"Why do we need to wait for several weeks for them to be delivered?" Hindi mapigilan na mapaikot ang mata niya dahil sa sinabi ni Jerome. "Kahit naman mai-deliver iyon ng maaga ay hindi naman agad iyon magagamit. May limang buwan pa dapat hintayin." walang ka-interesado niyang sabi. Kanina niya pa naririnig ang paulit-ulit na reklamo nito dahil sa hindi agaran na mai-deliver iyong mga pinangbibili nilang mga gamit ng kambal. At hindi niya maiwasan marindi. Narinig niya ang mahinang pagbuntong hininga nito. "Umuwi na nga tayo." aniya dahil kanina pa siya napipika sa mga tingin na ipinukol ng mga tao sa kaniya. Isama pa iyong mga ilang bulongan na naririnig niya tungkol sa kumakalat na litrato sa social media. Gustohin niya man na huwag ma-bothered ngunit hindi niya maiwasan lalo na't n

