Kabanata 2

2467 Words
"AT LEAST, let me treat you dinner bago ka umuwi sa inyo," For the third time, tinanggihan ko si Emilio. Sabado ngayon at mag-hapon na kaming magkasama dahil inasikaso namin ang presentation isa sa mga subjects namin. Alas-otso na ng gabi at katatapos pa lamang namin i-finalize ang report. He's too intelligent at kapag may sinu-suggest ako, he gets easily my point. May mga oras din na nagdidiskusyunan kaming dalawa. Magkaiba ang pananaw namin sa isang bagay pero nagkakaintindihan naman. And instead of being offended dahil feeling ko ay wala s'yang tiwala sa ginagawa ko, hindi na lang ako nakipag-talo pa. I tried to understand his point. And one more thing, we are the same. Pareho kaming grade conscious na dalawa. Mahirap kapag nakipag-diskusyunan ka ng matagal sa pareho mong conscious sa grado. Talagang sasabog kayo pareho dahil sa information na nakukuha ng bawat isa. At nasanay na din siguro kami pareho na madalas ang napupuntang grupo sa 'min ay 'yung palaging 'okay na 'yan, 'bahala na'. Kaya ganun ang kinalabasan ng partnership naming dalawa. "'Maybe next time na lang. Pagod na din kasi ako," I badly want to rest already. Gusto ko nang matulog dahil kagabi pa akong walang maayos na tulog dahil na din sa kagagawan ni Claudio. Kapag weekend talaga kasi ay madalas matulog s'ya sa 'kin o kaya naman, ako ang natutulog sa bahay n'ya. Katulad ko, si Claudio ay mag-isang namumuhay din dito sa Sagrada. 'Yun nga lang, I don't know his reason kung bakit s'ya narito. "Exactly, habang nagpapahinga ka, ipagluluto muna kita ng dinner then ihahatid na din kita sa inyo.” I eyed him. Kanina ko pa napapansin ang pagpapalipad hangin n'ya sa 'kin. Kung maganda lang ako, iisipin kong may gusto sa 'kin ang isang 'to. Buy sad to say, walang nagkakagusto sa 'kin. Kahit nung hayskul hanggang ngayong college, walang nagtangkang manligaw sa 'kin. I'm already twenty two but still NBSB or no boyfriend since birth. Ibang sitwasyon naman kasi ang sa 'min ni Claudio.  Katulad din kami sa mga nababasa kong libro na walang relasyon pero naggagamitan ng katawan. Pero hindi katulad ng mga babaeng protagonist doon, I won't expect na magiging kami ni Claudio. Malayong mangyari ang bagay na 'yon sa totoong buhay. Walang prince charming na mahuhulog sa isang tulad ko dahil ako lang naman 'to—si Nona, isang nerd at apat ang mga mata pero hindi pa rin makita ang sariling halaga. And one more thing, Claudio's not a prince charming. Pwede s'yang gawing fictional character sa isang libro na pwedeng-pwede mong pangarapin at kaya mong abutin. Pero hanggang doon na lang 'yon. Dahil sa totoong buhay, isa lang akong taga-hanga n'ya. Hindi ako nababagay sa kan'ya. We are exactly opposite. I'm talkative, he is silent. And what people see on him is just a tip of an iceberg. Claudio is a mysterious type of man. Kumpara kay Pres. Joachim, he rather choose to be silent than to speak. "Please Asena.” Hindi ko s'ya nilubayan ng titig. Hindi ako mapakali sa inaakto ni Emilio. Kung tutuusin, hindi naman namin masyadong kilala ang isa't isa. Kaya I am wondering kung bakit umaakto s'ya ng ganito. "Are you just being hospitable o may iba ka pang nais iparating, Emilio?" I am a nerd but not your typical girl. Prangka akong tao. Kapag may napansin ako, makaka-asa ka, pupunain ko ito. Lumawak ang pag-ngiti n'ya, pero umiling lang din. "Ang hirap mong mapa-oo. Fine, ihahatid na kita sa inyo.” Kinuha ko ang bag at sinukbit iyon sa balikat ko. Nauna na akong lumabas at nag-hintay sa labas ng gate. Huminto sa tapat ko ang sasakyan n'ya.  Dali-dali s'yang lumabas doon at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat. "Ako na, salamat…” I removed his hand on my waist nang alalayan n'ya akong pumasok sa loob. Walang imik naman s'yang pumasok sa driver seat saka pinasibad iyon. I told him my address before I closed my eyes. Iidlip na muna ako sandali. Hindi lang isip ko ang pagod, maging ang katawan ko na din. Thirty minutes later, when I felt the car stop. Pero hinayaan ko pa ring nakapikit ang mga mata ko. Hinihila na talaga ako ng antok masyado. Pansin ko mag-mula nang magkaroon ako ng koneksyon kay Claudio, wala na akong naging maayos na tulog at pahinga. "Asena..." mainit na hangin ang tila tumata sa pisngi ko, kasabay nun ang pag-tawag sa 'kin ni Emilio. Nag-mulat ako at tinulak ang balikat n'ya dahil halos mag-dikit na ang aming mga labi. "Move. You're too close…” Hindi na naman s'ya nag-salita, pero katulad ko, lumabas din s'ya ng sasakyan. "May kaylangan ka pa?" Bahagya kong nilingon ang apartment ko.  Bukas ang ilaw, ibig sabihin lang ay may tao sa loob. "Nothing. I'll call you tomorrow.” Kumunot ang noo ko. "What for? Tomorrow's Sunday. Ayokong magpa-abala.” "About our presentation. I'll still review it baka may makita pa akong mali,” tugon niya. "Bahala ka," ani ko at tumalikod na ako sa kanya. "Salamat sa paghatid. Ingat na lang sa pag-uwi.” "Good night Asena.” Hindi na ako tumugon pa at dumiretso ng pasok sa loob nang mabuksan ko ang gate. Pinihit ko ang knob ng pinto at hindi iyon naka-lock. Dumiretso na lang ako sa loob at agad na na-upo sa sofa, hindi iniintindi ang malalim na titig ni Claudio. Bukod sa 'kin, s'ya lamang ang may susi pa nitong apartment ko.  Binigyan ko na lang dahil kahit madaling araw, bigla na lang s'yang susulpot dito. Tahimik na na-upo si Claudio sa tabi ko habang hawak ang kopita ng alak. Hindi rin ako naimik at pinikit ang mga mata. Hindi n'ya naman ako kinaka-usap kaya hinayaan ko na lang din sa kabila ng pagkabog ng malakas ng dibdib ko. Ilang sandali pa, naramdaman ko ang paghawak niya sa kaliwang kamay ko at pinatong iyon sa kanang hita n'ya.  Katulad kanina, hindi pa rin s'ya nagsasalita. Wala naman s'yang ibang ginawa sa kamay ko bukod sa ipinatong n'ya sa hita n'ya, pero maya-maya lang, naramdaman ko na ang mainit na pag-hinga n'ya sa leeg ko. Humangos ako ng malaki dahil doon. "Claudio…” Tumambad sa 'kin ang malalim n'yang titig. "Who's that guy?" katulad noon kung pano n'ya ako kausapin, mababa din ang kan'yang boses ngayon. My forehead creased. Is he pertaining to Emilio? "Nona…” Bumuga ako ng hangin nang maramdaman ko ang pagkagat n'ya sa balikat ko. After biting, he sucked and licked it. "H-he's Emilio," tugon ko naman. Hindi na umimik si Claudio kaya hindi na rin ako nag-salita. Pero ilang sandali pa, lumalakbay na ang kaliwang kamay n'ya sa katawan ko. Pumasok na ito sa blusang suot ko at doon nag-tagal sa dibdib ko. "Claudio…” Tumayo ako at bumangon. “Aakyat na ako sa taas. Matutulog na ako.” Hindi na kaya ng katawan ko. Pagod na ako masyado ngayong araw na 'to.  Tumalikod ako sa kanya at pumanhik sa taas. Hindi na rin naman s'ya nagpumilit na may mangyari sa 'min na labis kong ipinagpapasalamat. *** ARAW ngayon ng lunes at ramdam kong nabawi ko ang lakas ko noong linggo dahil walang umistorbo sa 'kin. Kahit tumawag si Emilio, hindi ko iyon sinagot. Si Claudio naman ay hindi ko na din naabutan nang maggising ako kinabukasan.  At hanggang ngayon wala pa itong paramdam sa 'kin. "Gumaganda ata tayo ngayon ah, Nona. May nagdidilig na ba?" Hindi ko pinatulan ang pang-aasar ni Pres. Joachim. Sanay na ako sa mga ganung banat n'ya. Si Ligaya, isa pa sa kaibigan namin—lang naman ang hindi makasabay sa amin kapag ganito ang biruan. "Kahit walang mag-dilig d'yan kay Nona, she's still beautiful…” Na-upo sa tabi ko si Jam saka inagaw ang kinakain kong junk food. “Right, Noemie Ofelia Noelle Asena Martin?" Ngumiwi ako nang banggitin n'ya ang aking buong pangalan. "Hey Nona, may naghahanap sa 'yo," Kervin said, our photo journalist. Kasunod nito sa likod n'ya ang sinasabing bisita. "Hi Asena.” Hindi ko pinansin ang pagbati n'ya at imbis ay kinunutan ko ito ng noo. "What are you doing here, Emilio?" Tumayo ako at nilapitan s'ya pero bago 'yun, naramdaman ko ang pag-kurot sa 'kin ni Jam sa tagiliran ko. Inakay ko s'ya palabas ng statesman office. "May mali pa ba sa presentation natin?" He shrugged his shoulder. "Wala naman. Maayos ang nagawa nating report.” "Bakit mo ako pinuntahan dito kung ganun?" Mas hinila ko pa s'ya sa gilid ng hallway dahil sa dami ng estudyanteng nadaan. Ayoko namang maka-agaw kami ng pansin. "I just want to treat you for lunch since hindi natuloy iyong dinner sana natin noong sabado.” Mas kumunot ang noo ko. Konti na lang, kahit hindi ako maganda, iisipin kong ang katulad ni Emilio Espinoza ay may gusto sa 'kin. Hindi naman masama maging assuming paminsan-minsan. Saka sa isip ko lang naman. "It's okay Emilio. Wala na 'yun," tugon ko naman. "It's not okay for me, Asena. Please, kahit ngayon lang. Pambawi ko lang sa 'yo at ginabi ka sa 'min nung sabado. Nakakahiya sa 'yo.” Napakamot pa ito sa likod ng batok n'ya at bahagyang tumungo. "Emilio..." Wala naman talagang masama sa gusto n'ya. Walang halong malisya, sarili ko lang ang problema. I just dont want to entertain him. "Please?" ngumiti ito. I averted my gaze from him dahil konti na lang madadala na ako ng ngiti n'ya. Pero sa pag-iwas kong 'yon, natanaw ko naman ang papalapit na si Fabian at sa likod nito ay si Claudio. Naka-suksok pa sa magkabilang slacks na suot nito ang dalawang kamay habang naka-yukong naglalakad patungo sa pwesto natin. Kahit wala nang igigilid pa, mas hinila ko pa si Emilio upang hindi kami mapansin ng mga ito. Pero huli na pala dahil tuluyan na akong nakita ni Fabian at nginitian ako. Tinawag pa ako at binate. "Ano pang ginagawa mo dito sa labas, Nona? Magtatanghalian na," anito at huminto pa sa tapat namin ni Emilio. Todo ang pag-tambol ng dibdib ko sa kaba lalo na't huminto din si Claudio pero hindi man lang ako nagawang lingunin. Tinanguhan lang nito si Fabian saka nagdire-diretso na sa paglalakad. Kahit sanay na akong ganito sa 'kin si Claudi sa harap ng madaming tao, hindi ko pa rin maiwasang madismaya. Hanggang patago na lang ba talaga ang pakikipagkita ko sa kanya? "May pinag-uusapan lang kami ni Emilio, susunod na ako sa inyo," tugon ko, gustong habulin ng tingin si Claudio. Kapag kasi magkakatapat ang bakanteng oras naming magkakaibigan, nakasanayan na naming sabay-sabay mag-lunch. Katulad ngayong lunes, sa loob ng statesman kami kakain lahat.  Kompleto na kami at si Ligaya't Pres. Messiah na lang ang kulang. Tinanguhan lang ni Fabian si Emilio bago nagpaalam na susunod na sa loob. "I think hindi ka pwede ngayon?" tanong n'ya nang kami na lang dalawa ang nasa labas. "Sabay-sabay kasi kaming magkakaibigan na kakain ng pananghalian ngayon. Pasensya ka na Emilio.” "Nuh, it's okay. Maybe dinner na lang mamaya? Promise, after nito, hindi na kita guguluhin.” Tumango na lang ako at pumayag sa gusto n'ya. Mukhang hindi susuko ang isang 'to sa kakulitan kaya pinagbigyan ko na. "Great! So, anung oras ang labas mo mamaya? Ako kasi maagang matatapos ang klase ko mamayang hapon. Hintayin na lang kita.” "Maaga rin kaso magiging busy ako sa statesman's. Around seven ang labas ko mamaya, makakahintay ka ba?" "Of course! Sunduin na lang kita sa office n'yo later.” I shook my head. "Emilio, 'wag na. Ite-text na lang kita.” Mukhang hindi papatalo sa kakulitan ang isang 'to dahil inilingan n'ya lang ako saka paatras na naglalakad, "Susunduin kita. Baka mamaya, takasan mo pa ako," he said then wink bago ako tuluyang tinalikuran. Naiiling na lang akong pumasok sa loob ng opisina. "Oh, nandyan na pala si Nona. Sina Ligaya na lang ang kulang. Ma-upo ka na sa tabi ni Cap.” Hindi ko pinakinggang ang sinabi ni Jam saka na-upo isa sa dalawang bakante pang upuan sa dulo. "'Wag ka sabi d'yan. Exclusive 'yan sa lovers. Saka ka na umupo d'yan kung may lover ka na rin,” muling hirit ni Jam. Inirapan ko ang huli bago tumalima sa kanya. Umupo ako sa tabi ni Claudio. Nakatungo ito at nakapikit ang mga mata. "Malapit nang magkaroon ng lover 'yang si Nona. Mukhang pinopormahan nung soccer player," tudyo ni Pres. Joachim na umani naman ng panunudyo din mula kay Jammailah. "H-hindi ah!" Napa-iwas pa ako ng tingin dahil sa pagka-utal ko. "Sus! Patulan mo pagnagkataon, para naman madiligan ka na," muling ani na naman ni Pres. Joachim. Umismid lang ako upang hindi ipahalata na naaapektuhan ako.  Mabuti't sila nang tatlo nina Jam at Fabian ang nag-uusap. Tahimik lang ako tulad ng katabi ko. Hanggang sa dumating sina Ligaya at Pres. Messiah na may dala-dala ng pagkain. As usual, kapag nagkakasabay kami kumain, maingay ang hapag. Nakikisabay din ako sa kanila dahil hindi na naman ako ang topic. Napalagok pa ako ng tubig nang mag-biro si Pres. Joachim. Wala na akong tigil sa pag-tawa at halos mabulunan na ako. Pero ang tawang 'yun ay naputol nang maramdaman ko ang kamay ni Claudio sa hita ko.  Ni ang lingunin ay hindi ko ginawa at hinayaan lang s'ya.  Binilisan ko pa ang pagkain dahil sa takot na baka may gawin s'yang iba. NANG matapos ang klase ko kinahapunan, dumiretso na ako sa Statesman office at inasikaso ang trabaho ko. Nang pumatak naman ang alas syete ay nagliligpit na ako nang may kumatok at dumungaw doon ang ulo ni Emilio. "Hi!" bati n'ya sa 'min ni Jam.  Bale kami na lamang dalawa ang nandirito dahil nauna na ang iba kaninang alas sais umalis. Si Pres. Joachim naman ay may practice game. Tinanguhan lang s'ya ni Jam. Busy din kasi iyon kaya hindi maka-usap. "Upo ka muna, magliligpit lang ako.” Pina-upo ko s'ya sa sofa. Matapos kong magligpit, nagpaalam na kami kay Jam. "Ingat sa date. Alalahanin, use protection!" sigaw n'ya pagkalabas namin. Tumawa naman si Emilio at napakamot sa batok n'ya.  Ako naman ay hindi naimik. Mas binilisan ko pa ang paglalakad at halos hindi na kami nagkakasabay na dalawa. "Wait up Nona. Ang bilis mong maglakad. Para ka nang tumatakbo.” Habol n'ya at hinawakan ako sa kaliwang kamay ko. Mukha nang magkasiklop ang mga iyon. Agad ko naman iyong binawi at iniwas ang tingin sa kan'ya. Pero katulad kaninang kaninang pananghalian, ganoon din ang nangyari ngayon dahil sa paglingon ko sa kabilang direksyon, nakita ko doon si Claudio at walang emosyong nakatingin sa 'min. "Claudio..." at katulad kanina, tila wala lang itong narinig at nilagpasan ako. Ang sakit sa pakiramdam na binabalewala n'ya lang ako at umaaktong parang wala lang pero mas masakit pa rin ang katotohanang ako'y hanggang pang-kama lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD