ALANA "Pahiram ng asawa mo," sambit niya di ko alam kung namamalikmata lang ba ako dahil tila may sumilay na ngiti sa kanyang mga labi ngunit nang tignan ko uli ito ay wala na. Nais kong matawa sa kanyang mga bintitawang salita at para bang kumulo at uminit ang aking dugo at napabitaw sa pagkakahawak sa kanyang mga kamay. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagbilang ng hanggang sampu hanggang sa may dumating na waiter na may dala-dalang isang tasa ng tsaa. "Heto na po ang order niyo maam," saad ng waiter at inilapag ang tsaa sa harap ni Samantha at agad itong umalis. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita siyang humigop ng kanyang mainit na inumin. "Isa lang inorder ko dahil alam ko namang afford mo to," saad niya pagkatapos ng humigop at inilapag uli ito sa isang maliit na platito

