"Isang ngiti naman diyan ng groom at bride." Sabi ng photographer, na kasulukuyang kinukunan ng litrato ang bagong kasal na sina Jerome at Rosalinda.
Bahagyang sinulyapan ni Rosalinda ang asawa at nakitang nanatili lamang itong walang ka-emosyon ang mukha nito.
Mas piniling itinuon niya ang paningin niya sa harapan at pilit na ngumiti sa harap ng kamera kahit tila nilulukot ang puso niya sa sakit at tila may kung ano na bumabara sa lalamunan niya. Ramdam niya ang kabigatan ng kalooban niya.
Nang makarating sila sa lokasyon na kung saan ginanap ang reception ay pinaulanan agad sila ng samo't saring bati mula sa mga bisita. "Best wishes Mr. and Mrs. Navidad!" Tanging tipid lang na ngiti at thank you ang itinugon niya sa mga ito.
Habang nahihiyang tinignan ang paligid ay hindi nakatakas sa paningin niya ang kakaibang pagtingin ng mga kakilala at lalo na sa mga katrabaho niya na imbitado.
Palihim siyang huminga ng malalim para alisin ang bumabagabag sa kalooban niya.
Kung nalilito man ang mga ito sa nangyari, ay pa'no na kaya siya? Masyadong mabilis ang lahat para sa kaniya. Hindi pa halos napo-proseso sa isipan niya na ikinasal siya ng lalaki.
Buong reception ay nanatiling lamang silang walang imikan sa isa't isa. Umaayos naman silang dalawa sa tuwing may kumakausap sa kanila.
Pinipilit lang niya rin na makihalubilo habang si Jerome ay abala sa pakikipagusap sa mga kakilala nito. Napapansin niya rin na napaparami na ito sa pag-inom kaya hindi na siya nagulat pa ng papauwi na sila ay gano'n na lang ito kalasing.
Sa tulong ng mga kaibigan nito ay naihiga ito sa silid nilang mag-asawa.
"Maraming salamat po." tipid niyang ani sa dalawang kalalakihan na nasa harapan niya.
Nakita niya ang malamig na tingin ang ipinukol ng mga 'to sa kaniya.
Tumango naman ang dalawang lalaki. "Mauna na kami." Pagpapaalam ng mga 'to at umalis na.
Namatuwi agad ang katahimikan sa loob ng silid nilang mag-asawa. Ngunit hindi naman ito nagtagal ng marinig na may kumakatok sa labas ng silid nila.
Bahagya siyang natigilan ng makita ang hindi pamilyar na mukha ng may edad na babae at sa hula niya ay nasa 60s na ito.
"Goodevening, hija. Ako ho pala si Josefa." Pagpapakilala nito sa sarili.
Bago palang sila maikasal ni Jerome ay ipinaalam na agad nito na may makakasama sila sa bahay na titirhan nila. Ang sabi ng lalaki na simula bata palang ay ito na ang nagbabantay nito.
"Magandang gabi po. Ako naman ho si Rosalinda." Magalang niyang tugon.
Tipid na ngumiti ang matanda.
"Nga pala heto pala iyong maliit na basin na may bimpo. Makakatulong ito para mahimasmasan iyang lasenggiro na lalaki na iyan." Bahagya siyang napatawa ng mahina dahil sa paraan ng pagkasabi ng matanda.
"Maraming salamat po." Akma niyang aabotin na sana ang hawak nito ng pinigilan siya.
"Naku, ako na, hija. Buntis ka pa naman at baka mabinat ka."
Bahagya siyang natigilan dahil alam nito ang pagbubuntis niya. Pagkatapos ay maingat na sinulyapan ang tiyan niya na hindi pa naman masyadong halata. Kaya nagtataka siya kung pa'no nito nalaman o baka naman ay nasabihan na ito ni Jerome?
"Kaya ko naman po," nahihiya niyang sabi.
"Kahit na." Hindi na siya nagpumilit pa ng makitang seryoso ito at tumabi na lamang para mabigyan ito ng espasyo sa pintuan.
Nang tuloyang ilagay ng matanda ang maliit na basin sa tabi ng kama ay nakita niyang napailing ito na tinignan ang lalaki.
"Ngayon ko na ngalang ulit nakita ang bata na 'to tapos lasing pa. Hindi kasi ito umuuwi dito, laging nasa penthouse lang. Laking gulat ko pa nga ng ibinalita sa'kin nito na ikakasal na ito at dito daw kayo titira. No offense, hija. Akala ko talaga iyong palaging dinadala niya dito na babae—ano nga ulit pangalan non? Ay basta! Iyong maganda at sexy pero mataray, ang mapapangasawa niya, pero sadyang mapaglaro nga naman talaga ang tadhana." pagkwekwento nito habang inaasikaso ang lalaki.
Hindi niya maiwasan na tinuboan ng hiya at makaramdam ng kirot sa puso niya dahil sa mga sinasabit nito.
'Kung gano'n ay dito pala sana sila titira kung natuloy lang ang kasal ng boss niya kasama ang fiancee nito.'
"Masyado na palang naparami ang naidaldal ko at late na pala. Hindi ka pa ba matutulog, hija?" Tinignan siya nito.
"Hindi pa po ako inaantok." nahihiya niyang sagot.
"Naku, bawal pa naman ang puyat sa buntis. Pero kung sa bagay, hindi naman rin maiiwasan niya. O' siya natapos na ako dito, maiwan ko na kayo. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka. " anito at binitbit na ang dinalang palangganita kanina.
"Maraming salamat ho. Magpahinga kana rin po." Tipid siyang ngumiti sa matanda.
Tumango naman ito at nagpaalam bago tuloyang nilisan ang silid.
Nang tuloyang maiwan sila ni Jerome sa silid ay malalim na napabuntong hininga siya habang minamasdan ang lalaki.
"Jasmine." mahinang ani ni Jerome.
Mabilis na kumalat at nanuot sa buong sistema niya ang sakit sa narinig mula sa asawa. Kahit sa kalasingan nito ay tanging ang babaeng mahal pa rin ang iniisip nito.
"Si Rose 'to, Rome." puno ng sakit niyang sabi. Ngunit hindi na umimik muli ang lalaki at mahimbing ng natutulog.
Pahiga na siya sa tabi nito ng makitang bahagyang bumangon ang lalaki.
"Bakit?" pagtatanong niya nito.
Hindi ito sumagot at patuloy lang na hinubad ang suot nito. Bahagyang natigilan si Rosalinda habang pinapanood ang ginagawa ng lalaki. Nang tuloyang nahubad na ang damit nito ay agad lang itinapon sa kung saan ang damit at humiga muli. Samantalang naiwan na hindi makapaniwalang nakatingin si Rosalinda sa lalaki.
Marahan siyang huminga at pagkatapos ay bahagyang sinulyapan ang air-conditioning. Gumagana naman ito pero naiinitan siya. Pinaypayan niya ang sarili at pagkatapos ay napagpasyahan na matulog na lang.
—
Kinabukasan ay nagising siya na wala na ang lalaki sa tabi niya. Ngunit hindi na niya masyadong inisip ang pagkawala nito ng agad siyang napatakbo sa banyo at sumuka.
"Magandang umaga po." Bati niya sa matanda—pagkapasok niya sa kusina. "Si Jerome po?" Pagdudugtong niya.
Naabotan niya ito na kasulukuyang naghahanda ng pagkain sa hapagkainan.
"Gising kana pala, hija. " Bahagya pa itong nagulat sa presensya niya. "Magandang umaga rin. At nga pala, nagpaalam kanina sa'kin ang asawa mo na may pupuntahan daw ito."
"G-gano'n po ba?"
"Oo, Hija. Halatang nagmamadali pa nga iyon. Ang lalaki na iyon, hindi parin talaga mawala-wala ang pagiging workaholic. May asawa na't lahat-lahat. Hays. O' siya nga pala, halika ka na dito at mag-agahan na. Nagluto ako ng mainit na sabaw para mainitan ang tiyan mo."
Tipid na tumango lamang siya at lumapit na sa hapag-kainan.
Kahit masasarap at nakakatakam naman ang mga pagkain na nakahanda sa harapan niya ay hindi man lang siyang nakaramdam ng gutom at sa kawalan na rin ng gana.
"Saluhan niyo na po akong kumain," aniya sa matanda.
"Ayos lang ba?" Nagaalinlangan pa nitong tanong.
"Opo. Hindi ko rin naman po ito mauubos at mas masarap pong kumain kapag may kasabay." Tipid siyang ngumiti.
Wala ng nagawa ang matanda kundi pumayag ito at sinaluhan siya. 'laking pagsasalamat niya na kahit papa'no ay bumabalik naman ang gana niya sa pagkain.
Buong araw ay wala siyang ginawa kundi hinihintay ang pag-uwi ng lalaki. Naka-on leave rin naman siya sa kaniyang trabaho dahil nasa honeymoon pa pero ang kasama niya ay umalis kaya bored tuloy siyang naiwan at nagpapahinga sa bahay.
Sinubokan niya ring maglibot-libot sa bahay kanina, ngunit ng natapis naman niyang libutin ito ay agad siyang nawalan na naman ng gagawin. Sinubokan niya pang tulongan ang matandang kasambahay sa mga gawaing bahay ngunit hindi naman siya nito pinayagan.
Hanggang sumapit ang gabi ay wala parin ito. Ngunit maga-ala una na ng isang lasing na Jerome ang pumasok sa kabahayan.
Agad siyang napatayo sa kaka-upo mula sa sofa—matapos marinig ang pagbukas ng pinto at sa isipin na ang boss na ito ay agad niyang tinungo ito.
Nakita niyang halos napapasalampak na sa sahig ang lalaki sa kalasingan nito.
"Rome." Mahina niyang tawag sa pangalan ng lalaki.
Sa naliliyong paningin ay tinignan naman siya nito ni Jerome. Malakas na kumabog ang puso niya ng makita ang kadiliman ng pagmumukha nito.
"Why are you still awake?" malamig na tanong nito sa kaniya.
"Hinihintay ka." Halos pabulong niyang sagot, ngunit malinaw pa rin itong narinig ng lalaki.
"May sinabi ba akong hintayin mo ako?" Hindi niya maiwasan na matigilan sa sinabi nito.
Agad siyang kinain ng hiya at umiling. "Hindi po, Sir."
"May I remind you that you're pregnant, Ms. Liray? At sinabi na rin ng doctor ang mga dapat at hindi mo dapat gawin. Isa sa mga hindi dapat gawin ay ang magpuyat. So, why are you still awake in this hours?" Tama naman ang sinabi ng lalaki ngunit hindi pa rin maiwasan na pumanting ang tainga niya at isang iritasyon ang namuo para sa lalaki.
"Alam ko." Iritado niyang ani.
"Ngayon ikaw pa ang galit?" He said with disbelief. " Ingatan mo ang sarili mo, Ms. Liray. Anak ko rin iyan, at may dugong Navidad iyan."
She scoffed. Pilit na pinapakalma ang sarili. "May sinabi ba akong hindi mo anak ang pinagbubuntis ko? You know what? Magpahinga kana. Lasing ka lang kaya hindi ka makaisip at makausap ng maayos. Goodnight, Sir." may diin na sabi niya nito at tinalikuran ito.
'Kung sana'y hindi siya umalis o umuwi man lang ng maaga ay edi sana kanina pa ako tulog. Hindi ba niya naisip na nangangapa pa ako lalo na't hindi pamilyar sa akin ang buong lugar na ito?'
Nagpupuyos siya sa galit habang umaakyat sa hagdan. Pati pagsirado ng pintuan ng silid nila ng makarating siya ay pabalibag niya itong isinirado.
Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na kaya niyang gawin ang pagdadabog sa harap ng boss niya at sagot-sagotin ito.