"SERYOSO ka ba, ayos lang na pumunta tayo dito?" Hindi niya na mabilang kung ilang beses niya na itong natanong mula sa kaibigan, matapos sabihin nito na may alam itong lugar na magandang pasyalan at tiyak na nakaka-relax. Sinuyod niya ng tingin ang buong paligid. Halos walang katao-tao o kabahayan man lang. Mukha rin kasing private property ang pinuntahan nila. Umabot rin ng dalawang oras iyong byahe dahil sa may kalayuan nito mula sa syudad. Nakikita niya sa hindi kalayuan ang mga bundok. Inayos niya ang kumalat na buhok sa mukha niya matapos isang may kalakasan na hangin ang umihip nito. Hawak siya nito sa isang kamay at inaalalayan paakyat sa isang may kalaitan na burol. Sa tuktok nito ay isang puno ng Narra. "Yes. Ayos ngalang. Kulit mo talaga kahit kailan. At isa pa, iyong to

