Chapter 14:

2272 Words
"Where are we going?" I ask habang nandito kami sa sasakyan. He said "I prepared a surprise for you!" the other week for our first monthsary. Kaya napabili din ako ng regalo na ibibigay ko para sa kanya. It took me hours to figure out kung ano ang ibibigay ko para sa kanya, in the end I end up with a mug na may design ng stethoscope at pinalagyan ko ng name niya sa ilalim. I remember one time ng sinabi niya saking gusto niyang maging doktor to help a lot of people, and I support him for that. Kaya madiin ang pagkakawahak ko sa baso habang inaabot sa gagawa, nararamdaman ko na hindi man mamahalin at kakaiba ang regalong ibibigay ko ay isa ito sa mga bagay na magiging saksi hanggang maabot niya ang pangarap niya. Im holding the mug as if it holds an important thread in my heart and it does. "Saan ba talaga tayo pupunta?" I ask again pero nginitian niya lang ako pabalik. And said, "Just be patient with me love, we'll get there." at tinuon na ang mga mata sa daan. I can't hide this feeling, sobra akong kinakabahan at hindi ko din mapigilan ang ngiti sa mga labi ko. I'm excited I knew it pero hindi ko pa din mapigilan, it is more than the feeling na nararamdaman ko kapag nakikita ko siya tuwing umaga habang naka-upo sa hood ng kotse niya para sunduin ako sa village. It's just different, my heart is throbbing and giving me a hard time breathing, while my stomach is adding the fuel. Tumitingin ako sa labas at pinagmamasdan ang mababang araw na nagbabadyang magpaalam para magpakilala ang buwan at mga bituin. Malalim ang bawat paghinga ko dahil sa kaba at excitement na nararamdaman. "Malayo pa ba?" I ask again for the hundredth times since I sit in his car. This time he let out a chuckle and stick his eyes on the road while not minding my question. Tinitigan ko naman siya ng maigi ng hindi niya ako sagutin, and maybe he sense im looking serious at him, he then look at me and flash a wide smile. This jerk... his using his face and smiles on me. "Easy babe, we'll get there this is just a long ride, please bear with it a little longer. For now just sleep and I'll wake you up when we're there,hmm." I let out a sigh and let him go, ipinikit kuna ang mga mata ko at hinayaang anurin ng kalamadong agos ng daan. "Babe? Babe? Babe?" "Hmmm." antok kong sagot sa tumatawag sakin. Gusto ko pangmatulog. "Babe were here?" he said at mabilis naman akong napamulat sa sinabi niya. Mabilis ko din niyakap ang sarili ko dahil sa malamig na ihip ng hangin, napatingin ako sa kanya dahil nasa gilid ko siya sa labas ng kotse. I look at him for a moment and just like always, I am mesmerized of how he looks. He looks like an angel. I can't really believe until now na boyfriend ko siya, of all the guys why did God give me an almost perfect guy for an ugly girl like me? Am I really worth it? Ngumiti ako sa kanya at tumingin sa labas ng kotse,malapit kami sa dagat dahil nakikita ko ito galing sa loob ng sasakyan at naririnig ko din ang tahimik na hampas ng mga alon sa dalampasigan. "Let's go." Inabot ko ang kamay ko sa kamay niyang nakalahad sa harap ko. Binitawan niya ang kamay ko para alisin ang jacket niya at isuot sakin. "Your precious to me, so don't get your self hurt or even have a chill." he said will holding a few strands of my hair and tuck it at the back of my ear. Napahugot naman ako ng malalim na hininga dahil sa ginawa niya, pakiramdam ko pinigilan ko ang paghinga ko ng hinawakan niya ang mga hibla ng buhok ko at binitawan ko lang yun ng bitawan niya na ang mga hibla ng buhok ko. "Come on."he said and held my hand gently guiding me to where we are going. Hindi ko maitago ang ngiti ko ng makita ko ang maliit na kubo na maraming nakasabit na ilaw. "Do you like it?" he said as we stop infront of the small hut. Maliit lang ito at kasya lang ang isang mesa at dalawang upuan na magkabilaan, pero maganda ang pagkakadekorasyon. He pulled a chair for me and sit on the other chair. "So?" pahaba niyang sabi habang tinitingnan akong maigi. "I like it no, I love it." puno ng emosyon kong sabi. It's simple but breath-taking. I look at the sea and it gives me more of the nature vibes because of the big moon that is about to rise. Hindi ko maitago sa mga ngiti ko ang saya, it more of a contentment about everything right at this moment. I'm looking at him intently while his serving me with foods and drinks, wala nga akong marinig na masyado sa mga sinasabi niya. At this moment parang gusto kong maiyak, kasi maliban kay lolo at kay mama wala pang taong nag-bigay ng importansya sakin ng ganito. These is the moment that I want to stop the time and just look at him and make the clock stop ticking and let the universe pause for this very moment so I could cherish it forever with him. Hindi ko naisip na mararamdaman ko ito, sa tagal ng panahon na ang daming taong nagsabi sakin na ang pangit ko at walang magkakagusto sakin. This guy just prove them wrong, parang gusto kong bumalik sa dati at ipamukha sa kanila na sa future meron magmamahal saking lalaki na hihigitan ang lahat ng lalaking nagmahal sa kanila. "Euon!" I called him. "Yes? Why?" tanong niya ng may pag-aalala dahil sa basang mga mata ko na nagbabadya ng pagluha. "I just want to say thank you for being you." yun lang ang nasabi ko dahil alam kuna kong sasabihin ko lahat ng gusto kong sabihin ngayon baka hindi ako matapos. He smiled at me and said, "Then I'll thank God because he let me meet a special girl like you, sana maging sapat ako para sayo so you won't leave me kahit na marami akong pagkukulang at pagkakamali." He hold both of my hand and squeeze it. "I promise to stay with you and love you always, always." "I love you Arginine Levounne Vieira." Hindi ko mapigilan ang mga Mata kong pumikit ng amat-amat na lumapit ang mukha niya sakin, I am anticipating a kiss as i feel his breath just infront my face and the next moment I knew it I felt his lips on my forehead. I open my eyes and look at him face to face, ngumiti naman siya ng napakatamis sakin bago nagsalita ng halos pabulong. "I respect you and I will never claim that lips unless you are about to say I do infront of everyone." he said and went back on his seat. Hindi ko naman naiwasan ang mapatanga sa kanya, I know I admit it akala ko talaga hahalikan niya na ako sa labi ng mga oras na yun. I have it in me that disappointment pero mabilis yung nawala dahil sa sinabi niya at napalitan ng bago at kakaibang pakiramdam. We spend the night talking to each other and discovering new things on each other then go home. Para pa akong nakalutang sa hangin ng gumising ako kinabukasan and funny thing is umabot yung kilig ng isang linggo, kaya nga panay tukso ang inabot ko sa mga kaibigan ko. Everyone's busy, malapit ng matapos ang buong school year dahil February na at marami na kaming ginawa dahil sa tambak na case study at baby thesis ang mga teacher namin. Hindi na kami masyadong nagkikita ni Euon, busy na sila kahit na yung dalawang kambal na nasa bahay hindi kuna din nakikita dahil sa pagkabusy. Masaya lang ako dahil kahit na busy si Euon ay hindi niya nakakalimutan ang sunduin ako sa village namin kahit na sobrang busy na siya. "Okey lang ba sa relationship yung hindi kayo nag-aaway? " tanong ko kila Jenna habang kumakain kami dito sa manggahan. "Bakit may problema ba kayo ni Euon?" tanong ni Alex. "Yun nga eh, wala kaming naging away maliit man o malaki. Iniintindi niya naman ako at naiintindihan ko din siya sa mga  pagkukulang niya. Nagtataka lang ako kasi nga normal ba yun? Yung hindi kayo nag-aaway? Curious lang ako. " "Ano kaba ang swerte mo kaya, kami nga ni Brio nag-aaway lagi kasi nga minsan hindi siya marunong magseryoso kahit na dapat seryosuhin yung ibang mga bagay." sabi ni Haira. "Kung ako sayo, okey nayan kesa naman lagi kaying nag-aaway sa mga walang kwentang bagay, hindi din kasi maganda minsan yung laging may away." dagdag ni Haira. "Pero hindi ba maganda din yung may konti tampuhan basta hindi lang seryoso para naman may konting thrill sa relationship." komento ni Rea. "Ano sa tingin mo?" tanong ko kay Lauryl ang tahimik niya kasi sa tabi, halatang malalim ang iniisip. Tumingin naman siya sakin bago nagsalita. "Ang totoo hindi ko alam, totoong maganda din na may kunting away sa relationship pero bihira kasi yung stable na relationship yung nirerespeto niya ang mga desisyon mo at ganun ka din sa kanya." "Sabi ng iba, silent killer daw yun ng relationship wala daw kasing relationship na ganun tapos one day magigising kana lang sira na pala yung relationship." "Ewan ko Nine kasi kong ako lang katulad ni Haira mas gusto ko yung relationship na kagaya sa inyo ni Euon, simple lang." mahaba ng paliwanag niya. "Pero nakaka-inis na yung mga bashers mo ngayon parang dumadami ata sila at ang lalakas ng loob  kung makareact naman parang ngayon lang naging kayo ni Euon eh 6 months na nga kayo." may halong inis ang boses ni Haira. Yun nga din ang pinagtataka ko, simula ng mag6th monthsary kami ay mas dumami na ang nag-aaway saking mga palaka. For the past months we celebrated our monthsary kagaya ng first monthsary namin dahil yun yung request ko, same place, same scenery but different feelings, stories and memories. Gusto ko kasing maging espesyal ang lugar na yun. Pakiramdam din ko may alam sila na hindi ko alam dahil sa tono ng mga pananalita nila na parang may laman. "Baka dahil akala nila hindi seryoso si Euon sa relationship niya." pasaring ni Lauryl. "Paano mo naman nasabi?" nagtataka kong tanong. "Wala lang kasi diba dati naman alam ng lahat na may 3 months rule si Euon sa mga naging relationship niya, baka akala nila pang 3 months relationship ka din." "Oo nga noh, nakalimutan ko yan." naliliwanagang sabi ni Jenna. "Oo naalala kuna na, lahat nga ng naging jowa ni Euon dati either less than 3 months pero not more than 3 months lahat." dagdag ni Alex. Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya, simula kasi last year wala na akong naririnig tungkol sa mga naging relationship ni Euon kaya hindi sumagi sa isip ko ang ganun. Mukhang alam kuna ang dahilan kung bakit nagiging agresibo ang mga fans ni Euon. Kaya din nandito kami sa manggahan dahil inaraw-araw na ni Dara ang pangbabara at panglalait sakin. Affected na affected yung babaeng yun, hindi nalang magmove-on minsan hindi ko din maintindihan yung tao eh, kapag gusto natin ang isang tao ipipilit natin ang naramdaman natin at kapag hindi yun nasuklian magagalit tayo kasi nasasaktan tayo at ang labas pa kadalasan kasalanan ng taong nagustuhan natin kasi hindi nila tayo magustuhan. Ewan ba, minsan sobrang gulo ng buhay buti nalang kami ni Euon steady lang. "Pero imposible namang lokuhin ako ni Euon diba? I mean hindi naman kami magtatagal nang ganito kong hindi siya seryoso?" I ask almost like an assurance, contradicting what I'm thinking. Sana nga lang steady talaga kami. "Nan-dhito lang pala khayo, grabe ng ha-nap ko sainyo." pagod na pagod na sabi ni Brio. Nakapatong ang dalawang kamay niya sa mga tuhod niya, habang humuhugot ng malalalim na hininga. "Anong meron love?" tanong ni Haira at lumapit lalaki. Pinaupo naman namin si Brio dahil para siyang nag marathon sa itsura niyang tatakasan ng hangin kong makahugot habang pinupunasan ni Haira ang buong katawan at mukha niya. "Yung kambal tsaka si Eun nag-aaway." sabi niya ng makabawi ng hininga. "Bakit daw?" nagtataka kong tanong habanh kinabahan. Brio stop for a while and look at me for a minute that gives me an instant chill. I can see it, he shift from soft to furious. "B-Bakit?" "Are you cheating?" halata ang pag-aakusa sa tanong ni Brio. "Ano bang pinagsasabi mo? Of course not." depensa ko. "Nasaan ba sila?" nababahala kong tanong at tumayo pero mabilis akong napahinto dahil sa malakas at malaki ng kamay na nakahawak sa braso ko. "BRIO!! Ano bang ginagawa mo love?" malakas na sigaw ni Haira at pilit na tinatanggal ang mahigpit na kapit ni Brio sa kamay ko. Napapa-igik naman ako sa sakit. "Brio, ano ba nasasaktan ako. Bitawan mo ang kamay ko." may pagmamakaawang sabi ko habang pilit na inaalis ang kamay niya sa braso ko. Nakatingin naman sakin sila Jenna kasama nila Lauryl, na parang nagulat sa mga nangyayari. "Just make sure your not cheating with my friend dahil hinding-hindi kita mapapatawad Nine." punong-puno ng diin niyang sabi at malakas na binitawan ang mga kamay ko bago umalis na ng mabilis. Naiwan naman kaming natitigalgal dahil sa nangyari, pati ako hindi ko maisip kong ano ang nangyayari. Makalipas ng ilang minuto ay hinabol na namin si Brio samantalang tahimik naman ang mga kasama ko at hindi umiimik. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD