jan sa taas?
Napatingin naman ako kay Dannish ng magsalita siya.
" Sa susunod wag kang gumamit ng ibang tao para magpalusot, at ayaw kong makitang tumatagal ka sa sasakyan ng lalaking yun. "sabi lang nito at umalis na papuntang kusina pero may pinahabol pa.
" Kung nagugutom ka may pagkain dito sa kusina, help yourself. " tumango nalang ako kahit na hindi niya naman makikita ang sagot ko.
Mabilis naman akong tumingin ng masama kay Chord.
May hukos-pukos atang ginawa ang lalaking to eh.
Mabilis akong tumakbo papunta kay Chord pero mukhang naisip na ata ng ulupong kong ano ang iniisip ko dahil bigla din siyang tumakbo papunta sa kwarto nila ni Chance, kaya mabilis ko syang hinabol.
Mabilis kong binuksan ang pintuan ng kwarto nila pagkapasok niya, bigla naman akong natulos sa kinakatayuan ko ng makita ko kong anong meron sa loob ng kwarto napalunok ako at mas doble ang mabilis ng pagsarado ko ng pintuan nila kesa ng binuksan ko ito.
Napalunok ako ng masarado ko ang pinto at ilang segundo akong tumayo sa pintuan nila bago mabilis na dumiretso sa kwarto ko at nilock itong mabuti.
"Hayy,ano ba kasi yung nakita ko?"
"Bakit ko ba kasi sinundan si Chord? Eh loko-loko yun." sermon ko sa sarili ko habang naglalakad ng papunta at pabalik sa kwarto ko.
"Ano ba to? Hindi ko naman sinasadya eh, wala akong kasalanan." frustrated kong sabi habang hinihila ang ilang hibla ng mga buhok ko.
Naalala ko kong ano ang nakita ko sa kwarto, oras na buksan ko ang pintuan nila ay sakto namang bumukas ang pintuan ng cr na kaharap lang ng pintuan ng kwarto at lumabas si Chance na nakatapis lang ng towel sa pang-ibaba at may towel din na nakasabit sa leeg niya para hindi mabasa ang katawan niya sa mga tumutulong tubig galing sa basa niyang buhok, napalunok naman ako ng bumaba ang tingin ko sa katawan niya...
Ulam.......
Awtomatik na sabi ng utak ko kaya mabilis din akong umiling para alisin ang kung anong bagay na iniisip ko.
"Nakita mo?" napalingon ako kay Danish sa tanong niya pero mabilis din akong yumuko, nakatingin siya kay Chance mukhang ito ang tinatanong niya.
Pahiya 101.
Tumuloy lang ako sa pagkain at hindi sila pinapansin, pakiramdam ko parang ang awkward pero mukhang ako lang ang nakakaramdam.
"Ano sa tingin mo?" tanong ni Dannish.
"Mukhang masarap, kahit na tingnan lang."
Mabilis akong napatingin kay Chance sa sagot niya, mukhang lumaki pa ng kaunti ang mata ko ng tingnan ko siya.
Mukhang ako ang pinapatamaan ng dalawa.
"Bakit?" seryoso niyang tanong ng lumingon sa akin at makita ng nakatingin ako sa kanya.
Mabilis naman akong umiling at bumalik ang tingin sa plato ko.
Hindi ba siya naiilang sa nangyari kanina?
"Bakit parang ang tahimik mo ata?"nagtatakang tanong ni Dannish pero hindi ko pinansin dahil rinig naming tatlo ang bungisngis ng bwesit na lalaki ng nasa tabi ko.
CHORD!!!
Siya talaga ang may kasalanan nitong lahat eh.
Hmmm!
Sipa ko sa paa niya na nasa ilalim ng mesa. Mabilis niya namang inipit ang mga labi niya para pigilan ang impit na sigaw pero hindi nakatakas sa paningin ko ay paglatay ng biglaang sakit sa mukha niya.
Napangiti naman ako.
Tama lang yan sayo atleast nakaganti.
"Wala lang." balewala kong sagot kay Dannish at tumayo na dala ng plato ko habang nakangiti ng bahagya.
Tinapos kuna ang mga assignments namin at nagreview na din malapit na kasi ang second grading exam kaya dapat magsimula na akong magreview dahil hindi ako sanay magcramming, mas wala kasi akong nasasagot.
"Kumusta? Balitang-balita yung ginawa mo sa mall ah."bungad sakin ni Lauryl ng makapasok ako sa school at kagaya ng nakasanayan sinundo pa din ako ni Euon at hinatid sa room.
"Wala yun, nakakainis lang kasi talaga yung ahas na may dala ng mga prutas akala mo tindera eh."
"Wow, ngayon marunong kanang magselos!" nakangising sabi nito at umupo sa harap ko.
Wala pang masyadong tao dahil maaga pa, nagtext kasi ako kay Euon kagabi na maaga akong papasok.
Wala lang, para naman maiba tsaka nagpapractice na din ako ulit makipaglaban buti nalang nawala na yung sakit ng katawan.
"Kumusta na kayo ng boyfriend mo?" balik na tanong ko.
"Ayos naman, nagsorry na siya sa ginawa niya nakaraan."
"Ano bang ginawa niya?
" Nahuli ko kasi siyang nagsisigarilyo, eh napag-usapan na namin yun dati na ititigil niya na pero naayos na rin naman namin agad."
"Eh bakit ganyan yung mukha mo? Parang hindi ka naman kumbinsido."
"Siguro... nagsasawa na kasi akong pagbigyan siya. Alam mong mahal ko si Brix pero minsan nakakasawa din pala yung panay intindi ka nalang. Lagi ko siyang nahuhuling naninigarilyo at lagi din siyang nagsosorry at sasabihin hindi niya na uulitin pero wala pa isang buwan mahuhuli ko na naman siya."malungkot at halata ang pagod sa mukha niya.
"Alam mo yun Nine yung nakakasawa na, tapos nakakapagod na ding umasa na magbabago siya, pero hindi ko siya kayang iwan kasi nandito pa din yung thought na baka, baka lang magbago. Konti pa, baka konting push nalang hindi niya na gawin."
"Ewan ba, ang gulo... ganito siguro talaga yung relationship minsan lulubog minsan naman aangat, minsan lilipad, naisip ko tuloy ang hirap pala magbalance ng relationship lalo na kapag matagal na din."
"Kaya dapat smooth sailing lang ang relasyon niyo ni Euon para naman magtagal din kayo at sa huli magkatuluyan kayo."
"Sana nga noh, hoping ako na siya yung maging una at huli ko." puno ng pag-asa kong sabi.
"Nga pala naka-uwi naba yung lolo mo? Hindi ko pa kasi siya nakikilala, sa susunod pakilala mo ako ah." nakangiti niyang sabi kaya tumango naman ako.
"Gusto mo bang lumabas tayo mamaya?"
Napalingon ako kay Euon dahil sa tanong niya. Kasabay namin silang kumain ngayon kasama nila Aiken at Brio pero mukhang wala sa sarili si Aiken at panay ang tingin sa kabilang mesa kong saan kumakain mag-isa si Cetyl.
"Kung gusto mong puntahan, puntahan muna." mukhang hindi makatiis na sabi ni Lauryl.
"Ganyan lang talaga si ate kaya pagpasensyahan muna, lakasan mo lang yung loob mo tsaka wag mong tigilang suyuin lalambot din yan." naawang sabi ni Lauryl kahit ako din naman naaawa kay Aiken.
Dahil kalat na sa lahat ng estudyante sa school na hinahabol niya si Cetyl pero patuloy siyang itinataboy ni Queen, mukhang malaki yung sugat na nagawa ng pangyayari dati.
"Just eat, hindi mo pa sinasagot yung tanong ko." may himig ng inis na sabi ni Euon sa tabi ko kaya napatingin naman ako sa kanya at ngumiti ng bahagya.
Tsss, seloso.
"Hmm, labas tayo mamaya." mukhang hindi ata siya busy alam ko kasi ng ang dami nilang ginagawa ngayon.
"Bakit ganun parang hindi ko nararamdaman na ako yung papalit kay lolo?"tanong ko kay Chance.
Nakasalubong ko kasi siya dito sa manggahan, hindi ko nga alam kong anong ginagawa ng lalaking to dito eh.
"Kasi binabantayan kang maigi ng lolo mo, hanggat maaari ayaw niyang may nakaka-alam kong sino ka talaga."
"Nagtataka lang ako, kasi nga diba sa mga palabas tsaka sa mga kwento kapag mafia ka ang daming gustong pumatay sayo. Bakit parang sakin naman wala?" Nagtataka lang din kasi ako simula ng dumating dito si lolo wala na yung mga nagmamasid sa labas ng bahay.
Naisip ko naman na baka sila Chance ang may gawa.
"Ganun talaga, alam mo hanggat hindi alam ng lahat kong sino ang susunod na magiging leader walang kahit sino ang makakahawak sa kahit isang hibla ng buhok mo."
"Pero mas hihigpit naman kapag ikaw na yung may hawak ng grupo kaya dapat ka naming inggatan. Kaya pagpasensyahan muna si Danish kong ayaw niyang umuuwi ka ng gabi at nagtatagal sa labas dahil importante ka para samin at lalo na sa grupo." tumango naman ako sa sinabi niya.
"Ayos ah, nakaka-usap ka din pala ng seryoso? "pagbibiro kong sabi, masyado kasi siyang seryoso habang nagpapaliwanag.
" Ganun talaga ang mga gwapo Nine, may humor at may utak cause it's a tamdem. " bigla namang umasim ang mukha ko dahil sa sinabi niya pakiramdam ko masusuka ako ng wala sa oras.
Grabe talaga itong lalaki na to.
"Nga pala, ilagay mo ito sa cellphone mo para kahit saan malocate ka namin, tsaka ito din idikit mo sa buhok mo para kahit wala yung cellphone mo mahahanap ka pa din namin." sabi niya sabay lahad niya ng maliit na chip at ilang hibla ng buhok.
Mukhang tracker ang mga iyon, tinitigan ko pa ito ng matagal, nakakamangha lang.
Kinuha kuna din ng magtagal at nilagay na sa phone at buhok ko.
" Hindi ba to masisira kapag nabasa?" tanong ko.
"Hindi, water proof yan kaya ayos lang kahit isama mo sa pagligo." sabi niya sabay tingin sa relo na nasa braso, mukhang malapit na ang klase niya.
Yun yung bagay na kahit harap-harapan kong nakikita araw-araw naninibago pa din ako, sa lahat ng bagay sa pag-aaral seryoso si Chance kahit na mukhang wala siyang paki-alam sa pag-aaral dahil sa mukha siyang ewan at laging walang laman ang mga sinasabi,isa sa pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang makakita ng mababang marka.
Tumayo na ako at sumunod na din siya bago nagpaalam. Dumiretso na ako sa room, wala naman kaming klase at balak ko sanang pumunta ng canteen dahil nagugutom ako ng makita ko sa manggahan si Chance.