It took me a week para hanapin siya sa campus at bantayan ang pagdating niya sa school pero walang anino ni Euon ang dumating, I can't find him anywhere kahit sa mga lugar na pinupuntahan namin.
Where are you?
I think I'll loss my mind any moment, I know I have to prioritize my study pero hindi kayang alisin ng utak ko ang pag-iisip kong nasaan na siya. Hanggang ngayon ay walang nagsasalita sa mga kaibigan niya, wala silang sinasabi na kahit ano man lang.
"Nine? Bumangon kana jan, may exam na tayo bukas kailangan munang magreview at ayusin man lang ang sarili mo."
Yugyog sakin ni Rea pero mas binalot ko pa ang sarili ko lalo sa comforter at hindi siya pinasin. Isang buong linggo din akong ganito, yung rest na sinabi ni Rea last last week, hindi ko yun nagawa dahil panay ang tawag ko kila Aiken at Brio ng sabado at linggo ginugol ko din and buong linggo na may pasok kakahanap at kakaantay kay Euon para maka-usap siya at magpaliwanag. Pero hindi ko siya nakita, umabot din ako sa puntong nagmakaawa na ako kay Dara para itanong kong saan siya nakatira.
"Dara please,please,please,please!"pagmamakaawa ko sa kanya noong friday ng hindi kuna matiis dahil hindi pumapasok si Euon.
I am kneeling in the center of our cafeteria, at masayang nakatingin sa harapan ko si Dara habang may kasamang halakhak pa.
"Please, kahit yung address lang ng bahay nila kausapin ko lang siya sandali lang talaga. Sige na!"kanina pa akong umiiyak at kanina pa din ako nakaluhod dito sa semento, panay naman ang hila sakin ng mga kaibigan ko pero hindi ako nagpapatinag. I really need his address.
I am desperate.
I want to see him, touch him, tanungin kong kumusta na siya.
"Nine, tumayo kana jan. Hindi niya sasabihin kong saan nakatira si Euon kahit mamatay ka pa sa harap niya."paki-usap sakin ni Haira Pero umiling lang ako ng paulit-ulit.
I need him. I need to see him.
"Alam mo namang masama ang ugali ng babaeng yan, kaya please lang tumayo kana mag-iisang oras kana ditong nakaluhod at tamang tingin lang yung binibigay niya sayo." sabi ni Alex na parang maiiyak na ano mang minuto.
"NO!!"matigas na sagot ko kay Alex.
"Nine..." Rea called me with a very soft voice ewan ba parang ate talaga siya minsan. I look up and she stop infront of me bago umupo at magpantay ang mga mukha namin. Bago lang siya dumating dahil absent siya buong umaga sa hindi ko alam na dahilan.
Napatingin naman ako kay Dara at sa mga kasama niya pero parang wala lang silang paki-alam na kanina pa nagtutumpukan ang mga estudyante dito para maki-usyuso. I look back at Rea, pinunasan ko ang mga luha sa mata ko nahalos hindi na maubos tinulungan niya naman ako sa pagpunas.
Marahang umiling siya sa harap ko pagkatapos ay ngumiti ng napakatipid hindi man lang halos umangat ang magkabilang gilid ng mga labi niya. Sabay yumakap sakin at bumulong ng mga salita na sapat lang na marinig ng tainga ko.
"Save yourself darling, your losing her for him. Please... you're worth more than this world and everything in it, hmm!" sabi niya at inalo na ako.
Hindi ko alam kong paanong umiyak ulit ako lalo,kasi naiitindihan ko naman yung sinabi ni Rea pero bakit parang hindi ko parin macocomprehend at mas piniga pa ang dibdib ko.
Malakas ang hagulhol ko sa mga salitang sinabi ni Rea, I felt like a child na hindi binilhan ng laruan sa department store.
Ang bigat. Ang sakit-sakit na, nakakapagod na.
"We'll help you find him kahit saan pa siya nagtatago na parte ng mundo, we'll hire the best investigators."sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"We will find him. Okay?"she said with full of assurance.
Tumango naman ako sa tanong niya.
"Right, so get up and we will start everything."sabi niya sabay tayo at lahad ng kamay sakin na inabot ko naman.
"Oh! So the drama is done. Yun lang yun?"may pang-uuyam na tanong ni Dara.
Masama naman akong tumingin sa kanya. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Lauryl.
"Oo tapos na, pero wala ka namang inambag."galit na bulyaw niya.
"Kung ako yung leader nito hindi ko isasali pangalan mo sa pasahan ng grade, bahala lang bumagsak. Pangit mo kabonding."dagdag ni Haira sabay hila saming lahat na magkakaibigan papunta sa mangahan.
I look at them, lahat kami naka-upo sa isa sa mga lamesa na nandito sa mangahan at nakapalibot sa akin.
Namamasa na naman ang mga mata ko at namumuo ang pagbagsak na mga luha.
Siguro nga paulit-ulit ko ng sinasabi to sa kanila pero uulitin ko pa din.
"Please, I need him. Help me find him."basag ang boses na sabi ko.
"We will, pero ayusin mo muna yung sarili mo. We will hire people to find him so don't worry."
Ginugol ko ang sumunod na linggo sa pagbabantay ng tao para mag-imbestiga pero natapos nalang ang buong linggo ng wala akong napapala, walang maingay na matinong impormasyon ang mga taong binayaran namin. Na parang walang Euon na pinanganak at tumira sa mundong ito.
"Nine, bangon na."
"Nga pala friend asan na yung lalaking nandito nakaraan yung Dannish yung name."tanong ni Ryl mula sa malayo.
Linggo ngayon kaya siguro nandito sila, actually simula ng punta dito si Lauryl nakaraan kinabukasan ay umalis nalang bigla si Dannish at nag-iwan lang ng sulat na may kailangan siyang gawin na importante.
Nilabas ko ang ulo ko para sumagot.
"Umalis kinabukasan pagkatapos mong punta dito last last week."
Tama nga ako nasa hamba siya ng pintuan ng kwarto ko, napatingin naman ako sa taong papa-akyat galing sa hagdan.
Mukhang dito sila ngayong lahat dahil may mga boses pa akong naririnig na galing sa baba at boses babae lahat.
"Bumangon kana jan at maligo. We'll review here para may kasama ka. Wag mo munang isipin si Euon kailangan nating maipasa ang finals natin para makagraduate tayo."
At isang buong araw nga sila sa bahay, tinatawag nila ang pangalan ko kapag natutulala ako paminsan-minsan o di kaya ay nawawala na ako sa mundo, may mga naintindihan naman ako pero pakiramdam ko walang pumapasok sa utak kuna kahit ano kaya nag-exam ako ng buong linggo ng wala sa sarili.
Hindi ko nalang din pinapansin ang mga tingin ng ibang mga estudyante sa akin, at ang mga patutsada ni Dara at ng mga kaibigan niya dahil kadalasan hindi ko talaga napapansin dahil nakatulala lang ako.
Nagpatuloy ang mga araw ko nang para akong isang robot isang linggo nalang at sa susunod na linggo ay graduation na namin. Gusto kong maging masaya pero hindi ko magawa, siguro dahil hindi lang si Euon yung dahilan dahil pati si mama ay wala at hindi rin sigurado kong makakarating si lolo, wala din si Dannish at hindi na ako kinakausap ng kambal.
I feel so lonely, parang ako nalang yung nakatayo at iniwan na ako ng lahat ng malapit sakin.
Kahit anong tanong ko sa kanila kong bakit nila ako iniiwasan ay hindi sila nagsasabi ng totoo. It's like I lost everyone in just a span of year and I can't do anything para maibalik ko sila sakin.
Napagod ba sila sakin? Nasaktan? Natakot? Nagsawa?
Hindi ko alam kong paano ko sasagutin yung mga tanong ko dahil hindi nila ako sinasagot kong ano yung mali sakin, para magbago ko at magustuhan nila, para wala na silang maging problema sakin.
"Iiwan niyo din ba ako?"tanong ko ng hindi namamalayan.
Tumingin naman sila saking lahat, nandito kami sa mall. Simula ng matapos ang exam ay hindi na nila ako iniwang mag-isa kahit na sa bahay nagsasalitan sila sa pag-oovernight sa bahay.
"Wala yun."bawi ko sa sinabi ko ng mapagtanto ko ang sinabi ko pero sinagot pa din ako ni Jenna.
"No, hindi ka namin bibitawan at lalong hindi ka namin iiwan. Kasi kaibigan mo kami."sabi niya sabay about sa kamay ko na nasa mesa at marahang pinisil at sabay-sabay naman silang tumangong lahat na sumasang-ayon sa sinabi ni Jenna.
I arch a small smile at them.
"Thank you."mahinang sabi na sapat para marinig nilang lahat.