Chap. 8 " Pagpapakilala "

1597 Words
Tuwang tuwang ang mga kapatid ni Ernesto ng magsabi siya kinagabihan na may outing sila bukas at mag swimming sa isa sa pinakamagandang resorts sa Lucban. Huniling din ni Ernesto sa kanyang magulang na kung pwede huwag na muna mag trabaho dahil minsan lang sila magsama sama bilang pamilya lalo na kasama pa nila ngayon si Heaven. "Bakit?" Napakunot ang noo ni Ernesto dahil tila ayaw pumasok ni Heaven sa loob ng resort. "Ahmm... Wala bang ibang resorts dito? Ahmm.. Para kasing ayaw kong pumasok diyan," tugon ni Heaven. "Ano ka ba ate, isa ito sa pinakamagandang resorts dito sa Lucban kaya bakit parang ayaw mo?" tanong ni Adela kay Heaven. "Hindi naman sa ayaw ko, pero parang hindi ko lang feel." Napakamot si Heaven sa kaniyang ulo. "Feel mo lang 'yan, kaya tayo na para makita mo ang ganda ng loob," saad ni Adela at agad namang nitong hinila si Heaven papasok sa loob. Dali dali namang isinuot ni Heaven ang kanyang sunglasses at kinuha ang sumbrero para hindi makilala. Lingid sa kaalaman ng lahat, na ang pamilya ni Heaven ang nag mamay-ari ng resort na iyon na hindi man lang nagtaka na ang pangalan ng resort ay Heaven's garden resort. Mabuti na lang at hindi siya nakilala ng nasa front desk kaya nagpatuloy sila sa paglalakad patungong cottage. Maraming guest kaya, nagdadasal si Heaven na sana walang makapansin sa kanya upang hindi malaman ng pamilya ni Ernesto, lalo na ni Ernesto na siya ay anak mayaman. "Ok ka lang?" tanong ni Ernesto kay Heaven dahil nahahalata niya itong hindi mapakali. "Ok lang ako," tugon ni Heaven. Nagyaya naman si Adela na umikot ikot sa paligid dahil gusto nitong magpicture picture dahil sa ganda ng paligid na agad namang tinanggihan ni Heaven at doon na lang daw siya sa cotage kaya medyo nairita si Adela sa pinakitang attitude ni Heaven. "Ano ate, kakain na lang tayo lahat lahat naka sunglasses ka pa at naka cap? Ano hindi mo pa rin feel dito? Ganda ganda kaya dito?" Sumimangot na si Adela dahil ilang beses na itong nairita dahil ayaw lumabas ng cotage ni Heaven at nagmumukha itong kj sa kanilang outing. Sinaway naman ni Ernesto ang kanyang kapatid dahil nababastos na nito si Heaven. Nakaramdam naman si Heaven dahil nakakairita naman talaga ang attitude na pinapakita niya kaya inalis na niya ang kanyang sunglasses at sumbrerong suot. At tulad ng inaasahan niya, agad siyang nakilala ng mga nagkalat na staff ng resort. "Senyorita..." sabay sabay na tumungo ang mga staff na agad lumapit kay Heaven. Kaya nabigla ang pamilya ni Ernesto, lalo na si Ernesto dahil sa pagtrato at paggalang na ginawa ng mga staff kay Heaven kaya napatulala na lang ang lahat. "Senyorita, naririto po pala kayo bakit hindi po kayo nagpasabi sana naihanda namin ang inyong silid," saad ng isang staff. "Ahm.. Excuse po. Sa office na tayo," saad ni Heaven at agad siyang tumungo sa office ng resort na agad namang sumunod ang mga staff dito. Sinunod ni Ernesto ang kanyang paningin kay Heaven, at hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakita dahil buong akala niya ang pagkakakilala niya kay Heaven ay isang simpleng babae lang ngunit bakit tila may hindi pa siya nalalaman dito. "Ahmm.. Hi, pasensya na po kayo dahil naiwan ko kayo dito. Kinausap ko lang mga staff, nahihiya tuloy ako," saad ni Heaven ng bumalik siya sa cotage at naratnan niya pa rin na kumakain ang pamilya ni Ernesto na lahat nakatingin sa kanya. "Ate, bakit senyorita tawag sa iyo? Ibig sabihin ba nun ikaw may ari ng resort na ito? Kaya pala kapangalan mo, Heaven's garden resort hindi ko naisip iyon ah. Ang yaman mo pala?" tanong ng bunsong kapatid ni Ernesto kay Heaven. "Hindi naman." Napakamot ng ulo si Heaven," Iyong magulang ko may ari ng resort na ito hindi ako. Nakapangalan lang sa akin, ahmm.. Pasensya na Adela ha, kung feeling mo o.a at nag iinarte ako, ayaw ko lang talaga sana makilala ng mga staff dito dahil kapag nakilala ako tiyak malalaman ng parents ko na naririto ako. Hindi kasi nila alam na andito ako," saad ni Heaven. "It's ok ate, naiintindihan ko na ngayon. Sabi ko na nga ba richkid ka eh, so paano iyan nakilala ka na ng mga staff? Di malalaman na ng parents mo andito ka, di pauuwiin ka na? Sayang may pupuntahan pa tayo bukas eh," saad ni Adela. "Okey na, nasabihan ko na ang care taker ng resort na ito at lahat ng staff na huwag sabihin sa parents ko na nakita nila ako dito," tugon ni Heaven. Nanatili namang walang imik, hindi nagsasalita si Ernesto at nakatingin lang ito kay Heaven. Matapos kumain ang pamilya ni Ernesto, agad namang nag siliguan ang mga ito sa swimming pool kaya naiwan si Heaven at Ernesto sa cotage. "Gusto mo? Ako nag luto nito. I mean, kumakain ka ba nito?" tanong ni Ernesto habang inaabot nito ang isang tuhog na pork barbecue. "Kaya ayaw ko magpakilala sa iyo eh, kasi ganyan itatanong mo sa akin." Kinuha ni Heaven ang barbecue at kinain. "Sabi ko na nga ba may tinatago ka pa sa akin, naramdaman ko na anak mayaman ka pero pinagtataka ko sa iyo bakit nagtatrabaho ka pa at nanatili sa maliit na apartment?" diritsahang tanong ni Ernesto kay Heaven. "Umalis ako sa amin, matapos akong palayasin ng daddy ko. Noong first day ko sa trabaho na nakita mo mismo na may sumundo sa akin, kapatid ko talaga iyon si kuya Albert isang abogado. May dalawa pa akong kapatid, at lahat sila abogado at maging si daddy, Kahit si mommy abogada rin siya. Pinag aral ako ni daddy, sa kursong abogasya pero hindi nila alam na imbes na abogasya ang kinuha ko isang civil engineering. Huli na ng nalaman nila, dahil graduate na ako at wala na silang nagawa kaya pinalayas ako dahil isa akong suwail na anak at hindi ko man lang nerespeto ang gusto nila. Ayaw kong sundin ang yapak nila, ito ang pangarap ko ang gumawa ng mga building kaya sa sobrang disapoint nila sa akin tinakwil nila ako bilang anak, pero ok lang dahil mukhang nag e-enjoy naman ako sa pagiging malaya ko. Mahirap, dahil hindi ako sanay sa ganitong buhay na mag isa at binubuhay ang sarili pero hindi ako nagsisi dahil ito ang gusto ko." Ngumiti si Heaven kay Ernesto. "Walang magulang ang kayang tiisin ang anak, kaya alam ko darating din ang araw na tatanggapin ka muli nila," saad ni Ernesto. "Hindi sila ganoon Ernesto, mula pagkabata ko hindi ko sila naramdaman at kahit nag iisa akong babae, hindi ko naranasan na importante ako. Minsan, naiisip ko nga na sana hindi na ako kabilang sa pamilyang marangya dahil ang alam ng lahat masaya dahil nakukuha mo ang lahat, ang hindi nila alam sobrang laki ng kulang dahil parang walang pagmamahal at atensyon na natatanggap. Sa totoo lang, inggit na inggit ako sa iyo dahil kahit napaka simple ng pamumuhay n'yo, kitang kita ko ang pagmamahal ng parents mo sa isa't isa lalo na sa inyong mga anak. Hindi ko kasi iyon naranasan sa magulang ko, kasi mula pagkabata ko tulad nang naikwento ko iyo eskwelahan, bahay, eskwelahan lang ang ginagawa ko. Eh, bilang na bilang sa daliri ko ang magsama sama kami sa hapag kainan may pag aaway pa dahil gusto ni daddy controlado niya ang bawat isa. Isipin mo, lahat ng kilos at galaw mo dapat si daddy ang masusunod, at wala silang ibang ginawa kundi ang magtrabaho ng magtrabaho, sa totoo lang hindi lang ito ang resort na pag mamay-ari ng magulang ko, lahat ata ng may magandang destinasyon ng mga turista may resort kami or hotel. Kaya noong nasa kolehiyo na ako, napag isip ko na ayaw kong sundin si daddy at sundin naman ang gusto ko, tulad ng inasahan ko natakwil ako at iyon ang pinagpapasalamat ko dahil wala ng kumukuntrol sa buhay at nagagawa ko lahat ng gusto ko." Muling napangiti si Heaven kay Ernesto. Nagkaroon ng awa si Ernesto kay Heaven, dahil sa mga kwento nito kaya ngayon naisip niyang mas bibigyan niya ng attention si Heaven at ipapa ranas dito ang lahat ng gusto nitong maranasan dahil ramdam na ramdam ni Ernesto ang pagkasabik nito sa pagiging malaya. "Don't worry, habang tinatakwil ka ng magulang mo. Gagawin natin ang lahat ng gusto mong gawin habang patuloy ka pang malaya, gusto mo ba iyon?" Hinaplos ni Ernesto ang pisngi ni Heaven. "Oo naman. Basta itrato mo ako, tulad ng dati ha." Lumapad ang ngiti ni Heaven at bakas na bakas sa mukha nito ang kasiyahan. "Kaya bukas pupunta tayo doon sa sakahan ni itay sa niyogan dahil tuturuan kitang mag copras. Para naman kapag mag asawa na tayo, hindi ka mahirapang mag adjust," mahina ang pagkakasabi ni Ernesto sa huli niyang sinabi. "Huh?? Anong sabi mo?" Napakunot ang noo ni Heaven. "Wala, sabi ko pupunta tayo bukas sa sakahan ni itay, sulitin natin ang ilang araw na pananatili natin dito sa probinsya. Okey ba 'yon sa iyo?" saad muli ni Ernesto. "Oo naman. Excited tuloy ako," tugon ni Heaven. Naging masaya naman ang outing na iyon nila dahil hindi na nagtatago si Heaven sa mga staff dahil kinausap niya ang mga ito na sana ituring siyang bisita at hindi bilang si Heaven Pearl Lacsama, at huwag na huwag sanang makarating sa kan'yang ama na naroroon siya dahil tulad ng banta ng ama ayaw niyang makita ang mukha ni Heaven sa lahat ng mga pag aari ng pamilya dahil tiyak na ipagtatabuyan na naman siya na parang hindi anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD