"Sakit ng ulo ko," bulong ni Heaven habang hawak hawak niya ang kan'yang ulo pagkagising at agad tumayo sa kan'yang kama. Lumabas siya ng kwarto at tumungo sa kan'yang maliit na kitchen sa kan'yang condo. "Don't forget to eat your breakfast Heaven, hindi na kita ginising pa nang umalis ako. May medicines din ako iniwan, inumin mo para mawala ang sakit ng ulo mo. " Binasa ni Heaven ang notes na iniwan ni Andrew sa ibabaw ng kanyang mesa. Luminga linga sa paligid si Heaven, at nakita niyang nasa maayos at malinis ang buong paligid hindi siya iyong tipo ng tao na kapag lasing na lasing nakakalimot sa sarili kaya tandang tanda niya kung anong nangyari at ginawa niya ng gabi kaya magpapasalamat siya sa kaibigang si Andrew dahil nilinis nito ang kanyang unit at wala na ang basag basag na b

