Kabanata 3

1765 Words
"WHAT's the real score between you and the soccer player?" Ilang araw nang laging ganyan ang tinatanong sa 'kin ni Jam. Isang linggo na rin kasi ang nakalilipas simula nang kumain kami sa labas ng dinner ni Emilio at ngayon ay araw na naman ng lunes. "What do you mean?" Binitiwan ko ang tasa ng kapeng hawak ko matapos kong sumimsim doon upang hindi ako dalawin ng antok. It's past ten in the evening already but we are still here at the Statesman office. Tambak ang trabaho namin ngayon dahil sa mga article na ilalabas next month. "Manunulat ka ng Statesman pero hindi mo alam na may nagkalat na picture n'yong dalawa nung linggo sa isang resto? Pangalawang beses na 'yun na lumabas kayo. Nililigawan ka ba?" Tinaas-taas n'ya pa ang kanyang magkabilang kilay. Hindi naman 'yon sadya. Nagkataon lang na nagkita kami sa isang resto nung linggo dahil tinatamad akong mag-luto nang mga oras na 'yon. Kumain kami sa iisang mesa pero hanggang doon lang 'yon. But I won’t deny the fact that Emilio offered na ihahatid ako sa apartment. Siniko ko sa siko si Jam at baka marinig pa kami ni Pres. Joachim. Baka mang-asar na naman. "Hindi ako nililigawan ni Emilio. Nagkataon lang 'yon!" Pinandilatan ko pa s'ya ng mata. "Ba't ka bumubulong kung ganun? Saka anu naman kung nililigawan ka? Mabuti nga 'yon para magka-jowa ka naman," pagrarason niya naman. Napapikit ako ng mata nang makaagaw na nga kami ng atensyon. Sinasabi ko na nga ba't mapapansin pa rin kami ni Pres. Joachim. Even Ligaya, nakatingin na din sa 'min ni Jam. "Stop murmuring girls, finish your works para maka-uwi na tayong lahat. Gusto ko nang umuwi, I wanna get laid tonight!" Napa-face palm na lang kami ni Jam. Akala ko naman ay seryoso nang pinapagalitan kami ni Pres. Joachim. Isisingit lang pala ang pagkatigang n'ya. Hindi na kami naimik pa at tinapos na lang ang ginagawa. Saktong mag-aalas onse nang bumukas ang pinto at iniluwa si Pres. Messiah.  Hinayaan ko na lang kasi si Ligaya naman talaga ang pinunta nun dito. "That's enough, Buenavidez. Sarado na ang Unibersidad pero nandito pa rin kayo.” Humikab ako saka sumandal sa upuan saka pinikit ang mga mata. Inaantok na ako. Mabuti na lang at sumangayon si Pres. Joachim kaya nagligpit na kami. Matapos nun ay sabay-sabay na kaming lumabas ng opisina. Maingay ang grupo naming naglalakad patungo sa parking lot nang mahagip ng paningin ko ang pamilyar na pigura ng isang lalake. Dahil nahuhuli sa paglalakad, hindi nila alam na lumihis ako at pinuntahan ang nakita ko. "Ano pang ginagawa mo dito?" tanong ko nang makalapit ako. Nagpapasalamat pa ako't nagkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin s'ya. Nanatiling naka-yuko at naka-sandal si Claudio sa dingding habang ang dalawang kamay ay naka-suksok sa magkabilang bulsa ng slacks na suot. Pansin ko lang, kinahiligan n'ya ang ganito. "Claudio..." Tawag ko ulit sa kan'ya nang hindi n'ya pa rin ako kinibo. Ang totoo n'yan, isang linggo na din kaming ganito. Kung noon kahit tipid lang s'ya kung mag-salita, ngayon, kapag sinusubukan kong kausapin s'ya nang kami lang dalawa, ni isang salita wala nang namumutawi sa mga labi n'ya. Hindi ko alam kung bakit s'ya nagkakaganito. "Martinez…" Saka lamang s'ya nag-angat ng tingin sa 'kin. Inalis n'ya sa pagkaka-suksok ang kanang kamay niya saka ako hinila dahilan upang mapasandal ako sa dibdib n'ya. Inayos n'ya ang salamin ko sa mata saka ako pinagmasdan ng maigi. Gustohin ko mang iiwas ang paningin ko sa kan'ya, hindi ko na ginawa dahil minsan ko lang matitigan ng ganito si Claudio. Bihira n'ya rin akong titigan sa mga mata ng ganito kahit na madalas ko s'yang nahuhuling nakatingin sa 'kin. "Nona? Nona!" Sa gulat dahil sa sumigaw, naitulak ko s'ya. Pero mabilis ang kamay n'yang hinila ako at sinandal sa pader. "Non-ay anu ba 'yan. Sa dami ng lugar na gagawan ng milagro, dito pa," malakas ang boses na ani Jam. Kinakabahan ako dahil baka makilala n'ya kaming dalawa ni Claudio. Wala s'yang alam na sa kabila ng pagkatao ko, ganito ang ginagawa ko sa likod nila. "W-wala na si Jam.” Tinulak ko s'ya sa dibdib pero hindi nagpatinag. "Claudio, mauuna na ak-," "No..." putol n'ya saka ako hinalikan ng marahas sa labi. Nalasahan ko pa ang pag-dugo ng ibaba kong labi nang kagatin n'ya iyon. Habol ang hiningang pinakawalan ako ni Claudio saka muling hinawakan ang kamay ko at hinila. Imbis na dalhin sa apartment, dumiretso kami sa bahay n'ya. "I haven't eat dinner yet. Please cook for me.” Kahit pagod at inaantok, biglang sumigla ang pakiramdam ko dahil sa sinabi n'ya. Humarap ako kay Claudio at hinaplos ang pingi n'ya. "Bakit hindi ka pa ba kumakain?" "I was waiting for you," saad n'yang sa mata ko nakatitig. Tila natunaw ang puso ko dahil dun. At kahit busog pa ang pakiramdam dahil kumain kami kanina sa office, pinagluto ko pa rin s'ya at sinaluhan sa pag-kain. Bandang ala-una na ng umaga kami pumanhik sa taas at nahiga sa kama n'ya. Ang akala ko'y may mangyayari sa 'min pero hinapit n'ya lang ako at niyakap, pinikit n'ya na ang mga mata n'ya. "Good night, Cap.” Ipinaglapat ko ang aking labi sa kan'ya at hindi ko inaasahang tutugunin n'ya ang halik ko. Isang malumanay na pag-galaw ang ginawa n'ya bago idinilat ang mga mata. Lumayo ako ng konti at hinalikan s'ya sa mata. Ganito ako kalayang gawin ang mga gusto ko kapag kami lang dalawa ang magkasama. Hindi n'ya ako pinipigilan kung ano man ang gawin ko kapag walang nakakakita. Pero kapag madami ang mga matang nakatitig, hindi n'ya ako kilala. "Sleep now, Nona," an'ya matapos kong halikan ang buong mukha n'ya. Nakangiting tumango ako at pinikit ang mga mata. Kinabukasan, hindi na ako nakapasok ng pang-umaga kong klase dahil tanghali na akong nagising. Dahan-dahan akong bumangon at na-upo banda sa may ulunan ni Claudio matapos kong suutin ang salamin ko Hinaplos ko ang buhok n'yang nahuhulog sa noo n'ya. "Good morning, Cap Claudio," malambing kong bulong at yumungko upang halikan ang noo n'ya. Matapos nun ay umayos ako ng pagkaka-upo saka muling pinagmasdan ang natutulog pang si Claudio. Bahagya pang naka-awang ang mga labi nitong kay sarap halikan. "Isa lang Cap," bulong ko at inabot ang cellphone ko saka s'ya kinuna ng litrato. He's handsome in picture pero mas gwapo pa rin s'ya sa personal. And I don't mind staying here on his roon all day just staring at him. Hindi ako magsasawang pagmasdan ang mukha ng lalakeng iniibig ko ng palihim. "I love you..." I whispered on his ear bago bumaba ng kama at tinungo ang kan'yang banyo. Hindi pa rin gising si Claudio nang lumabas ako ng banyo kaya sinamantala ko na ang pagkakataon. Hinubad ko ang salamin at bumalik ako sa kama at nahiga sa tabi n'ya. Niyakap ko ang beywang n'ya at umunan sa dibdib n'ya hanggang sa muli akong naka-tulog. Pasado alas-dose na ng tanghali nang muli akong magising. Kinapa ko ang salamin sa gilid ko at akmang isusuot 'yun nang maramdaman ko ang pag-pigil sa 'kin ni Claudio. Gising na pala s'ya. "C-Claudio, wala akong makita.” Giinalaw ko ang kamay ko at kinapa ang kamay n'ya ngunit iniiwas n'ya lang 'yon hanggang sa s'ya na mismo ang nag-suot sa 'kin ng salamin. "You are beautiful without glasses, but I prefer you, wearing it," he said while staring at my eyes. Ayan na naman s'ya. Minsan ayoko nang ganito dahil ayokong masanay sa kan'ya. Baka isang araw, mawala na lang bigla. Baka mag-sawa na lang s'ya. Sino ba naman kasi ako? I'm just Nona Martin and I am boring. "Because without glasses, you are not my Nona.” At ang traydor kong puso, tuluyan nang bumigay sa kan'ya. *** "Ba't di ka pumasok kahapon ha? Hinahanap ka sa 'min ni Emilio Espinoza.” Hindi lang naman ako 'yung hindi pumasok kahapon, si Claudio din pero bakit ako lang ang inuusisa n'ya? Sila Pres. Joachim hindi naman ganito kung makapag-tanong at bakit hindi nila nakita mag-hapon si Claudio. Gusto ko sanang pumasok kahapon ng pang-hapon kong klase, kaso nung nagsabi ako kay Cap na uuwi na, hindi n'ya na ako kinausap at hindi na kumibo. Kilala ko si Claudio, kapag hindi n'ya gusto ang naririnig n'ya, hindi na 'yan magsasalita. Kaya imbis na umalis kahapon, nag-stay na lang ako sa bahay n'ya at umalis nang gabi na. "Bakit daw ako hinahanap?" Kunot ang noo kong tanong pero hindi naman sa kan'ya nakatingin. Abala akong pagmasdan sina Cap Claudio at Fabian na naglalaro ng basketball dito sa gym. Alas syete na ng gabi kaya kami na lang ang magkasama at nauna na si Ligaya. Kanina ng nakatambay kami sa statesman office dahil wala namang ginagawa, tinawagan kami ni Pres. Joachim at napag-utusang dalhan sila ng makakain sa gym. Tumalima naman kami ni Jam at ngayon nga ay nanunuod na kaming dalawa. "Aba ewan ko sa manliligaw mo. Baka aayain kang mag-date ulit!" Umismid ako saka inirapan si Jam. "Hindi ako nililigawan nun!" Kung sana si Claudio nililigawan ako, siguro matutuwa pa ako. "Sus! Kunwari ka pa, pakipot much pa eh. Pabirong tinulak pa ni Jam ang braso ko. Nainis naman ako dahil hindi na ako makapag-concentrate sa panunuod kay Claudio. "Sinabi nang hindi ako nililigawan ni Emilio Espinoza eh!" Huli na nang mapagtanto kong sumigaw pala ako. Dahil sa pag-sigaw ko, um-echo 'yun sa buong gym, at dahil na din konti na lamang ang tao dito, lahat sila napatingin sa 'kin. Maliban kay Claudio na sa iba nakabaling ang tingin. Sinundan ko kung saan naka-tutok ang mga mata n'ya. Kasabay nun ang mariing tili ng katabi ko at pagkurot sa tagiliran ko. "Speak of the devil Hindi pala nililigawan ah," tudyo ni Jam. Napapikit ako dahil sa inis na nadarama lalo na nang unti-unting maglakad papalapit sa kinauupuan ko si Emilio, bitbit ang isang bouquet ng bulaklak. "Hi Asena, kahapon pa kita hinahanap. Mabuti't pumasok ka na," bati nito at inabot ang bulaklak sa 'kin. "For you," namumula pang sambit nito. Ngunit imbis na kunin iyon, lumagpas lang ang tingin ko at nalipat kay Claudio. Pero hindi na ito nakatingin kay Emilio. Bagkus, nakatalikod na ito at naglalakad patungo sa shower room ng gym. Kumirot ang dibdib ko sa pagtalikod n'yang 'yon. Wala ba talaga s'yang pakialam sa 'kin?Hanggang init na lang ba talaga ang nararamdaman n'ya at hindi man lang s'ya naapektuhan sa nakita n'ya? "Asena?" Napakurap-kurap ako at pilit pinigilan mapaluha saka mapait na ngumiti kay Emilio. "T-thank you," sambit ko at napipilitang tinanggap ang bulaklak.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD