ILANG araw na rin ang nakalipas ng makauwi ang mag-asawang Navidad sa syudad. At ilang araw na rin silang naging malamig sa isa't isa at halos hindi na nagpapansinan. Matapos na mangyaring ang insidenti sa barko ay naging mailap si Rosalinda kay Jerome, lalo na't aksidenti niyang naamin sa lalaki ang matagal niya ng tinatago at pilit na ibinabaon sa limot na pagmamahal niya ng ilang taon para nito. Nagkakausap lamang silang dalawa sa tuwing oras ng trabaho. Kahit ayaw man itong kibuin o harapin ni Rosalinda ay wala siyang magagawa kundi makausap ito lalo na at boss niya pa rin ito at kinakailangan ng komunikasyon sa trabaho. Dahil kung mas pananaigin niya ang personal na problema ay baka sinibak na siya nito sa trabaho. Sa uri pa naman ng trabaho niya ay walang oras na hindi niya ito pin

