"Anak.. Bakit gising ka pa? Umiinom ka?" tanong ng ina ni Ernesto ng makita siya nito sa veranda ng bahay. Ngumiti si Ernesto sa ina at nagpatuloy ito sa pagtunga ng isang bote ng beer. "May problema ba anak?" tumabi ang ina ni Ernesto sa kanya sa pagkakaupo. Isinandal ni Ernesto ang kan'yang ulo sa balikat ng ina kaya agad namang tinapik tapik iyon ng ina. "Nag away po kami kanina ni Heaven, napipikon na kasi ako mama sa tuwing pinaparamdam niya sa akin na mas pinapakita niya pang nagiging ama ang Andrew na iyon kesa sa akin. Samantalang ako, na totoong ama ni Warren ayaw man lang niyang kausapin tungkol sa bata," saad ni Ernesto na parang nagsusumbong na bata sa kaniyang ina. "Hmmm.. Iyon lang ba talaga ang dahilan kaya ka nagkakaganyan?" tanong ng ina ni Ernesto sa kanya.

