NANGHIHINAYANG tinignan ni Rosalinda ang dress niyang kulay itim na maternity office work na suot niya kanina. Maayos pa ito ng papunta siya ng kompanya pero heto—sira na ang zipper sa likuran niya sa sobrang aligaga sa paghubad nito. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Jerome kaya matalim na tinignan niya ito. Masama ang loob niya para sa lalaki na halos hindi niya na alintana ang halos hubad niyang katawan. Ang nanatili na lamang kasing nakatakip sa kaniyang katawan ay ang undergarments niyang kulay pula. "What? I didn't do anything." Itinaas pa ang dalawang kamay nito. "If you didn't pressure me, edi maayos pa sana ang damit ko. Ilang beses ko pa ngalang nasuot iyan at laking tuwa ko pa nga kanina dahil kumasya sa'kin iyan. At kung hindi ka ba naman sinapian para magisip ng pagani

