Nagpapasalamat si Ernesto dahil muling sumama si Isaac sa kanya pauwi ng probinsya, laking pasalamat niya dito nagiging karamay niya ito sa kaniyang kinahaharap na problema. Napapatulala na lang si Ernesto, dahil sa sunod sunod na problema na nangyayari sa kan'ya, at damay pa pamilya niya at malinaw sa kanya na kagagawan ito ng ama ni Heaven. "Believe ako sa iyo ha, dahil nanatili kang matatag sa kabila ng pang aargabyado sa iyo ng ama ni Heaven," saad ni Isaac habang nagmamaneho at binabaybay ang kalye pauwi ng Lucban quezon. Napabuntong-hininga si Ernesto bago tumugon sa saad ni Isaac,"Pero hanggang ngayon nag aalala pa rin ako kay Heaven dahil hindi ko man lang ito makausap at makita man lang." "Kapit lang, matatapos rin ito. Sana lang marealize ni tito kung anong relasyon mayroon

