Gusto na lamang niyang maglaho o magpakain sa lupa dahil sa sobrang hiya at panliliit na nararamdaman niya. Hindi lang dignidad ang naapakan kundi ang maging p********e niya. Nasasaktan siya habang tinitignan ang asawa na kasulukuyang masaya nakikipag-sayaw sa ibang babae—ang babaeng mahal nito. Halata sa mga mukha nito ang pagmamahalan. "What a good couple? They really meant for each other." Narinig niya pang komento ng isang foreigner na nakatayo sa tabi niya. Akala niya ay wala ng hihigit sa sakit na naramdaman niya sa mga sandali na iyon. Ngunit mas lalo siyang nasaktan sa nakita. Nakita niya mismo kung paano hinalikan ni Jasmine si Jerome. Narinig niya pa ang palakpakan ng mga tao na parang nagse-selebrasyon sa kanilang dalawa. Masaya ang mga ito at siya lang ang hindi magawang m

