Kabanata 9

2530 Words
May kagagawan AFTER that encountered with Claudio ay hindi na ako gumawa ng kahit na anong paraan upang iwasan s'ya dahil s'ya na mismo ang gumagawa nun. The classes resume, the second semester started. Sa susunod ay fourth year college na ako. Isang taon na lang ay panibagong buhay na naman ang aking haharapin. "Sino ang naghatid sa 'yo?" Halos mapamura ako dahil sa pag-tanong ni Clara. Naka-dungaw pa ito sa pintuan habang tanaw-tanaw ang papalayong sasakyan ni Emilio. "Boyfriend mo? Yieeh!" muling tanong n'ya't sinundot ang beywang ko, kinikiliti ako. "Masama ba?" pagtataray na ani ko sa kanya. Humalakhak naman ito at matapos ay nameywang sa harapan ko. "Dalaga na s'ya. So, kelan mo s'ya ipapakilala sa 'kin?" she asked once again and arched her brow at me. Umirap naman ako imbes na sagutin ang tanong niya. "Umuwi ka na sa 'tin. Isusumbong talaga kita," pananakot ko sa kanya. Pero ang totoo n'yan ay nung dumating s'ya dito nung isang araw ng madaling araw ay tinawag ko na sa mga magulang namin ang ginawa n'yang paglalayas kuno. Ayaw ko namang mag-alala ang mga magulang ko kahahanap sa panganay nilang anak na hanggang ngayon ay isip-bata pa rin. "Ayoko! Sinabi ko na sa 'yo. Sa HIS U na rin ako mag-aaral! Bukas nga ay papasok na rin ako!" irap din nito saka ako tinalikuran at pumanhik sa hagdan. Napahilot naman ako sa sintido ko. Parang mag-aalaga ako nito ng isip-bata ah. Hindi ko pa alam kung ano ang rason ni Clara at bigla na lamang s'yang nag-enroll sa HIS U. Kilala ko ang kapatid ko, hindi s'ya basta-basta gagawa ng desisyon kung ayaw n'ya. Kaya paniguradong may malalim itong rason ang biglaan niyang pagsulpot dito. Kinabukasan ay mas maaga pa itong naggising kesa sa 'kin at nag-luto din ng agahan naming dalawa. "May lakad ka?" kunong noong bungad na tanong ko sa kanya at naghila ng isang upuan saka ako pumwesto ng upo. Napahikab pa ako bago muling pinasadahan ng tingin ang kapatid kong si Clara. Hindi kasi pambahay ang suot nito. Malawak naman itong ngumiti saka pinakita ang HIS U identification card n'ya. Nangunot naman ang noo ko dahil doon. "I told you. Papasok na ako starting today sa university mo," masayang sambit niya. She even giggled. "Seryoso ka talaga?" Inayos ko ang salaming suot ko saka ito muling pinasadahan ng tingin. "Magpalit ka. Hindi ka papapasukin nang ganyang suot. Mas grabe ka pa kay Mutya," naiiling na dagdag ko pa. Ngumuso ito bago umirap. "Don't compare me to her. Magkaiba kami. And what's wrong with my dress? Mabuti pa nga 'to di tulad sa ibang bansa na naka-shorts lang kung pumasok sa University," protesta naman niya. Hindi na lang ako nagsalita at tinaas na lamang ang dalawang kamay ko bilang pagsuko sa rason n'ya. Total wala naman akong panama sa kanya. O siya, nasa sa kanya na lang iyan. "Bahala ka. 'Wag mo 'kong sisihin kung hindi ka papasukin ng guard. And mind you, Clara na wala tayong sasakyan dito. We are going to commute. Sasakay ka ng tricycle na ganyan ang suot? Konting tuwad mo lang, makikitaan ka na," ani ko mayamaya nang hindi ko rin natiis si Clara. Namilog ang mga mata nito. "Gosh! Nakalimutan kong nasa province pala ako." Naiiling na pinagmasdan ko na lang itong tumakbo papanhik sa taas. *** "IT'S so hot! Hindi talaga ako sanay ng ganito!" maarteng saad ng kapatid ko habang nakanguso sa jeans na suot n'ya. Pasimple ko naman itong inirapan saka nagpara ng sasakyan. "May palayas-layas ka pa kasing nalalaman. Ba't hindi ka na lang sa States nagtago kung maglalayas ka din naman pala," pagsusungit ko sa kanya. Sanay naman na siya sa akin na ganoon ako. "You know that I cannot live alone. Duh!" Itinirik pa niya ang mga mata niya bago sumunod sa 'kin papasok ng tricycle. Ilang minuto lang ang itinahak namin sa byahe at agad na rin kaming nakarating sa Unibersidad. Humaba ang leeg ni Clara habang pinagmamasdan ang buong HIS U. "Una na ako..." ani ko bago ito tinalikuran saka dumiretso na ako sa building ng College of Office Administration. Hindi ko na inintindi ang pagtawag ng kapatid ko. May map naman s'ya ng HIS U, kaya paniguradong hindi siya maliligaw papunta sa building ng Architecture. Isa pa'y itinawag ko na s'ya kay Fabian since magkapareho sila ng kurso. Nang dumating ang lunch ay sabay kaming nag-tungo ni Emilio sa cafeteria. Pinaghila pa ako nito ng upuan bago pumila ng order naming dalawa. I was busy scrolling at my phone nang biglang umingay ang caf dito sa second floor. Napalingon ako sa bungad at hindi ko inaasahang makikita ko si Pres. Joachim, kompleto silang lahat (asides from Pres. Messiah and Ligaya) kasama si Clara habang akay-akay ni Fabian. "Uy si Nona!" sigaw ni Pres. saka lumapit sa 'kin. "You're with Espinoza?" anito at nag-hila ng mesa, pinagdugtong sa mesa namin ni Emilio. "Hi Ofellia. Your friends cool pala lalo na si Fabian," bati ng kapatid ko at dumukwang papalapit sa 'kin. Inilapit pa niya ang kanyang bibig sa teynga ko. "That guy over there is so masungit. He's like my Fiance kaya hindi ko s'ya type. Hmp!" Nilingon ko ang tinutukoy ni Clara. Naka-tungo lamang si Claudio habang nakapamulsa sa slacks na suot n'ya. Agad kong iniwas ang tingin dito nang bigla itong mag-angat ng tingin at nagtama ang mga mata naming dalawa. Mula nang kaarawan ni Joachim ay ngayon na lang kami nagkalapit na dalawa. "Let's order na guys!" sabat bigla ni Jamnna mukha ring masama ang timpla. Sinamahan ni Fabian ang huli. Sumunod naman si Joachim at ang kapatid ko. Kaya kami na lamang dalawa ni Claudio ang natira sa mesa. Naupo ito sa tapat ko. Hindi na lang ako naimik at muling ibinaling ang atensyon sa teleponong hawak ko. The atmosphere filled with awkwardness pero pilit ko na lamang iyong binabalewala. I was scrolling my phone nang dumating naman si Emilio maya maya. "Let's eat, Mil..." Pumwesto ito ng upo sa tabi ko saka inilagay ang pinggan sa tapat ko. Akma pa ako nitong susubuan nang hawakan ko ang kamay nito bilang pagpigil. "Why?" Tumikhim ako. "L-later na lang. Sasalo sa 'tin ang mga kaibigan ko." "Oh," tila gulat naman na aniya at saka lang nito napansin si Claudio sa harapan namin. Bigla akong nailang dahil titig na titig ito sa 'ming dalawa. Kahit nahuli ko na s'yang nakatingin at nanatili pa rin ito sa kan'yang posisyon. "Dude," bati ni Emilio. Tinanguhan lang naman ito ng huli bago ipinilig ang ulo sa ibang direksyon. Maya-maya pa ay naryan na rin sina Pres. Joachim. Maingay ang hapag, katulad noon. Mas lalo pang umingay dahil sa kapatid ko. "Kain ka pa, Mil." Ini-umang ni Emilio ang caldereta sa pinggan ko. Nag-alangan man ay tumango ako dito. Akmang susubo ako nang abutin ni Claudio ang kamay ko. "Stop it..." Napalingon sa 'ming dalawa ang mga kasama namin. Maging si Emilio ay nangunot ang noo dahil sa inasta ni Claudio. "Dude. What's wrong with you? Kanina ko pa napapans--" Hindi inintindi ni Claudio ang huli saka hinigpitang ang paghawak sa 'kin. "Claudio..." ani ko. "You will really eat that?" mababa ang boses nito bago bumaling kay Emilio. "You're the boyfriend but you didn't know that she's allergic to peanut?" Bumaling sa 'kin si Emilio na bahagya ring natigilan. "A-Asena..." "I-it's okay." Binawi ko ang kamay ko kay Claudio saka bumaling sa huli. Hinaplos ko ang pisngi nito saka ngumiti. "It's okay, Mil. It's okay." Tumango naman ito. "I'm sorry. I didn't know." "Of course! Dahil kung alam mo, hindi mo s'ya bibigyan n'yan!" ani Claudio na tumaas na ang boses. "Hey dude! You okay?" Pumagitnan na si Pres. Joachim nang tila makaramdam na rin siya ng tensyon sa mesa namin. Tila natigilan naman si Claudio sa inasta n'ya saka walang anu-ano'y tumayo at umalis. Tumayo naman si Fabian. "Sundan ko lang. May problema lang ang isang 'yon. Kanina pa mainit ang ulo sa klase." Tumango ako saka pinisil ang kamay ni Emilio. Alam kong napahiya s'ya sa sinabi ni Claudio. "My gosh sissy! That guy! How did he know that you're allergic to peanut?!" Hindi ko inintindi si Clara. Ngumiti lamang ako ng pilit dito. Nabaling ang mata ko kay Jam nang tumikhim ito. "Bakit Jam?" Umiling lang ito saka itinuon ang atensyon sa pagkain. Bumalik kami sa pag-kain ngunit ang maingay na hapag ay napalitan ng katahimikan. Maging si Pres. Joachim, hindi na ito naimik hanggang sa natapos ang pananghalian. "I'm sorry, Asena. I'm really sorry." Ilang beses ko nang narinig sa mag-hapon ang pag-hingi ng tawad ni Emilio. Sinabi kong ayos lang pero hindi ito nakuntento. Gabi na at nasa tapat na kami ng apartment. Kalalabas pa lamang ni Clara at nauna na sa loob pero kaming dalawa ay nanatili dito sa loob ng sasakyan n'ya. "It's okay, Emilio. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na ayos lang?" Bumuntong hininga ito. "Martinez's right. I am your boyfriend but I don't even know that you're allergic to peanut. P-paano kung..." hindi nito tinuloy ang sinabi saka ginulo ang buhok niya. "Mil..." Inangat nito ang tingin sa akin. "I said it's okay. Natural na hindi mo pa alam kasi nagsisimula pa lang tayo. Atleast now, alam mo na. Bawi ka na lang next time." Dumukwang ako at hinaplos ang pisngi n'ya. I even initiated a kiss na s'yang ikinagulat n'ya. Pero maya-maya lang ay tumugan na s'ya. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang halik n'ya. Lumalim ang halikan naming dalawa pero kusa akong napabitaw nang biglang pumasok sa isipan ko ang blangkong itsura ni Claudio. "I'm sorry," aniya. Inilingan ko naman siya at muli ring hinalikan. Hindi pwedeng maapektuhan na naman ako ng taong wala namang pake sa 'kin. Ako na mismo ang nagpailalam sa halikan naming dalawa. Kinalas ko pa ang seatbelt ko at naupo sa kandungan ni Emilio. Nag-aalangan ang kamay nito kung saan hahawak kaya kinuha ko at pinwesto sa beywang ko. I became aggressive this time. Hinalikan ko s'ya sa leeg. Naglulumikot na din ang kamay ko at humahaplos na sa matigas na tyan nito. That's it, Self. Tuluyan mo nang tanggalin sa sistema mo si Martinez. "A-Asena..." hinihingal na anito. Mahigpit na din ang pagkakahawak niya sa beywang ko. Nang magsawa ang kamay doon ay ibinaba ko pa ito at akmang bubuksan ang butones ni Emilio nang pigilan nito ang kamay ko. "S-stop..." "Why?" Inalis n'ya ako sa kandungan n'ya saka niyakap. "I just felt like, this is wrong. Hindi ko maipaliwanag pero alam kong hindi ka pa handa." Natulala na lamang ako sa kan'ya. Saka napangiti at niyakap siya pabalik mayamaya. "Pasok ka na sa loob." Bumaba s'ya at pinagbuksan ako ng pinto. "Thanks Emilio." Tumango lamang ito saka muling pumasok sa sasakyan n'ya. Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan ay pumasok na ako sa apartment. Naabutan ko pang may kausap si Clara sa telepono n'ya pero nang humarap ito sa 'kin ay nagulat ako nang makitang may luhang lumalabas sa mga mata n'ya. "I'm sorry, mom. Pero ayokong magpakasal! Hindi ko pala gusto ang ganito. Hayaan n'yo na akong mahalin ang lalakeng gusto ko..." Ibinaba nito ang tawag saka lumapit sa 'kin saka humagulhol sa balikat ko. "Hindi ko s'ya gusto. Ayokong magpakasal sa kan'ya." I caressed her back to comfort her. "Alam mo ang tradisyon ng pamilya natin, Clara. Wala kang magagawa. You have to obey our parents." Sa aming angkan at nakaugalian nang bawat panganay na anak ng pamilya ay dapat itong ipakasal sa napiling pamilyang kasosyo sa negosyo. Noon walang pagtutol sa kapatid ko pero matapos lamang nitong makilala ang mapapangasawa n'ya ay umurong na ito. "Alam mo ang kapalit kung hindi ka sa kanila susunod," tugon ko naman. "I don't care. Wala akong pake kung itakwil man nila ako! Gagawa ako ng paraan para hindi mapakasal sa iba! Noon pa man ay naging sunod-sunuran na ako sa kanila. Sana naman ay hayaan na nila akong sumaya," matigas na sambit nito na tila desididong desidido na talaga siya. Kahit wala siyang sinasabi sa akin ay alam kong may pinaplano na si Clara. Kilala ko ang kapatid ko at kapag pursigido ito sa isang bagay, gagawin n'ya ang lahat makuha lamang ito. Nang pumasok kami kinabukasan ay parang wala lang kung umakto ang kapatid ko. Malawak pa nga ang pagkaka-ngiti nito na parang walang problema. Isinawalang bahala ko na lang at itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa klase. Nang sumapit naman ang gabi ay tawag nang tawag sa 'kin si Emilio. Hindi ko naman nasagot dahil sa sobrang abala ko sa Statesman, hindi ko naman namalayang namatay na ang telepono ko. Hindi ko din ito na-charge dahil hindi ko dala ang charger ko. Total memoryado ko naman ang numero nito, nakitawag ako kay Jam at sinabing antayin na lang ako sa apartment at samahan muna si Clara dahil takot itong mag-isa. "Thanks Mil. Bibilisan ko na dito. I love you!" pagpapaalam ko. Binalik ko kay Jam ang telepono at bumalik sa ginagawa. Sa sobrang busy ay hindi ko namalayang inabot na kami ng alas dyes ng gabi. Napa-inat pa ako ng mga braso ko dahil sa pagkangalay ng likod ko. Nag-desisyon si Pres Joachim na uwian na. Inihatid kami nito ni Jam at ako ang nauna. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil anong oras na pero nandito pa rin ang sasakyan ni Emilio sa tapat ng apartment ko. "Thanks Pres. Ingat kayo ni Jam!" Pumasok ako sa apartment. Malawak pa ang pagkaka-ngiti ko pero nabura din kaagad 'yun nang maabutan ang ilang bote ng alak na nagkalat sa mesa. "Clara?" ani ko. Hinanap ko ito sa likod ng bahay ngunit wala sila doon ni Emilio. Ayaw ko man isipin ngunit kinakabahan na ako dahil sa eksenang pumasok sa isipan ko pero pilit ko iyong binalewala. Pumanhik ako sa hagdan at hindi na mabura ang pagsalubong ng kilay ko nang makitang bukas ang kwarto ko. Doon ko naabutang naka-higa si Emilio sa kama ko ngunit wala itong malay. Akmang lalapitan ko ito kung hindi lamang napukaw ang atensyon ko nang paglagaslas ng tubig sa loob banyo. Pumasok ako at doon ko naabutan sa ilalim ng shower ang kapatid ko. Tulala itong nakatitig sa kawalan. "Clara?" ani ko, pagkuha ng atensyon niya. Napakurap-kurap naman ito saka tuluyang humagulhol. "I-I'm sorry, Sis. I'm sorry. I was just too desperate. I'm sorry." "A-anong ibig mong sabihin?" nagtataka namang sambit ko sa kabila ng malakas na pagkalabog ng puso ko. Gusto kong pagtagpi-tagpiin ang mga nakita ko pero ayaw tanggapin ng isipan ko. Nabablangko ako na tila hindi mag-sink in sa isipan ko ang mga natunghayan ko. Tiningala ako nito saka umiling. "M-may nangyari sa 'min ni Emilio. W-wala s'yang alam. Ako lang ang may kagagawan," sambit nito kasabay ng malakas na pag-iyak niya. "A-ano?" Natigilan naman ako at biglang nangatog ang mga tuhod ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD