ALANA One month later Isang buwan narin ang nakakalipas at ngayon ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na iaanunsiyo niya sa buong mundo ang tungkol sa aming dalawa. Isang buwan ko itong hinintay dahil nung araw na malapit na niyang ianunsiyo ang tungkol sa amin ay ang siya namang pagtawag ni daddy. Sa pagbubukas ng branch ay may idadagdag pa siya kaya naman na delay ito ng isang buwan. Nagiging malago narin ang kompanya namin at matataas na ang mga sales. Kilala narin ang mga Herrera at Alcantara sa buong Asya. Kaya ganun nalang din ang saya ng buong pamilya namin sa success. Alam narin ni daddy ang lahat lahat, ikinuwento ko sa kanya na mahal na ako ni Knight at naging masaya rin naman siya para sakin although may nakikita ako sa kanyang mga mata ang kalungkutan na hindi ko mawari k

