HABANG nasa loob ng byahe para umuwi ay hindi parin makapaniwala si Rosalinda sa nalaman tungkol sa matalik niyang kaibigan. Ang dami niya pa sanang itanong nito ngunit na walan siya ng oras o pagkakataon para makipag-usap pa nito ng matagal. "Don't worry, linlin. I'll visit you soon." paga-assured nito sa kaniya kanina. Hindi niya kasi alam kung ano ang nakain ni Jerome para lagi itong nakadikit sa kaniya at gustohin niya mang huwag itong bigyan ng ibang kahulugan, ngunit napapansin niya kanina ang ginagawa nitong pagpipigil na makausap ang kaibigan niya. Madilim pa ang pagmumukha nito at tila badtrip. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo kanina?" Napatigil siya sa pagtitingin sa labas ng nadadaanan nila at bahagyang sinulyapan ang lalaki na katabi. Kasulukuyan itong nagmamaneho ng ko

