Naglakad palayo
WHEN I say yes to Emilio, I know, there's no turning back. Hindi na ako pwedeng umatras pa. Kaylanga kong panindigan ang naging desisyon ko At nang sabihin ko rin na handa ko nang kalimutan si Claudio ay seryoso ako doon.
I maybe a have a foolish heart pero napapagod din ako. I'm tired loving him. At ang lahat ng ito ay may hangganan. At ito na ito iyon. Hanggang dito na lang.
Mahal ko si Claudio pero hindi ko na kayang pakawalan pa si Emilio even he's just my rebound. I know in myself that I'm just using him. He's a rebound. Siya ang panakip butas kay Claudio. Maling pumasok sa isang relasyon lalo na't may ibang tinitibok ang puso ko. But why would I settle for less? Bakit ako mananatili sa pagmamahal na kaylanman ay hindi matutugunan? Tanga na nga siguro ako kasi naging ganoon ako.
Pero hindi pa naman huli ang lahat hindi ba? Pwede ko pang baguhin ang lahat.
Hinabol ko ang labi ni Emilio nang tangkain n'yang humiwalay sa 'kin. I just want to savour this moment. Gusto ko pang maramdaman ang halik n'ya kung saan damang-dama ko ang pagmamahal n'ya para sa akin.
Siguro kung lahat ng nagmamahal ay natutugunan, walang masasaktan.
"Hey," puno ng lambing n'yang saad at masuyong hinaplos ang pisngi ko.
"H-hey," sambit ko naman at napakurap-kurap.
Bahagya s'yang tumawa at niyakap ako. Sinubsob n'ya ako sa dibdib n'ya saka hinaplos ang buhok ko. Sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw.
"Thank you, Asena. I promise you, mamahalin kita araw-araw," aniya ng buong puso.
Napaluha ako nang marinig ko ang mga katagang gustong-gusto ko mapakinggan mula sa mga labi ni Claudio pero kaylanman ay hindi nangyari.
What did I do to deserve a man like Emilio?
"Bakit mo ako mahal?" Tiningala ko s'ya. Nagtataka pa rin ako kung bakit ako ang nagustuhan ni Emilio. I'm just a normal student ng HIS U.
He chuckled once again saka hinalikan niya ang tungki ng ilong ko. "I'll be honest to you. Dati, inis na inis ako, kasi ikaw 'yung parating nakakalaban ko sa mga debates pagdating sa klase. Pero kalaunan, nagugustuhan na kita... sa totoo lang, isang taon na akong may gusto sa 'yo. Ngayon lang ako naglakas ng loob na ligawan ka," tila nahihiyang saad nito.
Tanging ngiti ang naging tugon ko sa kanya bago ko muling isinubsob ang mukha ko sa dibdib n'ya. Siguro kung hindi lang s'ya nahuli sa pagdating, siguro, s'ya ang mahal ko ngayon at hindi si Claudio. Sana hindi ako nasaktan ng huli. Sana masaya na ako ngayon.
"Pasok ka na?" aniya mayamaya. Kumalas naman ako sa kanya. He glanced on his wristwatch. "Alas dose na ng madaling araw. May pasok ka pa bukas," aniya, nakatitig sa aking mga mata.
Tumango ako at hinalikan s'ya sa kanyang pisngi. "Good night, Emilio."
"Good night, Mil."
My forehead creased because of what he said. "Mil?" Who's Mil?
He slightly smiled then brushed the back of his head. "It says Mahal ikaw lang," he answered then bit his lower lip before averting his gaze away from me.
Napatango ako. I find Emilio's cute sa tuwing nahihiya siya. "Alright, good night, Mil," panggagaya ko na lang sa naging tawag niya.
Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan ni Emilio ay pumasok na ako sa loob ng apartment. Nagulat man ay niagpasan ko lang si Claudio nang madaanan ko ito.
Kahit hindi ko mabasahan ng emosyon ang mukha n'ya ay pilit ko na lang 'yun inignora. Pilit ko rin isinawalang bahala ang pagkabog ng malakas ng dibdib ko.
Pumanhik ako sa taas at pumasok sa silid ko. Akmang isasara ko na ang pinto nang harangin iyon ni Claudio. Hindi ko inaasahang susundan n'ya ako dito.
"What?" usal ko bago ito tinalikuran at na-upo sa dulo ng kama.
Matagal n'ya akong tinitigan bago bumuntong hininga. Tumungo ito. "Masaya ka ba?" mababa ang boses na an'ya.
"Bakit mo ako tinatanong ng ganyan, Claudio?" Nagsalubong ang magkabila kong kilay. Bakit n'ya ako tinatanong kung alam naman n'ya ang sagot.
"Just answer me, Martin.," he said then stared at my eyes.
Ako ang unang umiwas.
"Sinagot mo na s'ya," saad n'ya muli nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin. "So I guess, masaya ka na nga," dagdag pa niya. Tumango tango pa ito. "Well that's good." Pumihit s'ya patalikod. "Good bye, Martin," aniya at lumabas saka sinarado ang pinto.
Napaluha ako. Bakit pakiramdam ko at nagpapaalam s'ya sa 'kin? Bakit pakiramdan ko at iyon na ang huling kakausapin n'ya ako?
Pero iyon naman ang gusto ko hindi 'ba? Gusto ko nang makalimutan s'ya at matanggal na ng tuluyan sa aking sistema kaya mabuti na ngang ganun.
Masakit man isipin na wala lang talaga sa kan'ya na sinagot ko na si Emilio. Kaylangan ko na lang talaga tanggapin. Na hindi mapapa sa akin si Claudio. Ang hirap niyang mahalin.
Buong magdamag ay gising ako. Halos kulang ako sa tulog at ang gulo gulo ng isipan ko. I don't know what to do. I just shrugged it off kahit hindi na ako makapag isip pa ng tama.
"WALANG masungin na kapitan. That's good!" hiyaw ni Pres. Joachim kinabukasan nang puntahan namin s'ya ni Jammailah sa gym.
Literal palang goodbye ang sinabi ni Claudio dahil totoong aalis ito. Nalaman ko na lang 'yun kanina nung pumasok ako.
Ang rason ay may sakit ang Dad nito kaya
minamadali na ito at ipapahawak na sa kan'ya ang kompanya nila sa siyudad.
Hindi ko alam kung kaylan s'ya babalik pero mas mabuti nang ganun para mas matuon ko pa ang atensyon kay Emilio.
At sa tingin ko ag matatagalan ito dahil s'ya lang naman ang nag-iisang tagapag-mana ng mga Martinez. He's the only son. Kaya salo niya lahat ang responsibilidad.
"Saya ni Pres. Joachim porque walang magpapahirap sa kan'ya ngayon..." Paghalakhak ni Jam.
Sumangayon naman ako saka nanuod ng practice game kahit na ba'y parang kulang dahil wala si Claudio.
Nang matapos ang laro ay nagpaalam na ako kay Jam at makikipagkita pa ako kay Emilio. Katulad ng nakagawian, lumabas kaming dalawa.
Hindi ko pa nga maiwasang matuwa dahil kinantahan pa ako nito gamit ang kan'yang gitara. Emilio's talented, hindi ko masasabing perpekto s'ya pero halos nasa sa kan'ya na ang lahat.
S'ya 'yung tipong pinapangarap ng kababaihan dahil sa pag-uugali n'ya.
Mabilis na lumipas ang araw. Isang linggo na ang nakakalipas at hindi namin inaasahan ang pumutok na balita at dumating na pag-subok sa pamilyang Santiago. Ang may-ari ng Unibersidad nito. Nila Messiah.
Kasabay ng pagkawala ni Pres. Messiah, ay s'ya din ni Ligaya. Nalungkot kami at nabawasan sa barkada. Pero naiintindihan namin sila.
Nang magbakasyon ay hindi na natuloy ang pinagplanuhan at lumipad kami patungong dubai at binisita si Tito Hero, ang tatay ni Pres Messiah. He's still in coma dahil sa plane crush at nakikita namin ang bigat na pinagdadaanan ng pamilya nila.
At ng mga oras na 'yun, doon ko din muling nakita si Claudio dahil na rin at pinsan ito ni Pres Messiah. Pero ni ang sulyapan ako nito ay hindi n'ya magawa.
Dalawang araw lang naman ang itinagal namin sa Dubai at muli kaming bumalik ng Sagrada. Hindi natuloy ang plano pero nagkaroon kami ng sariling lakad ni Emilio.
Habang tumatagal na nakakasama ko s'ya ay mas lalo ko s'yang nakikilala. At sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay hindi ko maitatangging unti-unti n'ya nang napapasok ang puso ko.
Hindi ko na gaanung naiisip si Claudio at kadalasan ay si Emilio na ang naiisip ko. Hinahanap-hanap ko na ang presensya niya at hindi na ako sanay na wala akong natatanggap na tawag o message galing sa kan'ya.
Hindi ko pa masabing mahal ko s'ya, pero alam ko na papunta na.
"Magkita na lang tayo mamayang gabi?"
Tumango ako at niyakap s'ya. Kagagaling pa lang namin sa isang resort at mamaya ay may lakad na naman kami. Hindi ko pa alam kung san ang punta naming dalawa but he told me na siguradong magugustuhan ko daw.
"Ingat sa pag-maneho," ani ko.
"I will, Mil..." Dumukwang s'ya palapit sa akin at hinalikan ako ng matagal sa aking labi.
I immediately kissed him back. At nang lumalalim na ay s'ya na mismo ang pumutol ng halikan naming dalawa. "Baka hindi ko na mapigilan," biro n'ya.
Pabiro ko namang hinampas ang braso n'ya saka lumabas na ng sasakyan niya matapos kong makalas ang seatbelt sa katawan ko. I waved at him when he started the engine of his car.
Pumasok na ako sa loob ng apartment. Hindi pa man ako nakaka-upo sa sofa nang makatanggap ako ng tawag mula kay Jam.
"Magagalit si Pres. Joachim kung 'di ka makakapunta," bungad n'ya sa kabilang linya.
"Jam..." Hinilot ko ang aking sintido.
"Ano? 'Wag mo sabihing may lakad na naman kayo ni Emilio. Ipagpaliban n'yo muna 'yun at pumunta kayo sa party ni Joachim."
Today's Pres. Joachim birthday. Kahapon pa ako tinawagan ni Jam pero sinabi kong wala ako sa Sagrada. Hindi ko naman inaasahan na tatawagan n'ya ako ulit.
"Alam ko namang ini-enjoy mo ang buhay may jowa. Pero 'wag naman kill joy, teh. Pumunta ka! Geh bye!" anito at binabaan pa ako nito ng telepono.
Wala naman akong sinabing hindi pumunta. 'Yun nga lang ang plano ko ay sasama muna ako kay Emilio, then after that ay saka ako pupunta sa party ni Pres. Joachim.
But Jammailah has a point. Mula nang maging kami ni Emilio ay bihira na akong magkaroon ng oras sa barkada.
Pero may magandang naibunga naman 'yun sa 'kin. Mas lalo akong napalapit kay Emilio.
I heaved a sigh and dialed Emilio's number.
"Are you still driving?" bungad ko nang sagutin nito ang tawag. Nang sabihin nitong ipapark na lamang ang sasakyan ay saka ako nag-salita. "C-can I ask you ahmm... a favor?" medyo nag-aalangang ani ko.
Alam kong papayag s'ya. Pero ayoko namang madisappoint s'ya. Sobrang bait ni Emilio to the point na palaging oo ang sagot n'ya kapag may sinabi ako.
"What is it Mil?"
Bahagya akong napangiti. Nasasanay na s'yang tawagin ako sa ganun. Nung una, nahihiya. Kalaunan ay hindi na.
"C-can we cancel our date tonight? Kaarawan ngayon ni Pres. Joachim at kaylang--"
"Sure, Asena. It's okay," putol n'ya sa akin.
Bumuntong hininga naman ako. "Are you really sure? Baka galit ka?"
He chuckled on the other line. "Bakit naman ako magagalit? Wala ka namang ginawang mali."
Ito 'yung nagustuhan ko sa kan'ya. Napakaunawain na tao. Hindi ko alam kung bakit nasobrahan sa bait si Emilio. Pero masasabi kong napaka-swerte ko dahil nagustuhan n'ya ako.
Kinagabihan ay sinundo ako nito at sabay kaming nag-tungo sa bahay nina Joachim. Matapos batiin ang magulang at kapatid n'ya ay dumuretso kami sa likod.
Nakakatuwang makita na nagkaroon kami ulit ng oras sa isa't isa pero may parteng nalulungkot dahil kulang na kami. Wala si Pres. Messiah at Ligaya.
"Let's go. Puntahan na natin sila," baling ko sa kasama ko.
Ako na mismo ang humawak sa kanang kamay ni Emilio at hinila ito papalapit sa barkada.
Hindi ganun kadami ang bisita ni Joachim. Bukod sa tropa at sa miyembro ng Statesman club ay may iilan ding galing sa kaklase n'ya.
"Finally! Nandito na ang may jowa!" Sinalubong kami ni Jam saka agad akong niyakap.
Kahit madalas nagkikita, pormal ko s'yang pinakilala kay Emilio. Maging sa barkada ay ganun din.
"Happy birthday, Pres. Joachim," bati ko at hinalikan ito sa pisngi nito.
Napahalakhak naman ito at tumango-tango. Namumula na ito dahil sa alak, maging si Fabian ay ganun din.
Naupo kami ni Emilio sa tapat ni Jam.
"Hindi mo man lang ba babatiin ang kapitan natin, Nona?"
Natigilan ako pero bahagya din ngumiti sa sinabi ni Jam. Kanina ko pang napansin si Claudio pero binalewala ko lang.
"Hi Cap!" katulad ng sinabi ni Jam, binati ko nga ito. I even introduced Emilio to him pero ni tango, wala akong nakuhang tugon mula sa kan'ya.
Lumalim pa ang gabi. Napapadami na ang pag inom ng mga kasama ko. Maging ako ay ganun din naman pero kaya ko pang kontrolin ang sarili ko.
Ang iba din ay lumusong na sa pool pampawala ng tama. Inaaya na nga din ako ni Jam dahil sina Fabian ay nandun na pero hindi ako pumayag.
"Sunod ka na lang kung gusto mo. But I think, hindi ka makakasunod kasi bagsak na iyang katabi mo."
Alas dyes na ng gabi. Lahat sila ay nasa pool na. Kami na lamang dalawa ni Emilio ang nandidito sa mesa.
"Gusto mo na bang umuwi?" ani ko at hinaplos ko ang buhok n'ya saka sinandal sa balikat ko.
"I'm sorry kung naging pasaway ako sa 'yo tonight," ani naman ni Emilio.
Hindi ko naman s'ya masisisi. Hinamon ba naman ni Pres. Joachim ng inuman, samantalang mahina ang tolerance ni Emilio sa alak.
"Hindi ka naman pasaway. Ayos lang, Emilio. Gusto mo bang magkape? Ipagtitimpla kita."
Tumango ito. "Balik ka agad."
Iniwan ko si Emilio sa mesa at dumiretso sa loob ng bahay. Tinungo ko ang kusina at nagtimpla ng kape. Hindi naman ito ang unang beses na pumunta ako dito sa bahay ng mga Buenavidez kaya alam ko na ang pasikot-sikot dito.
Halos patapos na akong mag-brewed nang mapansing hindi na lang ako ang nandidito sa kusina. Akala ko katulong lang pero nang lingunin ay doon na ako nagulat dahil nasa harapan ko ngayon si Claudio.
Imbis na umiwas o anu pa man ay nginitian ko lang ito saka akmang lalagpasan nang hawakan naman n'ya ako sa kaliwang kamay ko.
Halos mabitawan ko ang tasa ng kape kung hindi n'ya lang iyon inagawa sa 'kin at inilapag sa lababo.
"A-anu ba. Kaylangan ko nang bumalik sa labas," pag protesta ko.
Ngunit hindi pa rin s'ya naimik. At laking gulat ko na lamang nang patayin n'ya ang switch ng ilaw dito dahilan upang halos wala na akong makita.
"C-Claudio, anu ba!" singhal ko nang isandal n'ya ako sa dingding.
Sinubukan ko s'yang itulak ngunit napakahigpit ng hawak n'ya sa beywang ko.
"Mahal mo na?" tanong n'ya, tila nanunumbat.
Hindi ako umimik. Mabilis na ang paghinga ko dahil sa tensyong nagsisimulang mamuo.
"Pinagpalit mo na talaga ako?"
Nangunot ang noo ko saka sinubukan s'yang tulakin. Ano ba ang pinagsasabi nito? "Nagpapatawa ka ba?"
Anong kahibangan ang pumasok sa isip n'ya at tinatanong niya ako ng ganoon? Hanggang ngayon na kahit sinabi n'yang wala s'yang nararamdaman para sa 'kin ay nalilito pa rin ako sa mga ikinikilos n'ya.
Halos isang buwan ko s'yang hindi nakita at naka-usap tapos ganito ang iaakto n'ya sa harapan ko?
"I am asking you, Martin. S'ya na ba talaga?"
Tinanggal ko ang kamay n'yang ngayon ay naka-yakap na sa 'kin. "Anu naman sa 'yo Claudio kung mahal ko na si Emilio?" pilit kong pinatatag ang boses ko kahit na sa totoo ay gusto ko nang umiyak sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Nasasaktan ako dahil pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Emilio. Hindi n'ya deserve ang ganito.
"Ako lang ang mahal mo, Nona," aniya sa tila pagod na boses.
Umiling ako. "S-sorry kung itinatak ko sa isip mo na ikaw lang. Sorry kung hanggang ngayon ay inaakala mong hindi ko kayang ibaling ang nararamdaman ko sa iba. Pero kasi, hi-"
Natigilan ako nang ibaon n'ya ang mukha niya sa leeg ko.
"Please continue. Gusto kong marinig na hindi na nga talaga ako."
"C-Claudio?" nagtatakang tanong ko nang tila may maramdaman akong mainit na likido sa leeg ko.
"Sige lang. Sabihin mo na ang lahat at ipamukha mo sa 'kin kung gaano ako kaduwag..." Humigpit ang yakap n'ya na halos hindi na ako makahinga.
Kapwa kami nawalan ng imik hanggang sa muli n'yang binasag ang katahimikan.
"Please tell me, that, it's him that you love now."
Kung kanina'y halos magmakaawa ang boses n'ya, ngayon naman ay tila nawalan na iyon ng emosyon.
Hindi ko na kaylangang tulakin s'ya dahil kusa na s'yang humiwalay sa 'kin. Naramdaman ko ang pagtalikod n'ya saka binuksan ang switch ng ilaw.
Lumiwanag ulit sa buong kapiligiran ngunit taliwas sa katanungan sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit s'ya umaakto ng ganito gayung s'ya na mismo ang nagparamdam na hindi n'ya matutugunan ang pagmamahal ko.
"For the last time Martin, tatanungin kita," an'ya, nanatiling nakatalikod. "N-napalitan n'ya na ba talaga ako sa puso mo?"
Napapikit ako, tinimbang kung sino na ba talaga ang mas lamang sa puso ko. At nang mapagtanto, kahit hindi n'ya nakikitan ay unti-unti akong tumango. "Mahal ko na si Emilio." ani ko, walang pag-aalinlangan.
Imbis na may makuhang sagot kay Claudio ay pagak lamang itong natawa saka tuluyang naglakad papalayo sa 'kin.
***
Kung nabasa niyo na po iyong The Devil's Obsession, sina Messiah at Ligaya ang anak ng mga bida doon. At ipo-post ko din po ang story dito sa dreame soon!