"Where's your wife, son?" Pagtatanong ng Ina ni Jerome nito. Hindi naman ito nakatakas sa pandinig ni Rosalinda. Sa takot na makita at malaman ang kinaroroonan niya ay napagpasyahan niyang umalis nalang. Ngunit akmang tatalikod na sana siya ay nakaramdam siya ng pagkahilo kaya agad siyang napahinto at napasapo sa kaniyang ulo at napapikit ng mariin sa kaniyang mata. "Oh, there she is." Agad niyang naidilat ang mga mata niya at bahagyang namutla ng makitang nasa deriksyon niya na nakatuon ang mga paningin nito. Taranta naman siyang napatalikod—na agad niyang pinagsisihan dahil nagmumukha siyang tanga sa ginawa. "Why are you standing here, hija?" Napamura siya sa kaniyang isipan ng marinig ang Ginang sa may likuran niya. Bumuntong hininga siya at pagkatapos ay hinarap ito. "Goodmornin

