ALANA Napagpasyahan kong hindi na umuwi ng bahay dahil baka dun niya pa ako abutan at tumagal pa ang aming diskusyon. Wala akong laban sa kanya alam ko yun kaya kung maaari ay aalis na ako sa lalong madaling panahon kahit na gabi pa ngayon. Good thing dala ko ang wallet ko na laman lahat ang mga cards ko at cellphone ko. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao ngayon, nakasuot parin kasi ako ng dress at kinuha ko narin ang mga jewelries sa aking katawan. I don't need them lahat ng iyon ay galing kay Knight. Butil butil na ng pawis ang namumuo sa aking noo at di na malaman laman kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Napagpasyahan kong maupo na muna sa isang bakante na bench kasama ang mga taong nagdadate. Napabuga ako ng hininga dahil sa layo ng aking inabot. Ngunit hindi

