ASH St. Luke's Hospital (12:30 am) Flashback Ilang araw palang ang lumilipas ngunit tila hindi ko mapangatawanan ang aking pag-alis. Hindi ko kinakaya ang araw na hindi siya makita at hindi marinig ang kanyang malalamyos na boses. Kailangan kong bumalik at tignan siya. Kahit makita lamang siya ay ayos na ako. Para akong baterya na walang enerhiya kapag hindi nakakonekta sa kanya. Para tuloy akong nakokonsensya sa hindi pagsagot sa kanyang mga text at tawag. Napakahirap din sa akin ang hindi sagutin ni isa doon ngunit kinaya ko at ngayon bawat paggalaw ng oras ay mababaliw na ako. Gabi na at mag-aalas nuebe na ng gabi nang makarating ako sa kanilang bahay. Alam ko rin kasi kung saan siya nanunuluyan simula nung gabing iyon. Agad din akong nagmessage sa daddy ni Alana na pupunta ako s

