PAGKTAPOS makabihis ay hindi parin siya hinayaan ng lalaki na maglakad ng mag-isa. Buhat parin siya nito at nakakapit naman siya sa may leeg nito habang palabas ng banyo. "Ayos naman na ako, Sir. Pwede mo na akong ibaba." aniya sa lalaki. Umiling ito. "Just let me, Rose. I know you're still tired." Napabuntong hininga siya. Kanina niya pa naririnig ang rason nito para pigilan siya sa isang bagay o sa gagawin. Katulad nalang sa paglilinis ng katawan ng mag-isa. Sinamahan pa talaga siya nito maglublob sa bathtub ng may katamtamang temperatura. Pagkatapos naman ay sa pagbabanlaw mula sa shower hanggang sa pagbibihis. Lagi itong nakadikit sa kaniya at tinutulongan na para bang isa siyang imbalido. "Anong oras pala tayo uuwi?" pagtatanong niya. "Why? Do you want to go home now?" Tinignan

