"ARE you free today?" bungad agad sa kaniya ni Denver, matapos sagotin ang tawag nito. Itinigil niya muna ang panonood ng korean drama. "Oo?" nagaalinlangan niyang sagot. Napatawa naman ito. "Ba't parang hindi ka sure sa lagay na iyan?" anito. Hindi niya maiwasan na mapangiti. "Nanonood kasi ako ngayon ng k-drama." pagsasabi niya ng totoo. "Oh, you have that kind of habit? Ano'ng pinapanood mo?" Kumuha muna siya ng pringles at kumain bago sumagot. "Oo. At isa pa boys over flower iyong pinapanood ko ngayon. Ang gwapo nga ni Goo jun pyo." nangingiti pa siya na animo'y kinikilig. "Ah okay." Mahina siyang napatawa sa nakuhang sagot nito. "But I know that I'm way more handsome than him, right?" Pagdudugtong nito na ikinahalakhak niya. "Ang petty mo po." pangaasar niya nito. "So, b

