ISANG kinaumagahan ay nagising at binungad agad si Rosalinda na tila hinahalukay ang tiyan niya. Kaya agaran siyang kumaripas ng takbo papunta sa banyo at agad na napasalampak sa sahig at sa harap ng inidoro, saka lang hinayaan ang sarili na ilabas ang lahat na kinain niya kagabi.
Umiiyak na siya habang patuloy pa rin sa pagsusuka. Masakit na rin ang kaniyang lalamunan at maging pati ang tiyan niya. Ilang araw na rin ang nakakalipas matapos magsimula ang morning sickness niya. Pero hindi pa rin siya masanay-sanay sa tuwing nagigising siya na tila hinahalukay ang tiyan.
Nanghihina at mahina siyang umiiyak. Gusto niya na lamang sumuko. Hindi pa nakakatulong iyong pagiging sobrang maselan niya sa lahat ng bagay.
Lumipas ang ilang sandaling katahimikan ay pinilit niya ang sarili na makatayo at kumilos kahit mabigat ang katawan niya.
"Kumusta ka, 'te? Magaling kana ba? Napapadalas na 'ata ang sick leave mo." Tanong ng mga katrabaho niya nang madaanan niya ang mga cubicle ng mga ito. Kababalik niya lang kasi galing sa sick leave at gusto man niyang magmadali para umakyat sa itaas ay hindi niya magawa dahil agad siyang hinarangan ng mga 'to.
Tipid siyang tumango at ngumiti. "Sipon lang naman kaya mabilis ring gumaling. Kumusta pala dito habang wala ako?"
"Naku 'te! Absent ka kahapon kaya hindi mo nakita ang eksena ni Sir Rome at Ma'am Jasmine." Ang kakalapit lang na Thria sa gawi nila ang sumagot. Agad na napabaling ang mga atensyon nila mula sa babae.
Kumunot ang noo niya. "Bakit? Ano bang nangyari kahapon?" Tanong niya.
"Heto ang tea na hindi mo nainom kahapon 'te. Kahapon kasi parang may nag-ala telenobela ang datingan ng dalawa. Sayang nga na wala akong popcorn habang nanonood." Pagsisimula ni Thria.
Dulot siguro sa pagbubuntis niya ay kay bilis na lamang niyang mainip at mairita. "Straight to the point na, Thria." Tila nawawalang pasensya niyang sabi rito.
"Ay, chill naman. Ito naman hindi makapaghintay ng ilang segundo. Taasan po muna natin iyong pasensya ha? Para ka namang buntis," natatawa nitong ani, pero hindi niya kayang makitawa sa biro nito. Agad siyang nanigas at napatigil sa sinabi nito.
Gano'n na ba siya ka-obvios? Hindi niya tuloy maiwasan na kabahan.
"Straight to the point na kasi, Thria. Ang dami mo rin kasing sinasabi." Pag-imik naman ng kasama nitong si Fely.
"Oo na." Umirap si Thria. "So heto na nga ang tsismis, si Ma'am Jasmine kasi kahapon ay nagpaalam na aalis ito sa bansa dahil sa may tinanggap itong offer. Sa pagkaalam ko ay limang buwan siya mamalagi sa ibang bansa dahil sa pinirmahan na kontrata, e' diba sa susunod na buwan ay kasal na nila ni Sir? Kaya ayon, nagalit si Sir Rome at todo pigil kay Ma'am. May pa sabi pa nga na once daw na lumabas si Ma'am Jasmine sa kompanya ay mas mabuting kalimutan nalang daw iyong magaganap na kasal at ang relasyon nila. Si Ma'am naman ay natigilan pero buo na talaga ang desisyon niya, hindi na rin kasi daw pwedeng mabawi kasi nga nakapirma na 'di ba? Kaya todo iyak si Ma'am Jasmine tapos may pa huling sabi na mahal na mahal niya daw si sir, pagkatapos sabay nag-exit." Mahabang litanya nito.
"Ganiyan ka dami na ang nalaman mo? Sa'n mo napulot ang mga iyan?" Paguusisa ni Fely kay Thria.
"Duh! Syempre galing sa mga reliable sources na may malinaw na pandinig. May kataasan rin daw kasi iyong boses na nila Sir kaya hindi na nakatakas sa tainga ng mga musang."
Napailing-iling naman si Fely sa isinagot ng kaibigan.
Samantalang si Rosalinda ay napatanga sa narinig. Hindi niya akalain na may nangyayaring kagulohan sa kompanya habang wala siya. 'Pero hiwalay na ba talaga sila?'
Agad na iniwaksi ni Rosalinda ang huling naisip. Hindi dapat gano'n ang iniisip niya lalo na't kasiyahan ng boss niya ang nakataya.
"A-anong ginawa ni Sir Rome pagkatapos nang umalis si Ma'am Jasmine?" May pagdadalawang isip niyang tanong.
"Wala 'te. Nag-walk out rin si Sir at nagkulong sa opisina nito. Katakot nga si sir Rome after bumaba non. Aba'y damay kaming lahat sa init ng ulo non kahapon. Kabilin-bilinan pa naman sa'tin na part of the company ethics is dapat maging professional at hindi dadalhin iyong problema na hindi naman related sa trabaho. Pero siya naman iyong ano, unprofessional," nakangiwi at napailing-iling na sagot ni Thria. "Syempre biro lang! Pero kung sa bagay, siya rin naman ang tagapagmana at boss natin kaya wala tayong magagawa kun'di manahimik na lamang at tanggapin ang galit nito." Kibit balikat nitong pagdudugtong sa sinabi.
Hindi na umimik pang muli si Rosalinda at mas piniling magpaalam na pupunta na sa itaas.
Buong araw ay hindi siya masyadong nakakapagtrabaho ng maayos dahil sa sobrang pag-aalala na nararamdaman niya para sa boss niya na hindi pumasok sa araw na ito.
Malakas siyang napabuntong hininga bago mas piniling magpahinga muna ng ilang sandali. Bahagya siyang napahikab at nakaramdam ng antok.
'5 minutes lang,' aniya sa kaniyang isipan.
—
Nang magising siya ay nakita niya sa wrist watch niya na pasado alas otso na ng gabi.
"Shit." Mahina niyang mura dahil napasobra ang tulog niya!
Agad siyang napasulyap sa pinto ng opisina ni Jerome.
"Dumating kaya siya?" Mahina niyang usal sa sarili.
Maingat siyang tumayo pero agad ring napakapit sa mesa nang makaramdam ng hilo. Hindi naman nagtagal ay nawala rin naman ito. Pagkatapos ay pinagpatuloy na ang binabalak na paglapit sa opisina ng boss niya at titignan kung dumating ba ito habang tulog siya. Hinanda niya rin ang sarili niya sa anumang galit na ibabato nito sa kaniya dahil sa pagtulog niya sa oras ng trabaho.
Kumatok siya ng tatlong beses at nang walang sagot na nakuha sa loob ay maingat niyang binuksan ito.
Pigil ang hininga siyang sumilip sa loob pero halos mahigit niya ang kaniyang hininga nang tumambad sa pagmumukha niya ang isang malapad na dibdib.
Bahagya siyang tumingala para tignan ang nagmamay-ari nito at wala sa sarili siyang napa-atras, saka hindi sinasadyang ma-out of balance.
Mariin siyang napapikit habang hinihintay ang pagkasalampak sa sahig at hinahanda ang sarili. Subalit mas mabilis pa ang tao na nasa harapan niya para hapitin siya papalapit sa katawan nito gamit ang matigas na braso nito na pinalupot sa may baywang niya.
Impit siyang napahiyaw dahil sa gulat.
"Careful," anito sa baritonong boses.
Gulat niyang tinignan ang mukha ng lalaki. Malakas rin ang pintig ng puso niya na sa hula niya ay naririnig na rin ito ng lalaki.
"R-rome..." wala sa sarili niyang usal.
Malalaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang na sabi. Taranta naman siyang tumayo ng maayos at maingat na itinulak ang lalaki para makawala sa mga bisig nito.
Pero napakunot noo at puno ng pagtataka niyang tinignan ang lalaki nang hindi man lang ito nagpatinag at nanatili lamang nakapalupot ang braso nito sa baywang niya.
"S-sir... Pwede niyo na po akong bitawan." Nahihiya niyang sabi rito.
Nanatiling nakatingin lang si Jerome ng matiim sa kaniya. Doon niya rin naamoy ang pinaghalong pabango at amoy alak sa katawan nito.
She can't help to wrinkled her nose. Hindi niya rin napigilang takpan ang ilong niya.
"Sir, kung pwede po ay bitawan niyo na po ako. Ang baho niyo po," bulgar niyang sabi sa lalaki.
Akala niya ay makikinig ang lalaki ngunit malakas siyang napasinghap sa susunod nitong ginawa. Ipinalibot na rin nito ang isang braso nito sa may baywang niya at saka ay hinapit siya sa mahigpit na yakap. Ibinaon nito ang mukha nito sa may leeg niya. Unintentionally namang itinabing ang mukha niya para mas mabigyan ito ng espasyo. Ramdam niya ang mainit na hininga na tumatama sa may leeg niya.
Napalunok siya sa kaniyang laway. "B-boss..." napapaos niyang usal.
"Why she can't stay with me, Rose? Ba't mas pinili niya ang trabaho kaysa sa'kin? At bakit kay dali niya lang ipagpalit ang relasyon namin sa lintek na trabaho na iyon?!" Basag ang boses nitong usal habang nanatili pa ring nakasubsob ang mukha nito sa leeg niya.
Napabuntong hininga siya. Mukhang masyadong seryoso nga talaga ang away na nangyayari sa boss niya at sa fiancee nito. Akala niya ay katulad lang ito sa mga nagdaan na tampuhan pero mas malalim pala higit sa inaasahan niya.
"Sir, kailangan niyo na pong magpahinga. Lasing kana," aniya bahagyang itinulak ito.
"Stay with me tonight, Rose." Napatigil siya sa sinabi nito.
"I'm sorry, pero hindi ko po magagawa ang gusto niyo. Ayaw ko na pong dagdagan ang kasalanan na nagawa ko. Lasing lang po kayo kaya nasasabi mo ang mga ito, kaya mas mabuting magpahinga kana at kapag nahimasmasan kana ay puntahan mo agad si Ma'am Jasmine. Huwag niyo po siyang hayaan na mawala sa'yo."
Mahal niya ang lalaki pero ayaw niya ng maging makasarili. Mas nanaisin niya na lamang na mag-fucos sa pinagbubuntis niya at mamuhay ng matiwasay—malayo sa gulo.
Naramdaman niyang tila nanigas ang lalaki. Pagkatapos ay walang imik na umalis ito sa pagkayakap sa kaniya.
"You are right. I'm just drunk. And I'm sorry, Rose. Just forget what I told you tonight," anito saka tinalikuran siya.
Naiwan siyang nakatayo sa may pinto habang nakatingin sa lalaki na lumapit sa mesa nito at dinampot ang nakalapag na rock glass nito na may laman na alak.
Napabuntong hininga siya at nagpaalam na uuwi na. Wala naman siyang tugon na nakuha mula sa lalaki at nanatili itong walang imik kaya maingat na lamang niyang isinarado ang pinto.