"Unang pagtatapat "

1552 Words
"Medyo malayo layo ang aming sakahan ha, walang sasakyan na makakapasok doon kundi ito lamang kalabaw, ano sasama ka pa sa amin?" tanong ni Ernesto kay Heaven. "Paano ako sasakay diyan?" tanong ni Heaven habang tinuturo ang nakakabit sa kalabaw na ang tawag dito ay paragos na pinaglalagyan ng mga niyog. "Uupo ka lang ng ganyan ate oh," saad ni Adela at dinetalye pa nito paano sumakay sa paragos. Napangiti naman si Heaven, at agad sinunod ang ginawa ni Adela at bakas sa mukha nito ang excitement. "Ikaw paano ka?" tanong ni Heaven kay Ernesto. "Ako driver n'yo," tugon ni Ernesto at agad itong sumakay sa kalabaw. "Wait, pwede pa ba ako sumakay diyan? Parang mas masaya sumakay diyan parang nakasakay din sa kabayo diba?" saad muli ni Heaven at tumapat kay Ernesto. "Are you sure? Baka mahirapan ka?" saad ni Ernesto. "Paano ko malalaman kong hindi ko susubukan diba?" Napangiti si Heaven. "Ikaw bahala, sige na sakay ka na dito." Inabot ni Ernesto ang kanyang kamay kay Heaven. Nahirapan si Heaven sumakay sa kalabaw, pero ng nakasakay na ito tuwang tuwa na parang bata na first time makasakay ng kalabaw. Mabuti na lang at lalaki, at malaking kalabaw ang alaga nila Ernesto kaya kahit dalawa silang nakasakay kayang kaya. "Ayy!! Pinapalo ako ng kalabaw!" Nagulat si Heaven ng humampas sa kaniyang likuran ang buntot ng kalabaw. Nagtawanan naman ang dalawang kapatid ni Ernesto dahil sa reaksyon ni Heaven. "Ate, hawakan mo ang buntot para hindi mapalo," mungkahe ni Adela. "Huhh.... Baka magalit eh," tugon ni Heaven. "Hindi 'yan, ganito gawin mo." Kinuha ni Ernesto ang buntot ng kalabaw at pinahawak kay Heaven. Muling natawa si Heaven dahil sa kaniyang nagagawa na una niyang naranasan sa buong buhay niya. Nang makarating sila Ernesto sa sakahan, sakto naman na nagpapakawit na o, naghuhulog na ng niyog ang ama ni Ernesto para gawin na itong copras. Nagmamasid masid si Heaven sa ginagawa ng mga taong naroroon, pagkatapos kasing kunin ang niyog iniipon ito saka bininiyak at pinauusukan ang iba naman binibilid na sa araw. "Ganyan pala kahirap ang trabaho ng nag fa-farm ng niyogan ano? Maraming proseso bago mabenta at maging pera," saad ni Heaven kay Ernesto. "Oo, kaya mahirap maging mahirap. Sandali, ipagkukuha kita ng fresh na buko." Naghulog si Ernesto ng isang kumpol na buko. "Wow... Buko 'yan? Galing mo ha dahil tingin pa lang alam mo na agad." Manghang mangha si Heaven sa kaniyang nasaksihan. Nagbiyak ng isang buko si Ernesto, at inilagay sa baso ang sabaw at pinainom kay Heaven. "Hmmm.. Ang tamis, ganito pala ang lasa ng puro at fresh na buko." Enjoy na enjoy si Heaven sa kan'yang pag inom ng sabaw ng buko. Pagka ubos naman ng sabaw ng buko, agad inabot ni Ernesto ang kabiyak kay Heaven upang kainin ang laman ng buko. Napakunot ang noo ni Heaven, at iniisip paano niya iyon kakainin ng walang kutsara man lang," Paano ko ito kakainin?" tanong ni Heaven kay Ernesto. "Ito oh, ito ang gagamitin mong pinaka kutsara." Inabot ni Ernesto ang kapirasong bahagi ng pinakabunot ng buko na hinagis nito sa kutsara. "Wow, boys scount ha." Muling napangiti si Heaven at agad nitong kinutsara ang laman ng buko. Enjoy na enjoy si Heaven sa kaniyang kinakain at nabusog ito. "Busog na ako, pwede ko bang gawin iyan. Parang nakaka enjoy eh," saad ni Heaven kay Ernesto at itinuro ang pagbibiyak ng mga niyog. "Ingat ha, baka masugatan ka." Inabutan ni Ernesto ng isang maliit n pangbiyak na itak si Heaven. Tawang tawa naman si Heaven dahil hindi niya magawa ng maayos ang pagbibiyak at ng niyog at nang nakita niyang nakabiyak siya ng maayos kitang kita sa mukha niya at walang pagsidlan ng kasiyahan. "Ano 'to?" Kinuha ni Heaven ang maliit na kulay puti na laman ng niyog na kanyang nabiyak at pinakita kay Ernesto. "Tubo ang tawag diyan ate, tikman mo nakakain iyan," tugon ni Adela. "Are you sure?" Paninigurado ni Heaven at inamoy amoy pa niya ito. Nang maamoy ni Heaven na wala itong amoy agad niyang sinubo at kinain," Wow... Sarap niya ha. Ang tamis, at parang kumakain ka ng cotton candy." Naaliw si Heaven sa pagbibiyak ng niyog at tuwang tuwa siya dahil marami siyang nakikitang laman ng niyog at sarap na sarap siya doon. "Heaven, tama na iyan anak, baka sumakit ang tiyan mo diyan," saad ng ama ni Ernesto. Kaya napatayo si Heaven at napangiti at tinigil na niya ang paghahanap ng tubo ng niyog sa kanyang mga nabibiyak. "Ernesto, nakakatuwa naman iyang girlfriend mo kanina ko pa siya pinagmamasdan aba eh, mukhang hindi maarte sa tingin ko sa batang iyan ay anak mayaman aba'y naka jackpot ka diyan," saad ng isang may katandaan na lumapit sa kanila. "Manong talaga, hindi ko pa po girlfriend si Heaven," tugon ni Ernesto. "Abay... Nililigawan mo pa lang ba? Ay iho huwag mo nang pakawalan iyan tiyak pag kayo nagkatuluyan ay may magandang lahi, mantakin mo gwapo kang bata tapos itong si iha ay napaka gandang bata," saad naman ng isa pang lalaki. "Kayo talaga puro kayo kalukuhan. Diyan na nga po kayo," saad ni Ernesto habang napapangiti. Hinawakan ni Ernesto si Heaven sa palad at inilayo sa mga trabahador na naroroon dahil tiyak kung hindi sila lalayo katakot takot na pang aasar ang gagawin sa kanila. "Pasensya ka na kila manong ha, ganyan talaga mga tao dito," saad ni Ernesto kay Heaven. At pinaupo ni Ernesto si Heaven sa upuan na yari sa kawayan sa may maliit na bahay kubo, tumabi naman sa pagkaka upo si Ernesto. "Okey lang. Alam mo, ang saya saya ko mula noong dumating ako dito hanggang ngayon dahil marami akong pagkain na nakakain na hindi ko pa nakakain buong buhay ko. Sarap sa pakiramdam ng ganitong experience, kaya salamat ha dahil sinama mo ako dito sa probinsya n'yo," saad ni Heaven kay Ernesto. "Wala iyon, nahihiya nga ako sa iyo eh kasi alam ko hindi ka sanay sa ganitong buhay. Ganito ang buhay na kinalakihan ko, mahirap pero masaya." Napangiti si Ernesto habang nakatanaw sa lawak ng niyogan. "Nakakainggit nga eh, kasi mahirap man ang inyong sitwasyon pero masaya. Samantalang ako, lahat nabibili ko, lahat mayroon ako pero wala akong sayang nararamdaman tulad ng mayroon kayo. Alam mo kanina, ang saya ng puso ko kasi tinawag akong anak ng tatay mo, first time kong makarinig ng ganoon kaya sobrang saya ko. Mula kasi pagkabata, hindi ko iyon narinig kay daddy." Napangiti si Heaven habang nakatanaw sa ama ni Ernesto. "Gusto mong maging tatay din tatay ko?" Ngumiti ng makahulugan si Ernesto. "Oo naman," mabilis na tugon ni Heaven na hindi man lang napansin ang kung anong ibig sabihin ng tanong ni Ernesto. "Alam mo bang kinausap ako ni nanay at tatay kagabi, tinanong nila sa akin kung ano ba talagang relasyon mayroon tayo? Ang akala nga nila nag tanan na tayo. Sabi ko na lang hindi, at hindi ko rin masagot kung anong klaseng mayroong relasyon tayo. Siguro mamaya masasabi ko na kapag pinayagan mo akong ligawan kita," saad ni Ernesto kay Heaven at seryoso ito. Kaya natamimi si Heaven, at hindi alam kung anong isasagot sa sinabi ni Ernesto. "Bakit hindi ka na makapagsalita diyan? Hindi ba pwede?" Lumapit ng bahagya si Ernesto kay Heaven. "A anong hindi pwede?" pag maang maangan ni Heaven at hindi ito makatingin kay Ernesto. "Na ligawan kita?" Hinawakan ni Ernesto ang kamay ni Heaven. Pakiramdam ni Heaven para siyang binuhusan ng malamig na malamig na tubig. "Huwag mo nga akong biruin ng ganyan," saad ni Heaven at hindi ito makatingin sa mata ni Ernesto. "Bakit, mukha ba akong nagbibiro? Seryoso ako Heaven, gusto talaga kitang ligawan. Aaminin ko, noong una hindi ko gusto ang pagiging strict at katarayan mo pero noong nakikilala na kita hindi ka pala ganoon, dahil napakabuti ng puso mo. Kung anong ganda ng mukha mo, iyon din ang ganda ng puso mo. Gusto kita, gustong gusto kaya sana payagan mo akong ligawan kita para mapakita ko, at mapadama na malinis ang intensyon ko sa iyo," saad ni Ernesto habang nakatingin ito sa mata ni Heaven. Hindi alam ni Heaven kung anong nararamdaman niya ng mga oras na iyon, pakiramdam niya naka lutang siya sa alapaap sa sobrang saya ng kanyang puso dahil sa pagtatapat ni Ernesto na noon lang niya naranasan. "Hindi ko alam ang sasabihin ko Ernesto, ito ang unang pagkakataon na may nagsabi ng ganyan sa akin? Ano ba 'yan naiiyak ako." Pinunasan ni Heaven ang mga luha na tumulo galing sa kanyang mata na alam niya na luha iyon dulot ng kasiyahan. Napangiti si Ernesto kay Heaven at hinagkan nito ang kamay ng dalaga," Don't worry, tulad ng sinabi ko kanina malinis ang intensyon ko sa iyo. Hayaan mo lang akong iparamdam sa iyo kung gaano kita ka gusto, hanggang sa maramdaman natin na mahal na mahal na natin ang isa't isa. Hindi ako nagmamadali Heaven, e-enjoy natin itong pagkakataon na malaya tayo sa isa't isa na ipadama ang nararamdaman natin. Mula ngayong araw, bubusugin kita sa pagmamahal ko." Hinaplos ni Ernesto ang pisngi ni Heaven. Muling tumulo ang luha ni Heaven, dahil sa mga sinasabi ni Ernesto sa kanya. Sobrang saya ng puso ni Heaven, gusto na niyang sabihin kay Ernesto na gusto niya rin ito pero pinipigilan lang niya ang kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD