"Nakita mo ba kanina sina Sir Rome at si Rose sa labas? Nakita kong pinagbuksan pa ito ng pinto ng kotse ni Sir Rome. Ang sweet nilang dalawa. Iyon pa 'ata ang unang beses na nakita kong sabay silang pumasok after ng ilang buwan na maging asawa." iilang bulongan na naririnig ni Rosalinda habang tahimik siyang naglalakad sa tabi ng asawa. Bahagya siyang napanguso. Dahil kung first time ng mga katrabaho niya na nakitang gano'n sila ng lalaki, ay mas lalo na siya. "Ayos na kaya sila? Edi pa'no na si Ma'am Jasmine na iyan? Tapos iyong kumakalat na tungkol sa ex lover ni Rose na nagbalik, which is kakompetensya pa ni Sir Rome." Hindi niya mapigilan na lingonin ang nagbitaw ng salita na iyon. "Ex lover? Never pa naman ako nagkaroon ng boyfriend. Don't tell me..." wala sa sarili niyang mahi

