Kabanata 11

1864 Words
Claudio's Wife "WE can't be together. So you made me your mistress,"sambit ko at napatango tango. "Tama nga naman. Good for you, Martinez," mapait na ani ko. Pagak akong napatawa saka tinalikuran s'ya. Mataas na ang sikat ng araw, masakit na rin ang balat ko dahil dito. Pero wala nang mas isasakit pa kesa sa sinabi n'ya. Naging kabit ako. Hindi ako makapaniwala at naging kabit ako. Ano ba ang meron at hindi s'ya nakuntento sa asawa n'ya? At b-bakit hindi ko alam ang bagay na 'yun? "Nona..." I heard him called me. Ngunit hindi ko inintindi ang pag-tawag n'ya saka naka-tungong nagpatuloy ako sa paglalakad. I don't know where I am going. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta dahil pakiramdam ko'y pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa mga nalaman ko ngayon. Buntis ang kapatid ko na ang ama ay ang kasintahan ko. Mahal ako ni Claduio pero ginawa n'ya akong kabit. Ang sakit lang. I think I couldn't bare this pain anymore. Gusto ko nang mabura ang lahat ng 'to. At bakit ba nangyayari sa akin ang lahat ng ito? Matatanggap ko pa sigurong hindi n'ya ako magawang mahalin, pero ang gawin akong pangalawa ay iyon ang hindi ko kaya. Wala na akong pinag-iba sa kapatid ko. Mas madumi pa ako sa kan'ya. "Martin..." I heard him called me for the second time until I felt grabbed my hand at saka ako sinubsob sa dibdib n'ya. "I'm sorry," puno ng sensiridad na aniya kaya mas lalo akong napaluha. Napailing ako. Saktan mo na lang ako Claudio. Sana hindi mo na lang sinabi na mahal mo ako kung ganto din naman pala ang maabutan ko. Ang sakit-sakit sa dibdib. Pakiramdam ko ay higit pa ito kesa sa pinaglaruan n'ya lang ako. Sana pinaniwala n'ya na lang ako na hanggang pang-kama na lang ako. Hindi iyong mahal nga ako ngunit pangalawa naman sa buhay n'ya. I am not the original. I am just the illegal. Ako ang tinatago and that's something that shouldn't be proud off. Muling pumatak ang mga luha ko. "O-okay lang. Atleast ngayon ay alam ko nang hindi talaga tayo pwede. Thanks for the information. Ngayon, may dahilan na ako para tuluyan kang kalimutan. Thanks for the experience of being... your mistress," mapait ding tugon ko sa huling salitang isinabi ko. Hindi ako nagpadala at pinilit kumawala mula sa kanya nang higpitan n'ya ang pagkakayakap niya sa akin. "Get off me!" madiing ani ko at saka muli ko itong tinalikuran saka naglakad papalayo. Oras na para makalimot kay Emilio at sa kan'ya. Sa dalawang lalakeng kaylanman ay hindi magiging akin. Mas mabuti pa sigurong 'wag na akong magpapasok ng lalake sa buhay ko. Dahil alam kong kaylanman ay hindi ako magiging masaya. *** HINDI ako pumasok sa HIS U at gabi na nang napagdesisyunan kong umuwi na sa amin. Hindi ko naman inaasahang maabutan ko doon ang mga magulang ko at magulang ni Emilio. Lahat sila napalingon sa 'kin at agad akong dinaluhan ni Mommy ng yakap. She's being sorry for what my sister does to me. Hindi na ako nagulat na nalaman na nila iyon. Niyakap din ako ng nanay ni Emilio at nakita ko pa ang pagpatak ng luha nito. Ngumiti lamang ako ng pilit bilang tugon. Imbis na sumalo sa kanila sa hapunan ay pumanhik na lang ako sa itaas. Padapang nahiga ako sa kama at saka pinikit ko ang mga mata ko. Mayamaya pa ay naramdaman ko ang pagtunog ng seradura ng pinto. "Get out. Ayoko ng kausap ngayon," sambit ko sa kung sino mang nagbukas ng pinto ng kwarto ko. Nanatili akong nakasubsob sa unan ko. "O-Ofelia, I-I'm sorry." Bahagya akong natigilan dahil sa nagsalitang iyon. Ang boses nito ay tila nangungusap at punong puno ng pagsisisi. Agad akong napabangon at pinanlisikan ko ito ng tingin. "Anong meron at nandito ang mga magulang ni Emilio, ha?" saad ko. At napakuyom ako ng kamao ko nang makita ko ang mapait na pag ngiti ni Clara. "Emilio called his parent this morning at pinaalam ang sitwasyon ko. K-kahit galit s'ya, ginawa n'ya pa rin 'yun. A-ang swerte mo at nakilala mo ang isang tulad n'ya." Napaismid ako. Swerte pa ba ako sa lagay na ito? Sa mga nangyari sa akin? Matatawag ko pa bang swerte ang sarili ko? Tangina lang talaga ng sinabi ni Clara! "Kaya inagaw mo?" walang preno namang sambit ko. Wala akong pakealam kung masaktan ko siya. Nasasaktan din ako kaya damay damay na. "Sabihin mo nga Clara, bukod sa pinapunta dito ni Emilio ang mga magulang n'ya, anu pa ang ibang rason?" Malakas ang kutob kong may iba pang dahilan. Wala na namang rason para ilihim nila sa 'kin iyon. Magulo na ang sitwasyon ko, handa na akong tanggapin ang mga malalaman ko pa ngayon. Dati na akong nasasaktan. Hindi na ako natatakot. "W-we're getting married oras na maipanganak ko ang bata," may pag-aalangan pa sa boses na aniya. That's it. Sarkastiko akong natawa saka pinasadahan s'ya ng tingin mula ulo hanggang paa at tumagal sa ngayo'y impis pa niyang puson. "Ah, kaya natutuwa ka? Ako ba iyong maswerte? Baka ikaw?" puno ng sarkasmong saad ko. Nakita ko naman ang pag-iwas nito ng tingin mula sa akin. "Napaka swerte mo, Clara. Nakawala ka sa responsibilidad na magpapakasal ka sa iba. Ang galing ah, imbis na Garbin, Espinoza ang pakakasalan mo. Pano ang mga Garbin ha? Iuurong n'yo ang kasunduan sa kanila?" Nagsusugat na ang mga kamay ko. Gusto ko nang sampalin ang kapatid ko dahil sa nakikita kong wala talaga s'yang pake sa mga Garbin na dapat ay mapapangasawa n'ya. "H-hindi ko pa alam," tugon naman nito. Napatango ako. "Lumabas ka na. Hangga't maaari, 'wag mo muna akong kakausapin, Clara." Sino ba ang gaganahan makipag-usap sa kanya matapos ng ginawa niya sa akin? Mabuti na nga lang din ay agad itong tumalima sa sinabi ko. Nakatungo itong lumabas ng kwarto ko. Muli akong nahiga saka pinilit na makatulog. Manhid na ako. Wala na akong maramdam kundi ay purong galit sa mga tao sa paligid ko. If only I could have avenge from them. KINABUKASAN, pagka-gising ko'y naabutan kong kumakain ng agahan sa hapag ang mga magulang at kapatid ko. Nang makita'y agad na tumayo si Mommy at inakay ako sa tapat ni Clara. "Good morning, Ofelia..." Hinalikan ko lamang sa kanilang pisngi ang mga magulang ko bilang pagbati at tinanguhan lang ang kapatid ko. Pumwesto ako ng upo at akmang susubo na nang mapansin ang pinggan na walang laman sa tabi ni Clara. "May bisita ho ba tayong darating?" nagtatakang tanong ko. Tumikhim si Dad. "Hinihintay namin ang batang Espinoza. Sasama s'ya sa 'min at ang kapatid mo paluwas ng siyudad. They're going to stay at our house para mapagtakpan na rin ang kahihiyang ginawa ng kapatid mo." Galit ang boses ni Dad. Alam kong dissapointed ito sa ginawa ng panganay n'ya. Tumayo si mom at hinaplos sa balikat ang asawa at pinapakalma ito. Samantalang si Clara naman ay napatungo na lamang. Halatang nasaktan ito sa sinabi ni Daddy. Totoo naman. Nakakahiya ang ginawa ni Clara. Hindi iyon makakaila. Tumango ako pero sa loob-loob ko ay gusto ko nang saktan ang kapatid ko. Ang galing. Isang gabi lang, naging planado na ang lahat. Nakawala na siya sa responsibilidad niya. Tapos na ang paghihirap niya. Namayani ang katahimikan sa buong hapag hanggang sa mayamaya ay tumayo si Clara at sinalubong ang bagong dating na si Emilio. Papasok pa lamang sa dining area ay nasa sa 'kin na ang paningin ng huli. Ako ang unang nag-iwas ng tingin at nagpaalam na papanhik na sa hagdan upang kunin ang mga gamit ko. Matagal akong nakatulala sa salamin ng kwarto ko bago ko kinuha ang bag at sinukbit sa balikat ko. Akmang lalabas na ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Emilio. Mugto ang mga mata nitong lumapit sa 'kin at dinaluhan ako ng yakap. Hinayaan ko lang dahil ito naman na ang huli na magagawa niya ito sa akin. "Asena, h-hindi ko gusto ang mga nangyayari pero kaylangan kong panagutan ang kapatid mo. A-alam ko din naman na kung sakali, ito ang gusto mong mangyari. A-ang hindi ko lang maintindihan ay kung anong meron sa inyo ni Martinez at magkasama kayo kahapon?" Basa na ang leeg ko dahil sa mga luha nito. Ngunit kahit na ganun, nanatiling blangko ang isipan ko. "Kaibigan ko s'ya," hilaw na saad ko. Umiling si Emilio. "H-hindi ako naniniwala." Bahagya ko s'yang itinulak sa balikat at lumayo ng ilang hakbang sa kan'ya. "May rason pa ba para malaman mo? Sige sasabihin ko total dati na tayong sira. Bago naging tayo, may nangyayari na sa 'min ni Claudio. It's our secret. Mahal ko s'ya kaya pinigilan kita sa panliligaw mo. Pero tinulak n'ya kasi ako papalayo kaya napunta ako sa 'yo..." Tila natigilan naman ito sa sinabi kong iyon. "M-mahal mo pa rin ba hanggang ngayon? A-ako ba? M-minahal mo ba ako?" Tumungo ako. "Minahal ko s'ya. At mahal kita. Pero sa ngayon, ayoko nang bigyan pansin ang nararamdam ko kasi mas nangingibabaw 'yung sakit dito sa puso ko." I wiped my tears. Bumuntong hininga si Emilio, akmang aabutin ang kamay ko pero tinabig ko lang ang kamay n'ya. "Mahal kita, pero dahil sa kagagawan ni Clara, kaylangan kitang kalimutan. S-salamat na lang sa pagmamahal mo, Emilio. Ituon mo na lang ang atensyon mo sa magiging pamilya ninyo." Nilagpasan ko s'ya at bumaba sa hagdan. Dumiretso ako sa HIS U, pero imbis na magpakita sa barkada ay itinuon ko na lang ang atensyon ko sa klase. Sa bawat estudyanteng nadadaanan ko, parating si Emilio ang topic ng pag-uusap nila. Kalat na sa buong school ang pag-alis nito pero ang dahilan ay naging lihim lang. Nang magtanghalian ay wala akong ibang naging choice kundi ang pumunta sa statesman office upang kunin ang mga gamit na kaylangan ko. Sa apartment ko na lang gagawin ang trabaho ko. "Oh my! What happen to your eyes? Bakit namamaga? Totoo ba 'yung balitang hiwalay na kayo ni Espinoza?" salubong sa akin ni Jammailah pagkakita niya sa akin. At nanlaki ang mga mata niya nang walang pakundangang tumango ako. "B-bakit?" tanong niya, nabibigla pa rin. Itinigil ko ang paglagay ng gamit sa bag saka s'ya nilingon. "Wala eh, pinikot ng kapatid ko," I said nonchalantly. "Kaya ayun, luluwas sila ng siyudad at doon na magsasama." Hindi na naimik si Jam kahit kita ko ang pagkatigil nito. Dinaluhan niya ako ng yakap. "I'm sorry." Pagak akong natawa. "Okay lang. Sanay na akong nasasaktan. H-hindi lang naman si Emilio ang nakapanakit sa 'kin." Nangunot ang noo ni Jam. "What do you mean? Bukod ba kay Espinoza, may naging iba ka pa?" Akmang ibubuka ko ang aking labi upang sumagot sa tanong ni Jam nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa sina Pres. Joachim ngunit ang kumuha ng atensyon ko ay ang babaeng kasama ni Claudio. Alam kong bago ito sa Unibersidad dahil ngayon ko pa lamang nakita ang mukha n'ya. S'ya ba ang asawa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD