ALANA Makalipas ang dalawang araw Dalawang araw na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nagigising si Knight. Sinabihan narin kami ni doc na normal lang raw ito sa mga pasyente na naoperahan lalo na at may komplikasyon pa. Hindi daw dapat kami mabahala dahil ayos naman daw ang lahat at lumalaban ang pasyente ngunit hindi ko parin mapigilan ang hindi mag-alala dahil hanggang ngayon ay hindi parin siya nagpapakita ng senyales o kahit konting galaw ng kanyang mga daliri. Halos hindi ako pumikit upang mabantayan ang kanyang konting paggalaw ngunit wala. Hindi rin ako umaalis sa kanyang tabi kahit anong sabihin sa akin ng aking mga magulang at nila tito at tita. Kahit si Ash ay nag-aalala na sa akin dahil halos hindi narin ako makakain ng maayos at makatulog. Hindi ko mapigilan

