"SUSMARYOSEP! Ba't ka naman natutulog dito, Hija?" Boses ni Manang Josefa ang gumising sa kaniya. Inaantok niya itong tinignan at saka ay maingat na bumangon. Agad naman siyang inalalayan nito. Nang makaupo ng maayos ay doon niya lang napagtanto na nasa sala siya. "Ano'ng oras na po, Manang?" pagtatanong niya nito. "Alaa sais palang ng umaga, Hija. Ba't ka ba dito sa sala natulog?" Humikab siya at bahagyang naginat ng mga braso. "Hindi ko po sinasadyang makaidlip dito, Manang," sagot. Dahil matapos siyang kumain kaninang madaling araw ay mas pinili niya munang magpahinga at manood ng mga palabas, at habang hinihintay rin na ang pag-uwi ng asawa. At mukhang mapa-hanggang ngayon ay hindi pa ito nakakauwi dahil hindi man lang siya nito nailipat sa silid nilang mag-asawa. Huminga siya

