Puno ng Lungkot
BEING a Martin is not easy. Lalo na kung alam mo kung ano na ang responsibilidad na naka-atang sa 'yo pag-laki.
When we were still a kid, alam na namin ni Clara ang responsibilidad ng bawat isa sa pamilya. S'ya bilang panganay, ipapakasal sa business partner ng mga magulang namin.
As a Martin, hindi pwedeng babae ang humawak sa negosyo. Kaya noon pa man, tanggap na n'yang ipapakasal s'ya.
Bata pa lang, naging sunod-sunuran na s'ya, kabaligtaran ko. Bawat utos ng magulang ko, oo ang sinasagot n'ya.
And I thought, everything would be okay with her nang ipakilala sa kan'ya ang mapapangasawa.
Pero ngayon, nag-iba ang isip n'ya.
"I'M sorry."
Kahit basang-basa, nilapitan ako nito at niyakap. Sa kabila ng lamig ng tubig, nabatuli pa ring blangko ang isipan ko hanggang sa naging sunod-sunod ang pag-tulo ng mga luha ko.
Hindi ko inaasahang magagawa kong ipadapo ang palad ss kan'yang pisngi.
"H-hayop ka!"
Hindi ito nagulat sa ginawa ko. Bagkus, tumungo lamang ito saka muling humagulhol.
"B-bakit si Emilio pa ha? B-bakit hindi na lang iba? Why my boyfriend, Clara?!"
"I-I was desperate. Okay? Ayokong ipakasal sa lalakeng hindi ko gusto at hindi ko kilala! Ayokong matali sa isang Garbin!"
Kumuyom ang kamao ko, nagpipigil na masaktan s'ya. "Kung hindi mo naman pala gusto, sana noon pa, tumanggi ka na!"
Napapikit ako. Ako ang inagrabyado pero s'ya ang umiiyak sa harapan ko. Nanginginig ang buong kalamnan ko. Alam ng Dyos kung gaano ko kagustong saktan ang kapatid ko pero nagpipigil ako dahil nanalaytay pa rin ang iisang dugo sa katawan naming dalawa.
"I-I don't want to dissapoint our parents, Ofelia."
Pagak akong tumawa. "Sa ginagawa mong 'yan, ano sa tingin mo ang iisipin nila? Ha? Na ang magaling nilang anak, naging..." hindi ko matuloy ang sasabihin. Ayokong makapagbitaw ng masasakit na salita hangga't kaya ko.
Bumuga ako ng hangin at tinalikuran ito. "Ayusin mo ang sarili mo. At sa paglabas mo dito, kalimutan mong may nangyari sa inyo ni Emilio. Magpapakatanga ako. Kakalimutan ko din ito, alang-alang na lang sa pagiging magkapatid natin." malamig kong sambit.
Ihahakbang ko na ang aking mga paa nang hawakan n'ya ako sa palapulsuhan. "H-hindi mo ako naiintindihan, Ofelia."
Padabog kong inalis ang kamay n'ya sa 'kin at pinanlisikan ito ng tingin. Sarkastiko akong tumawa. "Naiintindihan ko. Sabi mo nga di'ba, desperado ka kaya mo nagawa ang bagay na 'to."
Muling umiling si Clara. "I'm sorry. But he's my first. Si Emilio ang naka-una sa 'kin."
Tuluyan ng nandilim ang mata ko at pinagsasampal s'ya. Kahit naririnig ang hikbi, hindi ako tumigil hangga't sa hindi nakuntento.
"M-masakit." daing n'ya at pilit na pinipigilan ang kamay ko.
"Mas masakit ang ginawa mong panta-traydor, Clara. Y-you are a fvcking desperate b***h! Sa tingin mo ibibigay ko sa 'yo si Emilio ng ganun na lang porque s'ya ang una mo?" muli ko itong sinampal saka nanginginig ang kamay na dinuro ito. "Sa ginawa mo, mas lalo lang akong nagkaroon ng rason upang 'wag pakawalan ang taong bumuo muli sa 'kin."
Hindi ako tanga upang magpaubaya sa kan'ya dahil lang sa desperado s'ya. S'ya na mismo ang may sabing walang alam si Emilio sa ginawa n'ya.
Matuto s'yang tumayo sa sariling paa kung paano lulusutan ang pagpapakasal sa lalakeng hindi n'ya kilala.
"P-paano kung mabuntis ako? Hindi pwedeng lumaki ng walang ama ang magiging anak ko. Magiging kahihiyan ito sa pamilya natin, alam mo 'yan."
"Stop! Just stop, Clara. Wala akong pake sa problema mo. 'Wag mo kaming sirain ni Emilio. Dahil kahit anong mangyari, hindi ko s'ya ibibigay sa 'yo!"
Kahit mukhang matapang ang pagkakasabi ko, hindi ko pa rin maiwasang matakot sa sinabi n'ya. Paano kung mabuntis nga s'ya?
Ako na naman ba ang masasaktan? Kaylangan ko na naman bang magparaya? Wala ba akong karapatang maging masaya man lang?
"Ayusin mo ang sarili mo. Let's act that this never happened."
Lumabas ako sa banyo at nilapitan si Emilio. Mahimbing ang tulog nito. Hindi ko pa maiwasang mapangiti ng mapait nang sambitin nito ang pangalan ko.
Walang tigil sa pag-tulo ang luha ko habang naka-tingin sa kan'ya.
"Hindi ko kakayanin kung pati ikaw, mawala sa 'kin." pinisil ko ang kamay n'ya at dinala ito sa pisngi ko.
Magdamag akong gising at tulala. Mugto ang mga mata kong nakatitig pa rin dito. Hanggang sa unti-unti nitong minulat ang mata.
"Asena?" luminga ito sa paligid saka napapikit. Tila nakahinga ng maluwag. "Thanks God!"
"W-why? May problema ba?" halos pumiyok pa ako. Pinilit kong 'wag maiyak. Nasasaktan ako.
"C'mon, tell me, Mil. May problema ba?" saad ko ulit.
Bumuntong hininga ito saka bumangon. "N-nagkainuman kami ng kapatid mo. She said, we should celebrate dahil tuluyan na s'yang nakalaya for something na hindi ko naman alam..."
Tumango-tango ako. Pilit pa rin pinipigilang mapa-iyak.
"Hanggang sa nalasing ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko... may nangyari sa 'min. I just thank God na hindi naman totoo. D-dahil hindi ko alam kung anong gagawin kung nangyari man 'yun. I don't want to hurt you, Asena. Mahal na mahal kita."
Tumungo ako at hindi na napigilang umiyak. Ang sakit-sakit. Imbis na matuwa, parang tinutusok ang dibdib ko sa sinabi n'ya.
"H-hey? What's wrong?"
Inangat n'ya ang baba ko pero umiwas lang ako.
"Asena?"
"T-totoo..." napapikit ako. "T-totoong may nangyari sa inyo ni Clara."
Natigilan ito. Napa-awang ang mga labi saka umiling. "N-no. I know it's not true. Hindi kita pwedeng saktan." sunod-sunod itong napamura at ginulo ang buhok n'ya.
Nang hindi na makayanan, tumayo ako at pumasok sa banyo. Doon ako humagulhol.
HINDI ko alam kung papaano pakikitunguhan si Clara at Emilio. Mahigit isang buwan nang malamig ang turing ko sa kanila.
Walang kasalanan si Emilio, pero sa twing nakikita ko s'ya, hindi ko maiwasang masaktan sa aming dalawa.
Hindi n'ya ginusto ang nangyari pero sa twing ipipikit ko ang mga mata ko, hindi ko mapigilang isipin na ginawa nila ang bagay na 'yun.
"K-kain ka na ng agahan, sis."
Blangko ko lamang na tinitigan ang kapatid ko saka nagtimpla ng kape. Tinikman ko ang luto n'ya at halos maduwal ako dahil sa lasa nito.
Pinunasan ko ang aking labi saka ininom na lang ang kape ko. Tahimik kaming magkaharap sa mesa habang s'ya nakatuon din sa niluluto n'ya.
Maya-maya pa, tumayo ito at nag-tungo sa lababa saka dumuwal. Hindi naman kasi marunong mag-luto, susubukan pa.
Tumayo ako at lumabas ng apartment. Alas sais pa lang pero papasok na ako. Nag-abang ako ng tricycle at akmang ipapara na iyon nang may huminto namang sasakyan sa harapan ko.
"G-good morning." agad na bumaba si Emilio at pinagbuksan ako ng pinto.
Pumasok ako sa loob at tango lang ang naging tugon ko. Akma ako nitong hahalikan sa pisngi nang iiwas ko ang mukha ko.
Bumuntong hininga na lang ito saka walang imik na nag-maneho.
"Saan tayo pupunta?"
Hindi kasi nito idiniretso ang sasakyan at lumiko.
"We're going to talk, Asena." seryosong saad n'ya, malayo sa itsurang pinapakita n'ya kapag magkasama kaming dalawa.
Hindi ako naimik hanggang sa ihinto n'ya ang sasakyan malapit sa isang bangin. Mula dito sa kinatatayuan ko, tanaw na tanaw ang magandang tanawin ng Sagrada. Pero kahit ganun, hindi ko pa rin magawang matuwa.
Naramdaman ko ang pag-tabi ni Emilio sa 'kin saka ako niyakap sa likuran.
"H-hindi na ba natin maayos 'to?" tila walang pag-asang sambit n'ya.
Bumuntong hininga ako at kumalas sa yakap n'ya. "Maayos tayo."
"Kung ganun anong problema? You're being cold to me Asena. Hindi ko na kaya. Nasasaktan na ako."
Napapikit ako. Gusto kong maayos kaming dalawa pero sa twing naaalala ang ginawa ni Clara, parang may punyal na naka-baon sa dibdib ko.
"Nasasaktan din ako Emilio. Hindi ko alam pero kapag nakikita kita, 'yung kahayupan ng kapatid ko ang nakikita ko. Hindi ko na din alam kung papaano matatanggal ang sakit." inihilamos ko ang palad sa mukha saka s'ya hinarap. "Maybe... let's take a break. Let's give each other space first. Let's cool off."
PIKIT ang matang ipinilig ko ang leeg nang bumaba ang halik n'ya doon. Napasabunot pa ako sa kan'yang buhok nang maramdaman ang sensasyong idinudulot n'ya sa 'king sistema.
"M-more..." ungol ko nang paglandasin n'ya ang kamay sa hubad kong katawan.
Napadilat ako ng mata nang pumaibabaw s'ya at agad na pumasok sa 'kin.
"You're still fvcking tight." bumangon ito at hinawakan ako sa magkabilang beywang saka muling umulos.
Dumausdos ang kamay n'ya sa aking hita at pinisil iyon. He's moving too fast at hindi ko na kaya pa. Ilang sandali na lang ay nararamdaman ko na ang kasukdulan.
"C-Claudio..."
Pagal itong bumagsak sa ibabaw ko saka ako hinalikan sa noo. Kapwa namin habol ang pag-hinga. Nagawa pa nitong punasan ang pawis sa noo ko.
"You're beautiful..." bulong n'ya at umalis sa ibabaw ko. Lumipat ito sa gilid ko at hinapit papalapit sa kan'ya.
"Let's sleep."
Tumango ako at hindi na umimik pa. Ilang sandali pa'y ramdam ko na ang mabibigat na pag-hinga nito. Ngunit samantalang ako'y nanatiling dilat ang mga mata.
Mahigit mag-iisang linggo na nang bigyan namin ng space ni Emilio ang isa't isa. Alam kong mali ang ginagawa ko pero isang gabi, namalayan ko na lamang na magkasama na kami ni Claudio at may nangyari ulit sa aming dalawa. Hangang sa nasundan pa ito sa ikatlong beses.
Mali ang ginagawa ko. Isa itong pagtataksil pero bakit pakiramdam ko, nawawala ang sakit kapag kasama ko s'ya?
Ang lakas ng loob kong lokohin si Emilio, pero anong magagawa ko kung pansamantala kong nakakalimutan ang ginawa ng kapatid ko kapag pinapadama sa 'kin ni Claudio na mahal n'ya ako?
Ramdam ko. Hindi ako nagbibigay ng konklusyon lang. Nararamdaman kong may pagmamahal s'ya sa 'kin ngunit hindi n'ya lang masabi.
"Claudio..."
Umungol lamang ito at hinigpitan ang yakap sa 'kin.
Bumuntong hininga ako saka dahan-dahang bumangon. Alas singko na ng umaga. Kinakailangan ko nang umuwi.
"Where are you going?" paos ang boses na anito saka ako hinapit sa aking leeg.
"I'm going home." inabot ko ang mga damit saka tumayo at sinuot iyon sa harapan n'ya.
Imbis na makaramdam ng pagkahiya, mas lalo pa akong naging proud sa sarili dahil sa pagnanasang naka-ukit sa mga mata nito.
"Damn!"
Hinapit ako ni Claudio saka pinaupo sa kandungan n'ya. Inilihis ang underwear ko saka muli akong pinasok.
"C-Claudio..."
"You're making me hor ny, Martin!"
ANG ALAS-SINGKO sanang pag-uwi ko ay inabot pa ng alas sais y medya dahil ayaw akong pakawalan ni Claudio.
Mabuti na lamang at pinakawalan ako nito nang sabihin kong madami akong gagawin sa statesman office.
Nag-presinta pa itong hatirin ako sa apartment na malugod ko namang pinayagan.
Inihinto nito sa tabi ang sasakyan saka ngumisi sa 'kin. "Your boyfriend's here."
Hindi ako nagkomento saka lumabas ng sasakyan. Pumasok ako sa loob at ganun na lamang ang gulat ko nang makita ang kapatid kong umiiyak habang naka-luhod sa harapan ni Emilio.
"I-I'm pregnant, Emilio. Please believe me..."
Umiling ang huli saka ginulo ang buhok. Tumalikod ito dahilan upang makita n'ya ako.
"A-Asena..." gulat nitong saad saka akmang lalapit ngunit inilingan ko lang.
"C-congrats!"
Wala na akong karapatang mag-reklamo dahil nagawa ko na s'yang pagtaksilan. Mas masahol pa ako sa ginawa ng kapatid ko dahil habang may kasintahan ako, nagpagalaw ako sa iba.
Lumapit si Emilio sa 'kin, akmang aabutin ang kamay ko nang unahin ito ni Claudio na hindi ko inaasahang sumunod pala sa 'kin.
"Fvck off..." mababa ngunit puno ng pagbabantang saad saka ako hinila papalabas at pinasok sa sasakyan n'ya.
Habang nasa byahe ay wala nang tigil sa pag-tulo ang mga luha ko. Halos mapalundag pa ako sa gulat nang sunod-sunod na pinagsusuntok nito ang manibela.
"C-Claudio..."
"Nagpaubaya ako. Dahil alam kong magkaiba kaming dalawa. Alam kong hindi ka n'ya sasaktan katulad ng ginawa ko sa 'yo. Pero mali pala ako!"
Lumabas ito ng sasakyan at pinagsusuntok ang puno. Dali-dali naman akong lumabas at inawat s'ya.
"T-tama na."
Niyakap n'ya ako ng mahigpit saka muling nagmura. "Nasaktan ka na naman." mahinahon ngunit may diing bulong n'ya.
Tumango ako at pinikit ang mga mata ko. "Sinaktan n'yo akong dalawa, Claudio."
Napapagod na ako. Palagi na lang ganito. Pakiramdam ko, hindi magtatagal, matatakot na akong magmahal.
"Si Emilio... dama at sinasabi n'yang mahal n'ya ako. Hindi n'ya sinadyang masaktan ako. Pero ikaw..." pinahid ko ang mga luha. "Damang dama kong mahal mo ako pero pilit mo akong tinutulak papalayo. Alam kong mahal mo ako. Pero bakit... bakit hindi mo masabi-sabi at sinasaktan mo lang ako?"
Magkaiba silang dalawa. Nasaktan ako ng isa, hindi sinasadya. Ang isa, sinaktan ako, sinasadya.
Durog na durog na ang puso ko. Siguro, wala akong swerte pagdating sa pagmamahal.
Natigilan ito at nawalan na ng imik.
"P-pwede bang kahit ngayon magpakatotoo ka naman sa 'kin? Bakit kahit ang tagal nating magkakilala, pakiramdam ko may tinatago ka. You are so mysterious, Claudio. Ang hirap mong basahin."
Hindi ako nahirapang kumawala sa kan'ya. Tiningala ko s'ya at nagtama ang aming mga mata.
"Yes, it's true. I'm so in love with you, Martin."
Napapikit ako. Napakasarap sa pakiramdam. Ngunit alam kong hindi ako sasaya sa mga susunod n'ya pang sasabihin.
"I love you so much, that I'm willing to give up everything, but it's too late already." tila sumusukong an'ya.
"B-bakit?"
Gusto kong sabihing duwag s'ya pero hindi ko masumbat dahil hindi ko alam ang sitwasyon. Natatakot ako na baka sa huli, ako na naman ang masaktan.
"Gustuhin ko man, hindi na tayo pwede..." tumulo ang luha sa mga mata n'ya.
Ito ang kauna-unahang beses na nakita kong umiyak s'ya sa harapan ko. Totoong mahal n'ya ako pero bakit, hindi kami pwede? Ang sakit-sakit makita ng mga luha n'ya. Mahal n'ya ako pero bakit... hindi pwede?
Ayoko nang marinig ang mga susunod n'ya pang sasabihin. Niyakap ko si Claudio at sinubsob ang mukha sa dibdib n'ya.
"We can't be together now..."
Napapikit ako. Isa pang sampal sa mukha ko. At tuluyan na akong nadurog nang humiwalay s'ya ng yakap sa 'kin at humakbang paatras...
"Kaylanman hindi na pwedeng maging tayo..."
Hindi ako tumalikod. Buong tapang kong sinalubong ang mata n'yang ngayon ay punong-puno na ng luha.
At nang sabihin n'ya ang dahilan, tuluyan na akong nanghina. Nandilim ang paningin ko at hindi matanggap ang kaalamang iyon.
"Kasal na ako, Nona." pag-uulit n'ya pa. Puno ng lungkot ang boses.