ASH "Malapit sa kanyang puso," saad ng doktor at tila ba nabingi ako sa aking narinig at ramdam ko ding tila natigilan si Alana. "Sino ba sa inyo ang malapit na kamag-anak ng pasyente?" Tanong ng doktor at agad naman akong nagsalita dahil hindi ata kaya ni Alana na makipag-usap ngayon. "Kapatid niya po ako doc ako nalang po ang kausapin ninyo," sagot ko at tumango naman siya and gestured me to follow him. Agad ko namang nilingon si Alana at tumango naman siya sa akin. Iginiya ko naman siyang maupo sa upuan at iniwan ang jacket na aking dala-dala. "Ayos na ako dito Ash salamat. Hihintayin ko nalang na makalabas si Knight dito para mabantayan siya sa kanyang kwarto. Balitaan mo na lamang ko dahil hindi ko kakayanin pag ako ang kumausap sa doctor," saad niya at tumango naman ako. Nang m

