Chap 7. "Pancit habhab"

1521 Words
Nakangiti si Heaven habang pinagmamasdan niya ang paligid lalo na ang tuktok kung saan naroroon ang isa sa pinaka malaking statwa ni hesus. "Ano game?" bulong ni Ernesto kay Heaven. "Oo naman. Ikaw Adela game?" bumaling ng tanong si Heaven sa kapatid ni Ernesto. "Ako pa tinanong mo? Maning mani. Batang kamay ni hesus kaya ito," pagmamalaking tugon ni Adela. Nagpasya kasi silang tatlo na akayatin ang mahabang baitang na kulang kulang 305 step ayon sa karamihan kaya talagang mataas at nakakapagod bago makarating sa pinaka tutok sa malaking statwa. "Kapag di mo na kaya andito lang ako, papasanin kita ha," saad ni Ernesto kay Heaven nang makita niya itong pawis na pawis eh wala pa nga sa kalagitnaang hagdan. "Hindi na. Adventure ito diba? So, kayang kaya ko ito." Napahawak si Heaven sa bakal at napatigil sa pag akyat. Maganda ang paligid, at kahit nakaka pagod madaling mapawi ito dahil bawat baitang na kanilang nararating ay may iba't ibang malalaking rebulto ang nakadesenyo ang sasalubong sa iyo paglalarawan dito kung anong pangyayari ang nakapaloob sa bible. "Ito oh," Inabutan ng panyo ni Ernesto si Heaven dahil basang basa na ang damit nito sa pawis. "Salamat ha," tugon ni Heaven. Habang pinupunasan ni Heaven ang kaniyang pawis sa liig at braso maging sa kamay ay nahuhuli niyang napapatitig sa kanya si Ernesto," Bakit? May dumi ba ako sa mukha," tanong agad ni Heaven kay Ernesto. "Huhhh... Wala naman, natutuwa lang ako sa iyo kasi ngayon lang kita nakitang pawis na pawis. Lalo ka pa lang gumaganda dahil namumula iyang pisngi mo na parang mansanas," saad ni Ernesto. "Ay ganun? Bola pa. Tara na nga." Nag umpisa na ulit humakbang si Heaven sa hagdan dahil malapit na sila sa kalagitnaan. At nang matansya ni Heaven na nasa kalagitnaan na sila ng baitang, tumingin siya sa paligid at manghang mangha siya dahil kitang kita niya ang buong paligid. "Mas maganda ang kapaligiran kapag andon na tayo sa tuktok kaya bilisan mo na diyan." Hinawakan ni Ernesto ang kamay ni Heaven. Napangiti si Heaven, at nakaramdan ng hindi maipaliwanag na damdamin dahil sa pag holding hands ni Ernesto sa kanyang kamay. Hindi nakaramdam ng pagod si Heaven, kahit malayo at mataas na hagdan pa ang dinadaanan nila bago makarating sa tutok siguro dahil hindi bumitaw si Ernesto sa pagkakahawak sa kanyang palad. "Oh sabi ko sa iyo ate eh sobrang ganda dito," saad ni Adela na kapatid ni Ernesto na mas nauna itong nakarating sa kanila sa tutok. "Sobrang ganda." Napatitig si Ernesto sa mukha ni Heaven habang nagsasalita. Hindi naman iyon napansin ni Heaven dahil nakatingin lang ito sa buong paligid dahil totoong nakakawala ng pagod ang ganda ng paligid dagdag pa dito ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa kan'yang katawan. "Ang ganda nga kuya, ang ganda ni ate Heaven." Puna naman ni Adela ng makita nitong sa mukha ni Heaven nakatigin ang kanyang kapatid na si Ernesto. Doon naman napansin ni Heaven kaya mas lalong namula ang pisngi ni Heaven dahil sa uri ng pagtitig ni Ernesto. Napatawa si Ernesto at mahinang binatukan nito ang kapatid dahil sa pagpansin sa kanya. "At dahil nakarating na tayo dito, alam ko mamaya pagod na pagod ka pagbaba natin. Don't worry, dahil kakain tayo ng legendary na pancit habhab." Nag abot ng isang bote ng mineral water si Ernesto kay Heaven. "Salamat. Pero, ano 'yong pancit habhab?" tanong ni Heaven. "Hala.. Hindi ka pa nakakain ng pancit habhab ate?" Napakunot ang noo ni Adela. "Oo, bigla tuloy akong na excite at gusto ko na iyon matikman," tugon ni Heaven. "Naku... Sigurado, magugustuhan mo iyon dahil bukod sa longganisang Lucban isa iyon sa pinagmamalaking signature dishes ng Lucban. At mapapa wow ka, lalo na kung si itay ang magluluto diba kuya?" pagmamalaking saad ni Adela. "Oo naman syempre. Kaya ano pang ginagawa natin? Tara na.." Tunay ngang mas madaling marating ang baba kesa taas kaya hindi ganoon napagod si Heaven pero enjoy na enjoy sila sa kanilang ginagawa. Nakakadagdag pa da mabilis na pagbaba nila ng hagdan ay ang pagkakaiba ng dinadaanan ng mga taong paakayat, at ng mga taong pababa. Muling hinawakan ni Ernesto ang palad ni Heaven habang patungo sila sa isang maliit na kainan. "Tay, tatlo nga pong special na order ng pancit habhab diyan," saad ni Ernesto sa kanyang ama. Ama niya ang nagluluto sa maliit na kainan na iyon kaya napangiti na lang si Heaven dito dahil dito pala nagtatrabaho ang kanyang ama. Bahagyang napakunot ang noo ni Heaven ng inabot na sa kanya ang pagkain dahil wala ito sa plato kundi nakalagay lang sa dahon ng saging na may sibuyas at gulay gulay ang ibabaw nito at may dalawang itlog ng pugo at binuhusan pa ni Ernesto ng kunting suka. "Paano kakainin ito? Wala bang tinidor?" mahinang tanong ni Heaven. "Ate, no need na ng tinidor. Ganito kainin ito ohh." Agad namang kinain ni Adela ang pancit habhab sa pamamagitan lang ng bibig. "Anak, kuhanan mo na lang ng plato at tinidor si Heaven mukha kasing hindi siya komportable paano kainin ang pasit habhab eh," saad naman ng ama ni Ernesto. Kaya agad kumilos si Ernesto at kumuha ng plano at tinidor at sinalin doon ang pagkain ni Heaven. "Tikman mo na masarap iyan," saad ni Ernesto. "Ito talaga si ate ohh. Richkid, ka talaga kaya pati pagkain ng pancit habhab sa dahon ng saging hindi mo alam," saad ni Adela habang patuloy itong kumakain. "Hindi ah." Kaya agad tinikman ni Heaven ang pansit. Nagustuhan iyon ni Heaven, kumuha pa siya ng suka at tinaktak sa pancit habbab dahil mas nagustuhan niya ang mas maraming suka sa kaniyang kinakain kaya ng napansin ito ni Ernesto napangiti ito dahil nagiging komportable ng kumain si Heaven. "Pwedeng isa pa?" saad ni Heaven kay Ernesto. "Oo naman. Tay isa pang pansit habbab," saad ni Ernesto. Nang napansin ni Heaven na ilalagay sa plato, pinigilan niya dahil gusto nyang gayahin paano kumain si Adela. "Wow.. Masarap nga pag ganito siya kinakain." Mas lalong ginanahan si Heaven sa pagkain ng pancit habbab ng walang ginagamit na tinidor at tanging bibig lang, lalo na kapag mas tinataktakan ito ng suka na punong puno ng sili. "Isa pa po, don't worry ako na magbabayad nito." Hinawakan ni Heaven ang balikat ni Ernesto. Napatulala tuloy si Ernesto at Adela dahil sila nga hindi pa nila nauubos ang isang order si Heaven makakatatlo na. Ang tatay naman ni Ernesto ay napapangiti dahil tuwang tuwa siya sa inaasal ni Heaven dahil ganado itong kumain ng pancit habhab. "Ate, may sawa ka bang alaga diyan sa tiyan mo? Grabi!! Naka apat ka na order ng pancit habhab," saad ni Adela. "Actually, hindi pa nga ako nabusog eh. Pero, bukas na lang ulit baka kasi hindi ako matunawan." Napatawa si Heaven. "Hindi ka pa nabusog ng lagay na iyon? My goodness..." Napakunot ang noo ni Adela. "Hindi na ako nagtataka sa lakas nito kumain. Eh, rice nga nakaka apat itong cup iyon pa kayang pancit habhab. Yaan mo mag requests tayo bukas na ipagluto ka ni papa bukas," saad ni Ernesto. Tumugon ng ngiti si Heaven. Totoong nagustuhan niya ang pancit habhab at masasabi niyang ilalagay na niya ito sa list ng kanyang pinaka favorite na pagkain. Matapos nilang kumain tumungo naman sila sa isang maliit na tindahan ng mga souvenier sa gilid ng simbahan. "Inay, good afternoon po." Bati ni Ernesto sa ina at nag bless pa ito. Ganoon din si Adela kaya gumaya na rin si Heaven sa style ng paggalang ng magkapatid. "Napano iyang blouse mo Heaven?" tanong ng ina ni Ernesto. "Ah ito po, natapunan ng suka pero ok lang naman po sa akin," tugon ni Heaven. "Mabuti pa tumungo ka ng comport room at magpalit ng damit, ito oh may mga souvenier shirts ako dito na kakasya sa iyo." Inabot ng ina ni Ernesto kay Heaven ang damit. "Ok lang po ako," tugon ni Heaven dahil nahihiya siya sa ina ni Ernesto. "Naku.. Hindi, mangangamoy asim ka. Ohh ito naman sa iyo anak, samahan mo na si Heaven Adela para makapagpalit," saad muli ng ina ni Ernesto. Walang nagawa si Heaven kundi sundin ang ina ni Ernesto, medyo nailang pa siya dahil paglabas niya ng comport room same color at design sila ni Ernesto ng t shirts kaya nagmukha silang naka couples shirts. Enjoy na enjoy si Heaven sa maghapon niyang kakaikot ikot sa buong paligid ng kamay ni hesus. At nang nakaramdam ng kunting gutom agad tumungo sa kainan at muling omorder ng pancit habhab. "Sarap talaga nito no? The best," saad ni Heaven habang patuloy na kinakain ang pancit na may maraming suka na nakalagay sa dahon ng saging habang nakaharap kay Ernesto at Adela. "Hinay hinay lang baka hindi ka matunawan, puro pancit habhab na laman ng tiyan mo," saad ni Ernesto at pinunasan nito ang gilid ng labi ni Heaven dahil mayroong itong suka at pancit habhab na kumalat. Napangiti si Heaven, dahil sa sweetness ni Ernesto na pinaramdam sa kanya. Iyon ang unang pagkakataon na may gumawa ng ganoon sa kanya, kaya naman sobrang kasiyahan ang nararamdaman ni Heaven.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD