"Daddy!!!" Napasigaw ng husto si Heaven dahil sa mga larawang ibinigay sa kanya ng isa sa mga tauhan nila. Larawan iyon ni Ernesto habang walang awang binubugbog ng kanyang ama. "I told you Heaven, na kaya kong gawing empyerno ang buhay ng hampaslupang foreman na iyon kung hindi mo titigilan ang paghibang dito!" madiin ang bawat pagsasalita ng ama ni Heaven. "Akala ko ba mahal n'yo ako? Bakit n'yo ako sinasaktan at pinahihirapan ng husto? Daddy please!! Hayaan n'yo na lang akong umalis sa mansyon na ito, at pabayaan na magsama ni Ernesto," tanging tugon ni Heaven at napaluhod pa ito sa harap ng ama. "No!! Walang aalis! Huwag mong sagarin ang pasensya ko Heaven, anong gusto mong iparating sa akin, sa amin ng pamilya mo? Mas pinipili mo ang hampaslupang lalaking iyon kesa sa amin!?" H

