"Ayos lang kaya ang suot ko?" pagtatanong niya sa katabing si Jerome. Nasa backseat sila ng sasakyan at hinahatid papuntang port ng mga barko. Kasulukuyang naka-ayos siya dahil sa dadali sila sa isang party. Nakasuot siya ng kulay itim na formal gown. Hapit nito ang katawan niya kaya nababakas ang umbok ng tiyan niya. Hindi naman ito halata kung hindi siya titignan ng harapan. Kumikinang rin ang mga beads ito sa tuwing tinatamaan ng ilaw. Backless rin ito kaya nagpapakita ng balat at sa harapan naman ay hindi medyo malalim ang hiwa sa may dibdib ngunit dahil simula ng mabuntis siya ay tila nadagdagan ang laki ng dibdib niya para may cleavage na nabubuo sa pagkaipit nito sa dress. Pinaresan niya rin ito ng isang may 1 inch heels. Naglagay pa siya ng kolorete sa mukha kahit hindi naman tal

