NANGINGINIG si Rosalinda dahil sa galit. Hindi rin mapigilan na tumulo ang mga luha niya habang magkasalubong ang kilay at masama niyang tinignan ang lalaki. Lumalabo pa nga ito dahil sa nasasagabalan na ito ng mga luha niya. "Wala kang alam kaya huwag mo'kong pagsasalitaan ng ganiyan, Jerome. Kung hindi ka isang gago ay sana wala ako dito. Tangina, alam ko naman na kasama mo siya buong magdamag pero ang tanga ko rin dahil nagawa ko paring umasa at hinatayin ka na umuwi hanggang makaidlip ako sa sofa," puno ng hinanakit niyang saad nito. "Alam mo, nakakapagod na rin pala ang ganitong set up. Ilang araw ay magiging ayos tayo—nagiging sweet pa sa isa't isa, tapos sa isang iglap ay biglang babalik na naman sa dati. Makita mo lang siya at maalala ay makakalimutan mo agad ako. Akala mo ba ay

