Nanlalamig at namumutlang napatulala na lamang si Rosalinda sa kawalan habang hawak sa nanginginig na kamay ang isang maliit na pregnancy test. Ito ang panghuli sa limang peices na binili niya kanina at maging ito ay iisa lang ang lumalabas na resulta—positibo.
Agad itong nahulog sa sahig nang mabitawan niya ito at napatakip na lamang siya sa kaniyang mukha habang patuloy na umaagos ang mga luha niya.
Bago palang lumalabas iyong resulta ay isa sa inaasahan niya ay pwedeng pomisitibo ito, subalit hindi niya pa rin mapigilan ang sarili na panghinaan ng loob at makaramdam ng pangamba. Pangamba para sa sarili niya at para sa bata na nasa sinapupunan niya.
Hindi pa siya handa na maging Ina at mas lalong hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin lalo na't sa sitwasyon na meron siya ngayon. Hindi nga alam ng boss niya na may nangyari sa kanilang dalawa, tapos 'eto at nagbunga pa nga. Ngunit isa lang ang nasa isip niya na pwedeng gawin. Iyon ay huwag ipaalam sa boss niya ang tungkol sa pagbubuntis niya.
"Diyos ko, kayo na po ang bahala sa'kin." Mahinang panalangin niya sa hangin.
Kinabukasan ay mas pinili niyang mag-file ng sick leave ng dalawang araw, lalo na at wala siyang lakas na loob para harapin ang lalaki. Masyado pang sariwa sa kaniya ang nalaman kagabi kaya mas mainam ng magpahinga muna siya at mas nakakatulong kapag hindi niya makita ang lalaki sa mga ilang araw.
"Are you really okay?" Pang-ilang tawag na ang nagawa ng boss niya sa kaniya matapos in-approve ang sick leave niya. Paulit-ulit rin itong nagtatanong sa kalagayan niya.
"Yes po, Sir. Medyo sumama lang po talaga ang pakiramdam ko. Pasensya na rin po talaga kung hindi ako makakapasok ngayon," kalmado niyang sagot kahit ang totoo ay grabe na ang tahip ng puso niya sa sobrang kaba.
Narinig niya ang pagbuntong hininga ng lalaki sa kabilang linya.
"Alright. Get well soon then, Rose."
Agad na napakagat sa ibabang labi si Rosalinda. Hindi na 'ata siya masanay-sanay sa pagtawag ng lalaki sa kaniyang palayaw. Iba kasi talaga ang dinudulot nito sa puso niya.
"Thank you, Sir. Ibababa ko na po iyong tawag." Naghintay siya ng ilang segundo bago niya tuluyang ibinaba ang tawag.
Umayos naman siya sa pagkahilata sa kama at malakas na napabuntong hininga.
"Gusto ko nalang tumakas at maglaho." Wala sa sarili niyang usal.
Gulong-gulo na ang kaniyang isipan. Hindi niya alam kung saan magsimula o ano ba ang dapat niyang gawin dahil alam niyang hindi habambuhay niya maitatago sa boss niya ang katotohanan.
Bago pa siya tuluyang malunod sa kaniyang isipan ay narinig niya ang bahagyang pag-ingay ng cellphone niya. Nang tinignan niya ito ay nakita niya ang reminder na ini-set niya kagabi at sa ibaba nito ang naka-note na schedule niya para sa appointment niya mula sa obstetrician. Pagkatapos rin kasing napositibo siya sa pregnancy test ay agad siyang nag-file ng appointment sa isang ob-gyne clinic. Kahit hindi niya inaasahan ang pagbubuntis ay may parte pa rin sa sarili niya gustong alamin kung ga'no na siya katagal na buntis.
***
"Congratulations, you're 3 weeks pregnant, Misis. Kaya sa mga dadaan pa na linggo ay inaasahan na ang pagsisimula ng first semester mo. Magsisimula rin lalabas iyong morning sickness, ang pagiging maselan. Kaya mas maganda talaga na laging nakagabay si Mister sa'yo. Nga pala, nasa'n si Mister mo?"
Bahagyang natigilan si Rosalinda nang marinig ang huling sinabi ng doktora.
"Busy po sa trabaho." She lied.
"Okay. Pero mas mainam talaga na kasama mo ngayon siya para alam rin nito ang gagawin. Anyways, I'll prescribed you a vitamins na kailangan mong i-take. Makakatulong ito sa'yo at sa bata. Pakibawasan rin ang stress o mas maganda na iwasan talaga ito dahil under development pa iyong fetus, hindi pa masyadong mahigpit ang pagkakapit nito. Iwasan rin ang pagpupuyat at caffeine." Marami pa ang biniling paalala iyong doktora pero hindi na niya masyadong narinig pa dahil mas okyupado ang isipan niya sa katotohanan na hindi talaga siya nanaginip at totoo talaga na buntis siya.
Napabuntong hininga siya at marahan niyang hinaplos ang wala pang pagbabago sa kaniyang tiyan. Hinayaan niya rin ang sarili na nakasandal sa sandalan ng upuan na sinasakyan niyang taxi para umuwi. Mas pinili niyang magtaxi nalang dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya kapag siya iyong nagmamaneho sa sasakyan niya lalo na't wala sa tamang wisyo siya.
Alam niya sa sarili na simula nang mas nakompirma ang pagbubuntis niya sa tulong ng doktora ay alam niyang kailangan niyang harapin ang lahat na ito ng mag-isa. Sana ngalang ay kayanin niya ang mga darating pa na pagsubok sa buhay niya.
'Huwag kang mag-alala, Baby. Hindi ka pababayaan ni Mama kaya kumapit ka lang diyan,' usal niya sa kaniyang isipan.
"Ma'am, nandito na po tayo." Nagising siya sa boses ng taxi driver. Hindi niya napansin na nakaidlip siya.
Nahihiya naman siyang nagbayad agad sa driver at nagpasalamat dito.
Pagkarating niya sa apartment niya ay agad siyang tumalima sa kaniyang silid para makapagpahinga. Wala siyang gana na kumain at ang gusto niya lang sa mga oras na ito ay ang matulog.
Ngunit hindi pa nga lumalalim ang tulog niya ay agad siyang nagising dahil sa may istorbong kumakatok sa pinto ng apartment niya.
"Sandali!" iritado niyang sabi mula sa tao na nasa labas.
Isinuot niya muna ang tsinelas niya at lukot ang mukha na pinagbuksan ang taong umistorbo sa pahinga niya.
Tatarayan niya sana ito nang mapagsino ito.
"What are you doing here, Sir?" gulat niyang tanong sa boss niyang si Jerome.
"I'm here to visit you." Kaswal naman nitong sagot. "You look so pale. Have you already take your meds?" may pag-alala sa tinig nitong tanong.
"Tapos na po. T-tuloy ka po." Hindi niya maiwasan na mautal.
Hindi parin siya makapaniwala na nasa harapan niya mismo ang tao na ayaw niyang makita sa araw na ito.
Tumango ito at walang ingay na pumasok sa loob. Abala itong tumitingin sa loob ng apartment niya. Hindi niya tuloy maiwasan na makaramdam ng hiya dahil mas maliit ito at mas lalong walang-wala ito kompara sa penthouse ng lalaki.
"Maupo ka po muna, Sir. Nga pala ano po ang gusto niyo? Juice or coffee?" Magalang niyang alok dito.
'Please, sabihin mo na dumaan ka lang kaya hindi kana magtatagal,' piping aniya sa isipan niya.
"A coffee will do." Para siyang pinagsakluban ng langit dahil halatang magtatagal pa ng ilang minuto ang lalaki sa apartment niya, kaya bigo niya tuloy na ginawa ang inumin nito.
'Sana pala ay hindi ko na siya inalok pa.' May pagsisisi niyang ani sa isip.
Maingat niyang inilapag sa maliit na coffee table ang tinimplang kape para sa lalaki.
"Pasensya na po kung nescafe lang iyan at hindi fresh na brewed coffee. Hindi pa kasi ako nakakabili ng coffee maker." Paghingi niya ng dispensa.
Umiling naman si Jerome. "No worries. It's okay."
Umupo siya sa tabi nito pero may malaking distansya pa rin ang namamagitan nilang dalawa. "Ba't ka nga po pala naparito, Sir?" Walang paligoy-ligoy niyang tanong kay Jerome.
Wala kasi siyang maisip na dahilan para bumisita ang lalaki. Dahil hindi naman ito gawain ng boss niya kahit sa loob ng ilang taon na pagtatrabaho niya sa lalaki ay alam niyang malabo na mapapadpad pa ito sa apartment niya. Ito rin ang unang beses na pumunta ito sa tinitarhan niya kaya laking gulat nalang talaga ang naramdaman niya nang makita ito sa harapan ng apartment niya.
"I'm here to visit you because this is the first time that you file a sick leave, kahit ilang taon ka ng nagtatrabaho sa'kin. And before I forgot, here's the fruits and meds. Jasmine wants me to bring and send this to you after nalaman niyang hindi ka makakapasok dahil sa sakit. Gusto niya rin sanang sumama, however she still has a magazine need to shoot."
Agad na binuhosan ng malamig na tubig si Rosalinda sa sinagot nito. Naramdaman niya rin ang panghihina sa buong katawan.
Tumikhim siya. "Naku, nakakahiya. Nag-abala pa po kayo na pumunta dito. Nga po pala, pakisabi po kay Miss Jasmine na thank you po sa mga 'to." Tipid siyang napangiti.
Umiling si Jerome. "No, kami dapat ang magpasalamat sa'yo, Rose. Dahil sa dami ng naitulong mo sa'min. And by the way, one of the reason that I'm here is to give this personally to you," ani nito at may kinuha sa loob ng suit nitong suot at saka ay inabot sa kaniya ang pamilyar na envelope.
Pinigilan naman ni Rosalinda na huwag manginig na tinanggap ang envelope. Hindi pa nga niya ito nabubuksan ay alam na niyang wedding invitation ito.
Ngayon niya lang nalaman na may date na pala itong naisip at naka-set para sa dadating na kasal ng boss niya.
Matagal na niyang inaasahan na dadating ang araw na ito, kaya pinapangako niya sa sarili na kapag dumating man ang araw na ito ay tuluyan niya ng tutuldokan ang pagmamahal niya sa lalaki, at tatanggapin ng buong-buo ang katotohanan na kahit kailanman ay wala talaga siyang pag-asa sa lalaki. Tatanggapin niya rin ang mga ito ng buong puso kahit sobrang sakit pa ang idudulot nito sa kaniya. Subalit nang dumating na nga ang araw na pinaghandaan niya sa habang panahon, para sa kaniya ay tila iba na—may nagbago. Dahil mas doble o triple iyong sakit na nararamdaman niya dahil buntis siya at ikakasal na ang ama ng dinadala niya—ikakasal na ang boss niya kasama ang taong mahal nito.
"Are you okay, Rose?" Pagtatanong ni Jerome sa kaniya nang mapansing napatulala siya.
Agad naman siyang natauhan at tarantang tumango.
"Opo. Congratulations nga po ulit, Sir," aniya kahit ramdam niya ang nanunuot na sakit sa kalooban niya. Kumalat pa ang pait sa bibig niya. Sana pala ay hindi na niya tinatanong kung bakit naparito ang lalaki, edi sana ay hindi siya nasasaktan ngayon.
—
"Ingat po sa pagmamaneho, Sir." Nakangiti niyang sabi sa lalaki nang pauwi na ito. Tumango naman ito at naglakad na papalayo.
Nang makitang nakasakay na ng tuluyan sa elevator si Jerome ay doon niya lang isinarado ang pinto niya sa apartment at hinayaan na bumuhos ang mga luha niya. Hinayaan niya rin ang sarili na malunod sa sakit.
'Lintek talaga si Kupido. Ang hilig maglaro ng puso.'