Dinama ang halik
ISANG LINGGO akong hindi pumasok sa eskwela dahil sa nangyari. I was so stressed and depressed thinking about it. Thinking how he reject me. He just gave me falsehope. Hindi ko alam kung paano ako makakalimot sa rejection ni Claudio.
Ayoko nang maalala ang itsura n'ya noon habang pinapamukha niya sa 'kin na hindi n'ya ako gusto. Dagdagan pa nang mga matang mapanghusga sa HIS U dahil sa ginawa ko kay Emilio. I don't know what to do anymore. Sobra akong naapektuhan ng mga nangyari. Kung may pagkakataon na pwede akong lumaho kahit ilang sandali lang ay gugustuhin ko.
They are not doing anything to me pero ang marinig pa lamang ang mga masasakit na salita na galing sa mga kapwa ko estudyante kapag dumadaan ako ay lubusan na akong naapektuhan.
Nag-halo-halo na ang nararamdaman ko. I rejected Emilio, not thinking that it would be painful on his part. And karma hits me dahil ganun din ang naramdaman ko. Bumalik kaagad sa akin. Nasaktan ako nung mga oras na inayawan ko s'ya at inayawan din ako ng taong mahal ko. Umasa ako sa taong hindi naman pala ako sasaluhin. Alam ko naman na iyon pero nagbulagbulagan lang ako.
And I know it was a wrong move for me. I'm so stupid at hindi ko naisip ang ginawa ko.
"Hey sissy! Look at my nails! Oh my gosh! Ang ganda-ganda!"
Sumakit ang ulo ko dahil sa matinis na boses ng ate ko. Dalawang araw pa lamang akong nandidito sa bahay namin sa Siyudad pero hindi na ako nito tinigilan. Because of her childish act, mas napagkakamalan pa akong mas matanda sa kan'ya.
Naging biglaan ang pag-uwi ko dahil na rin sa hiling ni mommy. My sister, Clara, is just only twenty-one. Matanda sa 'kin ng isang taon pero nakatakda na itong ipakasal, isa sa anak ng kasosyo ng negosyo ng pamilya namin.
Ngayong gabi, imi-meet namin ang pamilya ng mapapangasawa n'ya kaya nga todo sa pagpapaganda itong kapatid ko.
Hindi na bago sa 'min ang mga ganitong fixed marriaged dahil maging ang kapatid ni Mutya na si Kuya Jeth, ay ganito din ang nangyari.
Hindi kami mga Chinese, pero natural na ito sa aming pamilya. Kaya tanggap na din n'ya na ganito ang mangyayari sa kan'ya.
Samantalang ako, hindi ko pa alam kung ano ang plano sa 'kin ng mga magulang ko. Pero dahil sa natuto akong tumayo sa sariling paa, mukhang hindi ko mararanasan ang fixed marriage na tradition ng pamilya.
"Hey! Are you listening, Ofelia?"
Ngumiwi ako sa naging tawag n'ya. "Clara, pwede ba? Wala ako sa mood. Masakit ang ulo ko." irap ko dito saka pumasok sa kwarto ko.
Kinagabihan, hindi ako napilit ng mga magulang ko nang sabihin kong nagbago ang isip ko na sumama sa kanila sa dinner.
I told them na masakit ang ulo ko kaya si Mom, todo ang asikaso at binilin pa ang katulong na painumin ako ng gamot.
Bandang alas-dyes nang dumating sila. Tutok na tutok ako sa laptop nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa ang kapatid ko.
"Gwapo s'ya at hot." ngumuso ito.
"Sino?" I arched my brow.
"Mapapangasawa ko. My god! Hot s'ya, oo! Pero ayoko sa kan'ya! He's not my type! Pwede bang umurong na lang? Ikaw na lang kaya ang magpakasal sa kan'ya?"
Nahiga s'ya sa kama ko saka nagpaikot-ikot hanggang sa nahulog dahil sa sariling katangahan. "Ouch." ngiwi n'ya.
"Tigilan mo ako sa sinasabi mo. Ayokong magpakasal sa hindi ko kilala."
Tiniklop ko ang laptop saka iyon tinago. Nakibalita lamang ako sa website ng HIS U, kung anu na ang kaganapan doon.
Sa nakikita ko, pwede na akong bumalik dahil patay na ang issue sa 'kin at kay Emilio. Well, may konti pa, pero hindi na ako naaapektuhan masyado.
"Wait," pinasadahan ako ng tingin ni Clara. "You look the same. Walang nag-bago. You're still the Ofelia na apat ang mata. Pero feeling ko may nagbago sa 'yo. Marunong ka nang magsuklay!" halakhak nito.
I facepalm. S'ya lang naman ang natawa sa sinabi n'ya.
"But seriously, parang may kakaiba sa 'yo. Do you have a boyfriend? May nabiktima ka sa school n'yo?" she eyed me again.
Binato ko ng unan ang mukha n'ya. "Get out. Matutulog na ako." Tinalikuran ko s'ya saka nagtalukbong ng kumot.
Hangga't maaari, ayokong pag-usapan ang mga ganung bagay.
Sabado, nang makatanggap ako ng tawag mula kay Jam. Tinatanong kung naka-balik na ba ako. Hindi ko muna sinagot 'yun at nagpahinga.
Alam kong may lakad ang barkada pero wala akong planong sumama dahil panigurado, nandun lang si Claudio. Kahit kami lang na dalawa ang naka-alam ng nangyari nung isang linggo, nakakahiya at masakit pa rin 'yun sa parte ko.
Nang pumatak naman ang lunes, sinadya kong pumasok ng maaga. Pero hindi ko naman inaasahang ang taong iniiwasan ko ang una kong makikita.
Nagkasalubong kami sa hallway pero imbis na umiwas, taas noo akong naglakad saka nilagpasan s'ya.
Malakas ang kabog ng dibdib ko pero mas nangingibabaw ang puot dito. Puot hindi para kay Claudio, kundi dahil sa sarili ko.
Hindi iniintindi ang malakas na kabog ng dibdib na dumiretso ako sa klase ni Jammailah. Nadala ko kasi ng 'di sinasadya ang isa sa mga notebook n'ya nung nakaraan pang linggo kaya no choice, kaylan ko iyong ihatid sa kan'ya.
Pagkalabas mula sa Architecture building, dumiretso na ako sa unang klase. Hindi ko naman inaasahang si Emilio din ang bubungad sa 'kin dito.
"H-hi!" ngiti nito na tila walang nangyari.
Pilit naman akong ngumiti dito. "E-emilio..."
"C-can I talk to you later after this class? Vacant mo naman matapos nito 'di'ba?"
Ganun nga ang ginawa naming dalawa. Nag-usap kami matapos ang klase ko. Nasa malawak na soccer field kaming dalawa. Magkatabi habang tinitingnan ang mga estudyante.
S'ya ang bumasag sa katahimikan. Humingi ito ng tawad na s'yang ikinagulat ko. An'ya pa, nagulat lang daw ako kaya nagawa ko s'yang talikuran ng ganun na lang kaya hindi s'ya galit sa 'kin.
Hindi ko alam na mayroong ganitong klaseng tao. Ako nga, na kami lamang ni Claudio ang nakaka-alam, nasaktan at napahiya na ako. Anu pa kaya 'yung madami ang nakakakita.
Humanga ako sa kan'ya. Humanga ako sa pinakita ni Emilio. Hindi ko inaasahan na may ganito talagang taong nag-e-exist.
"C-can I ask another chance, Asena?"
Matagal akong napatitig sa kan'ya.
"P-pwede ko bang ipagpatuloy ang panliligaw ko sa 'yo?"
Puno ng sensiridad ang boses n'ya. Noon pa man, matagal ko nang napapansin sa mga bawat kilos n'ya na seryoso s'ya.
"Please?" ginagap n'ya ang kamay ko at dinala iyon sa pisngi n'ya.
Napapikit ako at wala sa sariling tumango. Ano bang ginawa ko at nakatagpo ako ng taong tulad n'ya. Sana sa pagkakataong ito, hindi ko na masaktan si Emilio.
"Thankyou." bulong n'ya at niyakap ako ng mahigpit. Nagawa n'ya pang halikan ang tungki ng ilong ko kaya napaluha ako.
ARAW ng lunes, ibig sabihin, sabay-sabay kaming kakain sa Statesman. Maingay ang opisina nang abutan ko.
Nanlaki pa ang mata ni Pres. Joachim nang makita ako.
"Gumanda ka ah!" puna n'ya na s'yang ikinatawa ko.
"Inspire, Pres." biro ko naman saka naupo sa tabi ni Fabian.
Binati naman ako nito saka tinanguhan.
Habang kumakain, as usual, maingay ang hapag sa parating pangunguna ni Jam at Pres. Nakikisali naman ako sa kanila at sinasabayan ang biro kahit na madalas green ang pinag-uusapan.
"Anong laos na ako? Hindi n'yo ba alam na kahit tomboy, napapahiyaw ko sa sarap?" pagyayabang ni Joachim.
Napatawa kami ni Jam. Si Fabian naman ay nailing na lang. At sa grupo, hindi talaga mawawalan ng taga-suway.
"Nasa harap tayo ng pagkain, Buenavidez. Ang mga pinagsasabi mo, itigil mo." suway ng aming Pres. Messiah.
Nangibit balikat lang ang huli saka 'di na naimik.
Maya-maya pa nang tapos na ang lahat kumain, isa-isa na naming niligpit nina Ligaya ang mga pinagkainan. Nag-prisinta na din akong, ako na ang maghuhugas dahil wala akong professor mamayang ala-una.
Habang naghuhugas, pumasok si Claudio sa kusina at nag-hugas ng kamay. Napa-usog naman ako dahil nagdaiti ang aming balat.
"Sorry." ani ko nang malagyan ng sabon ang kan'yang kamay.
Hindi naman s'ya naimik saka lumabas ng kusina, tila walang narinig.
Kinahapunan, nang matapos ang klase, dumiretso na akong uwi dahil sa dami ng gawain.
Abala ako sa ginagawa nang dumating si Emilio at nag-hatid ng cookies. An'ya, kainin ko daw habang nag-aaral ngayong gabi.
Napangiti na lamang ako habang tanaw-tanaw ang papalayong sasakyan nito.
Sa mga sumunod na araw, mas lalo pang pinag-igihan ni Emilio ang panliligaw. Alam kong nakarating na kila Jam na nililigawan ako nito ulit.
Inasar pa nga ako ni Pres. Joachim at sinabing pakipot lang daw ako at gusto ko naman talaga si Emilio.
Hindi ako nagkomento sa sinabi n'yang 'yun lalo na't nasa harapan ko lang si Claudio.
Nitong mga nagdaang araw, mas lalo kong pinaigi na 'wag na s'yang pansinin at lapitan man lang. Ni ang tumingin sa mga mata n'ya'y hindi ko na ginagawa.
Ayoko s'yang titigan dahil baka sa isang iglap lang, muli akong madala at magpakatanga sa kan'ya.
Ayokong sumubok ulit dahil pag ako nalunod, alam kong hindi n'ya naman ako sasagipin. Alam kong hahayaan n'ya lang akong malunod hanggang sa hindi na ako makahinga.
My love for Claudio is like a car without gasoline. Alam kong hindi ako uusad pero gagawa pa rin ako ng paraan para mapunta sa kan'ya. Patuloy kong itutulak ang sarili pero sa huli, mapapagod lang pala.
And it was toxic. Hindi maganda ang resulta.
Mas naging mabilis pa ang oras at hindi ko namamalayang malapit na ang bakasyon. Nagpaplano na ang barkada kung ano ang plano naming walo.
Nangunguna sa pagpa-plano ang gimikerong si Pres. Joachim. May mga sinusuggest s'ya na lahat naman ay maganda. Pero para sa 'kin, sila ang masusunod. Sasama lang ako.
"How about, we stayed at Claudio's house for a night? Total may pool naman, doon muna tayo. Tapos saka tayo umalis kinabukasan? Atleast, hindi nasayang ang isang gabi natin when the vacation started." Fabian suggested.
Napatango-tango naman sila.
"How about you Nona? What do you think?" baling nito sa 'kin.
"Ha? Uhm. K-kayo ang bahala." ani ko saka iniwas ang tingin. Nahagip pa ng mata ko ang pag-ngisi ni Claudio. Alam kong iniisip n'ya ang nangayari sa 'min du'n kaya ganun na lang kung umasta.
"Parang ayaw mo naman. May plano na ba kayo ni Emilio sa bakasyon? Pwede mo naman s'yang isama sa 'tin."
Nanlaki ang mata ko kay Jam saka iwinasiwas ang kamay.
Tumikhim si Claudio saka binaling sa huli ang tingin. "I don't allow stranger to my house."
"Ay sayang naman!" disappointed na sabi ni Jam.
"O-okay lang. Wala pa naman kaming plano ni Emilio."
I excused myself dahil tumunog ang phone ko. Tumawag ang kapatid ko at nangamusta.
Nang bumalik ako, tapos na ang pag-uusap. Sinabi naman sa 'kin ni Jam ang plano kaya nagpaalam na akong aalis matapos nun. Emilio texted me kaya nagmamadali na ako. Magkikita kami ngayong dalawa at kakain sa labas.
Pagdating sa apartment, agad akong nagpalit ng damit. Habang abala sa pag-aayos ng sarili, hindi ko inaasahang susulpot na lamang bigla si Claudio.
"What are you doing here?" blangkong saad ko saka nag-suot ng sapatos.
Hindi naman s'ya naimik at pinagmasdam lang ako. Hinayaan ko na lang din saka nilagpasan ito.
"Pakisara na lang ng pinto kung aalis ka na." malamig kong sambit.
Hindi ko alam kung anu na naman ba ang kaylangan n'ya't nandito na naman s'ya. Nagagalit ako dahil ganun na lamang ang inaakto n'ya.
Akala n'ya siguro, sapat na ang halos dalawang linggo upang makalimutan ko ang mga sinabi n'ya.
Ang kaisipang nasa apartment ko lang si Claudio, ay pansamantala kong nakalimutan dahil kay Emilio. Tawa lang ako ng tawa habang magkasama kami.
Dahil masyadong nalibang, hindi ko namalayang alas onse na pala ng gabi. Bukod kasi sa kumain sa labas, gumala pa kaming dalawa.
"Thanks for your time, Asena." an'ya nang ihinto ang sasakyan.
"No. Thank you, Emilio. Ako dapat ang magpasalamat sa 'yo."
Ngumiti ako at pinisil ang kaliwang kamay n'ya. Napatingin s'ya doon at dinala naman sa labi n'ya ang kamay ko.
Nang makalabas ng sasakyan, napahinto pa kaming dalawa sa tapat ng gate. Nakaharap ako sa apartment at nakatalikod naman doon si Emilio.
At mula dito sa kinatatayuan ko, nagulat ako nang makitang naroon pa rin si Claudio. Kahit madilim ang buong kabahayan, nakikita kong nakasandal ito sa may pintuan. At may posibilidad din na naririnig nito ang pag-uusap namin ni Emilio.
"Asena..." hinigpitan n'ya ang hawak sa kamay ko. "Hindi naman masamang sumubok ulit di'ba?" sumeryoso ang boses n'ya.
Dahan-dahan naman akong tumango. Mukhang alam ko na kung saan patungo ang usapang ito.
"S-sa pangalawang pagkakataon, g-gusto kong itanong ka ulit. G-gusto kong malaman kung p-pwede na ba... maging tayo."
Malakas ang kabog ng dibdib ko hindi dahil sa mga sinasabi n'ya, bagkus dahil sa taong nasa likuran lang n'ya at nakikinig sa aming dalawa.
"Sa tingin ko naman, naipakita ko sa 'yo kung gaano kita kagusto at... mas lalo pa kitang mamahalin kapag sinagot mo na ako. Kaya Asena, pwede bang mag--,"
Hindi ko na pinatapos ang sinabi n'ya at mas lumapit pa ako sa kan'ya. Tumingkayad ako at pinisil ang pisngi n'ya.
Tinitigan ko s'ya sa mata at hindi ko alam ngunit kusang lumipat ang paningin ko kay Claudio.
Kahit hindi ko makita ang mukha nito, napangiti ako ng mapait saka muling ibinaling ang tingin kay Emilio.
Handa na akong kalimutan s'ya. At handa akong ipakita na mula ngayong gabi, hindi na sa kan'ya iikot ang mundo ko.
"Oo." sambit ko sa taong nasa harapan ko saka ginawaran ng halik sa mga labi. Napapikit ako at dinama ang halik n'ya.
While we are kissing, a smile form on my lips. I just realized one thing, and that is, I am now ready to forget Claudio and give my heart fully to Emilio.