Chapter 17:

1058 Words
"Bakit sila umalis?" ulit ko ng tanong kay Danish. "Itatanong ko din sana sayo kaso lang may kasama ka pagdating mo kanina." sagot niya habang nagluluto pa din. Tumalikod nalang ako para diretso ng umakyat pero napaharap ako ulit ng may mapansin ako sa likod ni Dannish. Tattoo ba yun? Magsasalita na sana ako para pigilan siya pero hinayaan kuna at mag-tuloy nang umakyat. "Hoyy!!!" sabay hampas sa akin sa braso ni Lauryl kaya bigla akong sa mundo. Tumingin pa ako sa kanya bago sa paligid. Nasa kwarto na pala ako. "Ano ba Nine, kanina kapa tulaley girl. Ano to dinala mo ako dito para magtulalaan lang tayong dalawa."sabi niya sabay kuha ng mga plato sa akin at binuksan na ang mga dala naming pagkain. "Nga pala, hindi kaba pupunta ngayon kila Euon? Susundin mo ba yung sinabi ni Rea?" Tumingin naman ako sa kanya dahil sa tanong niya paisa-isang habang ako lumapit at umupo sa kama bago sumagot, huminto pa siya sa ginagawa niya ng hindi marinig ang sagot ko ilang segundo na ang nakakaraan. Nagkatinginan naman kaming dalawa. "Sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko Ryl, dapat na ba akong magpaliwanag. Pero natatakot ako eh, kitang-kita ko sa mga mata niya kanina yung sakit at disappointment niya sakin." "Hindi ko siya kayang makitang ganun, tapos yung dahilan hindi lang namin pagkakaunawaan. Alam mo naisip ko dapat ba sinabi ko sa kanya lahat para hindi kami umabot sa ganito." "Pero hindi ko kasi kayang ipaliwanag sa kanya yung ibang mga bagay eh. Natatakot ako baka kasi hindi niya ako matanggap." naluluha kung sabi kay Lauryl. Hindi ko alam, gusto kong habulin si Euon pero natatakot ako sa galit niya. Natatakot akong malaman niya yung totoo baka katakutan niya ako, baka hindi niya na ako mahalin. Hindi naman kasi yung tungkol kay lolo yung kinakatakot ko, yung pagiging mafia ko ayaw kong madamay siya sa magiging mundo ko. Higit sa lahat ng tao siya yung hindi ko gugustohing masaktan. "So, hindi ka nga magpapaliwanag?" "Magpapaliwanag, misunderstanding lang naman to. Sino kaya yung nagsabi sa kanya tungkol kila lolo? Pero ang mas problema ko hindi ko alam kung saan talaga siya nakatira."yun talaga yung problema ko. Kanina pa ako tumatawag sa kanya pero hindi niya ako sinasagot, hindi ko din alam kong saan magpapaliwanag. Dumagdag pa na umalis yung kambal. Hayyy, ang gulo. "Hali ka nga dito, manoud nalang tayo kesa isipin mo yang lalaking yan. Bigyan mo muna ng space para makapag-isip naman siya at kumalma. Sabay hila sakin ni Ryl at kinalikot na ang tv na nasa kwarto ko. "Nag-aalala lang ako, unang away kasi namin to baka mamaya isipin niya na hindi ako seryoso tapos niloko ko talaga siya." "Hindi yan, itetext ko si Brio para tanungin ang tungkol kay Euon para hindi kana mag-alala pa, hah."sabi nito sabay labas ng phone mabilis naman akong lumapit at hinawakan ang kamay niya bago nagsalita. "Pwede bang tawagan nalang natin tapos kausapin ko si Euon, sa phone nalang ako magpapaliwanag."paki-usap ko kaya wala nang nagawa si Lauryl kung hindi pagbigyan ang gusto ko. "Hello?"sagot ng tao sa kabilang linya na halatanh si Brio. "Ahh, Brio kumusta? Okey lang ba kayo?"alangang tanong ni Lauryl. "Oo ayos lang, hindi naman kami masyadong napuruhan pero grabe ang lakas pala ng kambal na yun. Oh, bakit ka napatawag? Kung hinahanap ni Nine si Euon wala siya dito, hindi namin siya kasama umuwi ata." "Ahh, ganoon ba. Alam niyo ba kung saan siya nakatira?"tanong ni Lauryl kay Brio habang nakatingin sakin. "Yun lang hindi din eh, actually walang nakaka-alam ng bahay nila Euon maliban kay Dara. Wala pang kahit sino samin ni Aiken." "Ah, sige na pala. May lakad pa kasi kami eh. Pakisabi nga din pala doon sa kaibigan mo baka pwede ng magpaliwanag na siya sa kaibigan ko." sabi lang nito at pinatay na ang tawag. May sasabihin pa sana si Lauryl pero naputol na ito sa ere dahil wala na ang kausap niya. "Tsk, nakakaiinis naman aawayin ko pa sana pabalik yung lalaking yun eh, ang lakas naman ng loob niya eh wala naman siyang alam."padabog nito sabi sabay dakot ng marshmallow na madami sabay subo. "Hoyy, para lang patay gutom. Hayaan muna, syempre kaibigan niya si Euon poprotektahan niya yun kahit naba sabihin na lalaki sila eh alam naman natin na matagal na silang magkaibigan." pangpalubag na loob na sabi ko sa kanya. "Tawagan ko kaya siya ulit?"tanong ko kay Lauryl kahit na kanina ko pa ginagawa pero hindi siya sumasagot kahit naman lang magring ang cellphone niya at hindi. "Puntahan kaya natin sa bahay nila?"suhestyon niya pero umiling lang ako, hindi ko kasi alam ang bahay niya. Ewan ba never pa kasi talaga siyang nagkwento. Paano ba nangyaring hindi ko alam kung saan nakatira ang boyfriend ko. "Baka naman pwede kong paki-usapan si Dara kung saan nakatira si Euon."sabi ko. Rinig sa boses ko ang pagmamakaawa. Umiling lang sakin si Lauryl. "Why don't you gave him time first,baka first time niyang masaktan kaya nagulat siya ng husto. Though we know that you don't live with an old man,kasi kung old yung lalaki na nasa baba. Ay! Sure ako hindi tao ang nagsabi nun." Hindi ko alam kong bakit hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Lauryl, okay lang naman ako kanina dahil nakaya ko pang makipag-biruan pagpasok namin dito sa bahay. Ewan, parang bigla nalang naisip ng utak kuna dapat magpaliwanag ako kay Euon para magka-ayos agad kami. I can't take this, our relationship is more mature than our relationships na sobrang toxic. Siguro naging sobrang kampante din ako, kasi halos hindi kami nag-aaway lalo na sa mga napaka-simpleng bagay. Alam kong hindi ako maganda, matangkad, matalino at sa ugali nalang ako pwedeng bumawi kay Euon dahil yun lang yung pwede kong maipagmalaki bilang babae na may boyfriend na sobrang gwapo at pwede akong Iwan kahit kelan niya gusto. Paano kong maisip niya after nito na ayaw niya na pala sakin? What will I do? What will change? Kakayanin ko kaya? . . . NO! Deep down alam kong hindi ko kayang nawala siya, ilang buwan palang kami pero mahal ko siya. God, let him not be my first heartbreak. I can take every pain and cry, wag niyo lang siyang bawiin sakin. I'll promise to be more good than I am now. I beg you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD