"SABIHIN mo muna sa'kin ang totoong rason mo para tanggapin ko ang pag-resign mo, Ms. Liray?" Pagtatanong ni Jerome kay Rosalinda. Sa hindi malaman na dahilan ay biglang kumabog ng malakas ang puso ni Rosalinda. Masama rin ang kutob niya at tila may bumubulong sa kaniyang isipan na tila may alam ang lalaki na hindi dapat nito malaman.
Kasalukuyan siyang nasa harapan ng lalaki at lakas loob na inabot ang resignation letter niya. Napagpasyahan niyang tumigil sa pagtatrabaho bilang sekretarya nito sa takot na mabuking siya. Lalo na't unti-unting lumalabas na ang pagbabago ng katawan niya.
Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. "What do you mean, Sir?" kalmado niyang tanong dito kahit sa kalooban niya ay halos gusto na lamang niyang himatayin sa kaba.
"Hindi ko bubuksan ang resignation letter mo at ia-approve Ms. Liray, hangga't hindi mo sinasabi sa'kin ang totoo," seryoso nitong sabi.
"Ano ba ang ibig mong sabihin, Sir? Kung hindi mo bubuksan ang letter na iyan, edi mas lalong hindi mo malalaman ang rason ko. Basahin mo muna kaya iyan." Hindi niya maiwasan na makaramdam ng iritasyon.
"Alam kong kasinungalingan lang naman ang nakasulat dito," anito at walang pag-aalinlangan na pinunit ang resignation letter sa harapan niya mismo ng walang kakurap-kurap.
Napanganga si Rosalinda sa gulat at pagkatapos ay binigyan niya ng hindi makapaniwala na tingin ang lalaki.
"What do you think you're doing, Sir? Ba't mo pinunit? At isa pa, ano ba ang pinupunto mo? Ano iyong kasinungalingan na pinagsasabi mo? Alam mo ba kung ilang lakas na loob ang inipon ko para maisulat at maibigay iyan sa'yo, tapos pupunitin mo lang na hindi man lang binabasa?!" Malakas ang boses niyang bulyaw sa lalaki. Halos pumiyok rin siya dahil sa isang hikbi na kumawala sa bibig niya. Hindi niya napansin na umiiyak na pala siya sa harapan ng lalaki.
"Kung hindi mo tatanggapin ang resignation letter ko, puwes mas mabuting aalis na lang ako dito na hindi nagpapaalam. Gusto niyo po pala ng bastosan, edi sana sinabihan niyo man lang sana ako para hindi na ako mag-aksaya pa ng panahon at oras na harapin ka." Pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay masama ang loob niyang tinalikuran ang lalaki.
Lalabas na sana siya ng opisina ni Jerome nang mapatigil siya dahil sa salitang binitawan nito.
"I know that you're pregnant with my child." Malamig sa boses na sabi ng lalaki.
Agad na nanigas sa kinatatayuan si Rosalinda at nanlalaki ang mga mata na hinarap muli ang lalaki. Nakita niyang nakatayo na ang lalaki sa kinauupuan nito at naglakad papalapit sa kinaroroonan niya.
"A-ano'ng ibig mong sabihin?" utal niyang tanong. Mabilis rin ang tahip ng puso niya.
"Alam kong buntis ka at ako ang ama ng dinadala mo, Rose." Paguulit ni Jerome.
"A-ano... Pa-paano mo na-" Naramdaman ni Rosalinda ang pagka-upos ng lakas niya. Wala rin siya sa sariling napaatras papalayo sa lalaki nang ilang dangkal na lamang ang layo nito sa kaniya.
"I remember it, Rose. May kalabuan man pero sigurado akong may nangyari sa ating dalawa. And how did I know? I saw you getting out from an ob-gyne clinic. When I ask the doctor about you, I found out that you're f*****g pregnant. So tell me now the truth, Rose." Halos napapikit si Rosalinda sa may kagaspangan na pagsasalita ni Jerome.
"O-Oo. Buntis ako at ikaw ang ama, Boss. Are you happy now?" Mapait siyang ngumiti habang patuloy na bumubuhos ang mga luha niya.
Nakita niyang bahagyang itinaas ng lalaki ang kamay nito at sa takot na baka sampalin siya nito ay hindi na niya hinintay na dumampi pa ang palad nito sa pisnge niya. Lumuhod agad siya sa harapan nito at humingi ng tawad. "Patawad po talaga. Pinagsisihan ko na ang ginawa ko lalo na't kasalanan ko po ang lahat. At kung sasabihin mong ipapalaglag iyong bata, pasensya na po pero hindi ko magagawa ang gusto niyo. May konsensya po ako at hindi ko kayang kumitil ng inosenteng buhay. Wala pong kasalanan ang bata na nasa sinapupunan ko po. Alam kong hindi niyo po ako mapapatawad, pero sana po ay hayaan niyo po akong buhayin ang bata ng mag-isa. Ipinapangako ko pong habambuhay kaming maglalaho sa buhay niyo na tila hindi nagi-exist at hinding-hindi manggugulo sa buhay niyo ni Miss Jasmine." Basag na ang kaniyang boses at hilam ng luha ang mukha niya.
Ang kaninang tahimik na opisina nito ay tuloyang naistorbo sa malakas niyang paghagulgol.
"Stand up, Rose. You're really have a habit to kneel whenever you forsake for forgiveness, huh?"
Tila wala siyang narinig at nanatiling nakaluhod sa harapan nito at nakatungo. Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha niya. Hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kaniya. At natatakot siya sa magiging hatol ng lalaki sa kaniya.
Malakas na napabuntong hininga si Jerome habang tinitignan ang sekretarya nito na patuloy pa rin sa pag-iyak at nakasalampak sa sahig.
He squat infront of her.
"Rose..." tawag ni Jerome sa pangalan niya. "Look at me."
Nang hindi ginawa ni Rosalinda ang gustong gawin ng lalaki sa kaniya ay na-estatwa na lamang siya nang maramdaman ang mainit na kamay na marahang humaplos sa pisnge niya at saka maingat na inangat ang ulo niya para matignan niya ito. Agad naman niyang iniwas ang mukha niya sa kamay nito at umiwas ng tingin.
"Look at me, Rose." Mahinahon sa boses nitong sabi sa kaniya.
Nag-aalinlangan man ay wala siyang magawa kun'di gawin ang sinabi ni Jerome dahil baka mas lalong madadagdagan lang ang galit nito sa kaniya.
Bahagya siyang napailag nang walang babala na marahan nitong inabot ang pisnge niya at pinunasan gamit ang handkerchief nito.
"It’s not you who’s the only one to blame. May kasalanan din ako at kahit kailanman ay hindi ko ipag-uutos sa'yo na ipalaglag ang bata. Pananagutan kita." Seryosong sabi ni Jerome sa kaniya.
Natigilan siya sa huling sinabi nito.
"A-anong ibig mong sabihin?" Nagugulohan at kinakabahang tanong niya sa lalaki.
"I will marry you," matiim sa tinig nitong sagot.
Bigla siyang nabingi sa narinig. At naramdaman niya ang matinding pag-ikot ng paligid at kasabay niyon ang pagdilim. Hindi na niya alam kung ano ang nangyari dahil nawalan siya ng malay.
***
"The caused of her faint was exhaustion and too much stress. And about the baby... the baby are healthy. However, hindi pa rin tayo dapat makampante. Kaya kailangan ni Misis ng matinding bed rest ngayon at avoid rin sa stress, Mr. Navidad. Kapag nagpatuloy kasi sa pagiging stress ang Mommy, iyong baby ang magsa-suffer and there's a possibility na baka mag-cause pa ito ng miscarriage." Isang hindi pamilyar na boses ng babae ang nagpagising kay Rosalinda.
Mahina siyang napa-ungol nang maramdaman na tila binibiyak ang ulo niya sa sakit. Pagkatapos ay unti-unting iminulat ang mga mata niya. Ngunit agad niya rin itong ipinikit nang masakit na tumama ang nakakasilaw na ilaw sa mata niya.
"Oh, she's awake. How are you feeling, Misis?" tanong agad ng doktora sa kaniya.
Naguguluhan niya itong tinignan. Sinubukan niyang bumangon at agad naman siyang dinaluhan saka tinulungan ni Jerome.
Gulat at napanganga pa ang kaniyang bibig nang makita ang boss niya na maingat na tinutulungan siya para makaupo ng maayos sa kama.
"A-anong nangyari? Nasa'n ako?" Naguguluhan niyang tanong dito nang unti-unting makabawi sa gulat.
"Nasa hospital ka ngayon, Mrs. Navidad. Itinakbo ka ng Mister mo dito pagkatapos kang mawalan ng malay." Iyong doktora ang sumagot. Agad namang napabaling naman ang kaniyang atensyon mula rito.
"What do you mean, doc? And how about the baby? Ayos lang po ba siya?" Hindi niya maiwasan na kabahan para sa kalagayan ng anak niya.
"Calm down. The baby is fine." Si Jerome na iyong sumagot. Kaya napatingin siya rito.
"O' siya, maiwan ko muna kayo at may ibang pasyente pa akong aasikasuhin. By the way, she can discharge anytime. And before I leave, please Misis, cherish yourself, take care of yourself and avoid the stress," ani ng doktora at pagkatapos ay tuluyan ng umalis.
Nang tuluyang silang dalawa nalang ang naiwan ni Jerome ay agad na kinain ng katahimikan ang buong silid. Ngayon niya lang rin napansin na nasa isang pribado siyang silid.
Sa pagkaalam niya ay mahal ang lumilipas na oras kapag naka-private room kaya hindi niya tuloy maiwasan na marahan na umalis sa kama at napagpasyahang umuwi bago pa tuluyang lumaki ang bill niya.
"What are you doing?" Nagtatakang tanong ng lalaki sa kaniya.
"Aalis na. Baka mas lalo pang lumaki ang babayaran ko, Sir." Sagot niya habang maingat na sinuot ang nakitang tsinelas na nakahanda. "Nga po pala, nasa'n po ang damit ko?" Tanong niya nang mapansin na suot niya ang hospital gown.
Nanatiling walang imik si Jerome. Nang mapansin ang katahimikan nito ay tinapunan niya ito ng tingin.
"What?"
"I already paid the bill, so you don't have to worry. And starting from now, you will living with me."
Agad natigilan si Rosalinda sa ginagawa dahil sa sinabi nito.
"Bakit?" Hindi makapaniwala niyang tanong sa lalaki.
"You’re pregnant with my child and we’re getting married, so there’s nothing wrong if we live together. Lalo na pag kasal na tayo—hindi ako papayag na hindi ka titira sa poder ko." Parang wala lang nitong sagot.
'But you’re already bound to be married to someone else?' Piping wika niya sa isip.