Foolish heart
"PLEASE Emilio, I don't want to hurt you, kaya habang maaga pa, itigil mo na 'to. Ayokong magpaligaw muna sa ngayon," sambit ko. Ni hindi ako maka-tingin sa kan'ya ng diretso. Ilang araw na n'ya akong nililigawan at kahit anong patigil ko, makulit talaga s'ya. Pilit niyang isinisiksik ang sarili niya sa akin at ayoko ng ganoon. Masasaktan lamang siya sa huli.
"Why? Do you have a boyfriend?" tanong naman niya. "Bakit wala akong nakikita? Wala namang masama kung ligawan kita, Asena..." pagpapatuloy pa niya.
Bumuntong hininga ako saka ibinalik ang bulaklak sa kan'ya na. Nakokonsensya ako dahil noong isang gabi, naisipan kong gamitin si Emilio na baka sakali may gawing paraan si Claudio. Halimbawa, pagbabawalan n'ya akong makipagkita sa huli, na sasabihin n'yang sa kan'ya lang ako. Gusto kong angkinin niya ako. Pero mukhang wala talagang pake si Claudio dahil kahit harap-harapan na n'yang nakikita na nililigawan ako ni Emilio ay wala naman s'yang reaksyon ukol dito. Tila wala itong pake sa nakikita niya at hindi ko maiwasang malungkot dahil doon.
"Please Emilio, wala ka talagang mapapala sa 'kin..." tugon ko namam. Doesn't mean na wala siyang nakikita na may umaaligid sa akin ay liligawan na niya ako kahit ayaw ko. When a women says no, men should know how to respect their decisions. 'Wag na dapat ipilit pa ang sarili nila.
Bakit kasi sa dinamirami ng mga babae dito sa Unibersidad ay ako pa ang nagustuhan n'ya. Ano ba ang nakita niya sa isang katulad ko? Ang dami ding naghahabol sa kan'ya kung tutuusin dahil matalino siya sa klase at magaling pa s'ya sa soccer. Bise presidente din ng council. Ano pa ang hahanapin sa kanya? It's just that, mali ang babaeng gusto niyang ligawan. Hindi ako kabilang sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya.
He heaved a sighed na tila ba ay sumuko na rin siya sa wakas. "Fine, pero kahit hindi na kita liligawan, wag ka sanang mailang kung lalapit pa rin ako sa 'yo. Kahit hanggang kaibigan lang Asena, 'wag mo naman ipagdamot sa 'kin iyon," tugon naman niya na tila nagmamakaawa .
Ano ba ang nakita niya sa akin? Hindi naman ako maganda kung tutuusin. Bakit liligawan niya ako?
"Please Asena?" aniya pa nang wala pa rin siyang makuhang tugon mula sa akin.
"Okay. Sige," tila napipilitan namang tugon ko. Wala namang masama na maging kaibigan ko siya. Mabuti naman siyang tao. Ang importante ay napatigil ko na siya at dahil doon ay akahinga ako ng maluwag. Salamat naman dahil ayokong makasakit ng tao. Alam ko ang pakiramdam na hindi natutugunan pabalik ang nararamdaman sa taong gusto mo.
"Salamat Asena. Sige mauuna na ako," ani Emilio. Hindi ko mabasa kung hilaw ba ang kanyang ngiti at napipilitan ito o sadyang ganoon lamang ang pag ngiti niya.
***
"ANO? Binusted mo?"
Tumango ako sa tanong na iyon ni Jam. Natampal pa niya ang kanyang noo dahil doon na tila mali ang desisyong ginawa ko sa buhay ko kanina lang. But what can I do? Wala naman talaga akong maramdaman.
"Bakit naman?! Good catch na si Emilio! Bakit mo pa pinalagpas! Nona naman!" dagdag pa ni Jam na tila hinayang na hinayang talaga siya.
Nailing na lamang ako. Bahala siya d'yan.
"Alam mo konti na lang ay maniniwala na talaga akong may jowa ka. Kasi ang mga ganung uri ng lalake at hindi dapat pinapalagpas! Baliw ka nang babae ka! Gusto ko kitang sabunutan! Naku ka!"
Napa-irap naman ako sa kanya bago ako pabagsak na na-upo sa sofa. Pagkatapos naming mag-usap ni Emilio ay agad na rin naman akong dumitetso sa Statesman office.
"Ang ganda mo talaga, Nona! Sayang iyon!" dinig ko pang hirit ni Jammailah.
Napa iling naman ako. Ano nga ang magagawa ko? Wala naman akong gusto kay Emilio. May nagmamay ari na rin ng puso ko kahit alam ko na hindi naman matutugunan ang gusto ko kahit kaylan. Kahit malabo. Tahimik ko na lamang siyang mamahalin. Hindi na kaylangan pang ipagsigawa dahil alam ko naman na sa huli ay ako pa rin ang talo.
Ipinikit ko ang aking mga mata para man lang ay makapag relax ako kahit papaano. Bahala dyan si Jammailah magsasalita. Ilang araw na rin kasi akong namomroblema. Hindi na kasi ako pinapansin ni Claudio kahit ako na mismo ang nag-iinsist na kausapin siya. Sobra akong naaapektuhan sa cold treatment na binibigay niya sa akin. I couldn't focus on my studies. At maging ang mga gawain ko dito sa statesman ay hindi ko magawa ng maayos. Hindi na ako magkakataka kung mapagalitan man ako ni Pres Joaquin.
Naramdaman ko ang pag bukas ng pinto ng opisina dahil na rin sa tunog nito. Unang bumungad sa pandinig ko ay ang matunog na halakhak ni Pres. Joachim habang kausap nito si Fabian.
May umupo rin sa tabi ko at inakbayan ako na hinayaan ko lang din naman. Base kasi sa pabangong nasamyo ng ilong ko ay panigurado na ang malanding presidente ito.
"What's with the attitude, cap? I've notice this past few days, madali kang mapikon. Mas lalo ka ding naging tahimik. Tigang ka ba? Tangina kasi naryan naman si Georgina'ng patay na patay sa 'yo, patulan mo na! Panigurado naman ay bubuka kaagad ang hita nun sa 'yo," dinig kong sambit ni President Joachim.
Napadilat naman ako dahil sa sinabi niyang iyon. Naalarma ako nang marinig ko ang pangalan ng malanding si Georgina. Why do I feel threathened all of a sudden?
"Hey Nona!" pag-agaw ng atensyon sa akin ni Pres Joachim nang maramdaman niyang kumilos ako. Bumungad sa akin ang ngisi nito bago niya tinanggal ang pagka-akbay sa 'kin.
"I want the same dish. Ayoko nang iba-ibang putahe," ani naman ng pamilyar na boses dahilan para lumakas ang kalabog ng dibdib ko.
Gulat akong napalingon kay Claudio, hindi ko inaasahang nandidito rin s'ya. Naka-upo ito sa katapat kong sofa at sa 'kin naka diretso ang kanyang tingin.
Akala ko ay si Fabian lang ang kasama ni Pres. Joachim.
"Yun naman pala eh! Ibig sabihin may nagpapa-init sa 'yo gabi-gabi. So what's with the attitude, bro?" saad naman ni Pres Joachim.
"Someone's just trying to trespass on my property. Just testing her kung bibigay ba sa iba," tugon naman ni Claudio. Gusto kong mag-iwas ng tingin sa kanya. Ngunit tila napako na ako mula sa aking kinauupuan at hindi ko na maalis ang paningin ko sa kanya.
Lumakas ang t***k ng puso ko sa sinabi niyang iyon. Alam ko na ako ang tinutukoy n'ya!
"Tangna! Magseseryoso ka na ba, cap!" Pinukpok ni Joachim ang mesa at napatayo dahil sa gulat. Samantalang ako naman ay hindi na mapakali dahil sa tanong n'yang iyon. Muli akong nilingon ni Claudio at ngumisi lang kay Joachim bilang tugon.
Sa kabila ng malakas na pagkalabog ng dibdib ko ay hindi ko maitatanggi na tila nakahinga ako ng maluwag doon.
Mabuti na 'yung hindi s'ya sumagot kesa naman marinig ko mula sa mga labi n'ya na wala talaga s'yang plano mag-seryoso. Mas masakit 'yun.
"Anong nangyayari sa mga tao ngayon! Baliktad na ata. Itong si Cap, may plano nang mag-seryoso! Samantalang ito naman si Nona, binusted 'yung kaisa-isang manliligaw n'ya!" biglang singit ni Jam at na-upo sa tabi ni Fabian. Na tahimik din kanina pa.
Napahalakhak naman si Pres. Joachim saka ginulo ang buhok ko. "Apat na iyang mga mata mo, Nona, hindi mo pa makita kung anong klaseng tao si Espinoza?" anito na parang katulad ni Jam ay nanghihinayang sa ginawa kong iyon.
I didn't comment. Hindi ako naimik sa mga opinyon nila. I don't want them to see my reaction lalo na at kaharap ko ngayon si Emilio. Oo nga at totoo namang good catch si Emilio pero anong magagawa ko? Kung hindi talaga s'ya ang nagpapatibok ng puso ko.
Habang buhay na siguro akong magpapaka-alipin sa nararamdaman ko para kay Claudio.
"Feeling ko talaga may tinatago 'yan si Nona! May boyfriend ka no?" hirit ulit ni Jam, talagang hindi siya makontento.
Muling dumako ang paningin ko sa taong nasa harapan ko. Naka-tungo ito sa kan'yang telepono pero hindi maitatangging naka-ngisi ang kanyang mga labi.
Gustong-gusto talaga ni Claudio na ginigisa ako ng ganito. Kasi alam n'yang kahit anong mangyari, hindi ko sasabihing may namamagitan sa 'ming dalawa.
"Respect her privacy, guys. Kung ayaw magsabi ni Nona, hayaan na lang natin..."
Salamat naman at nagsalita si Fabian. Napabuga ako ng hangin dahil doon. Bukod kasi kay Pres. Messiah, s'ya lang ang matino sa kanila. Hindi sa sinasabi kong hindi matino sina Pres. Joachim at Claudio. Nagkataon lang puro kalokohan ang alam ng isa, at ang huli naman, bihira kung magsalita.
"Bahala nga kayo. Nagugutom ako. Tara Jam, samahan mo 'ko sa cafeteria. Libre kita," ani Pres. Joachim. Agad namang tumalima ang huli at hinabol si Pres Joachim na papalabas na ng statesman.
"S-san ka pupunta? Sama ako!" hindi ko naman maiwasang maghabol kay Fabian lalo na at napansin kong palabas na din ito ng opisina.
"I'm going to my next class, Nona," tugon naman niya sa akin.
Ngumuso ako at bumalik sa loob. Great. Ngayon, kami na lang ni Claudio ang nandidito.
Upang makaiwas sa kanya at sa nakabibinging katahimikan ay nag-tungo na lang ako sa mini kitchen at kahit tirik na tirik ang araw ay nag-timpla ako ng kape.
Inihipan ko iyon at akmang sisipsip na doon nang maramdaman ko na may yumakap mula sa aking likuran at agad na binaon ang mukha sa aking leeg.
Inayos ko ang salamin ko daka napabuga ng hangin. "C-Claudio..." tila natatarantang ani ko. At katulad kanina ay muli na namang lumakas ang kalabog ng dibdib ko.
"I've miss you," malambing na ani n'ya. Na ikinatigil ko.
Napapikit ako. Alam kong walang malalim na ibig sabihin ang sinabi n'ya, pero itong puso ko ay muli na namang nagpapadala sa kan'ya.
"K-kasalanan mo, ilang araw mo akong hindi pinansin," ani ko naman, tila nanunumbat.
I tried to stop his hand dahil pumasok na ito sa unipormeng suot ko. Hindi pwedeng magusot iyon dahil may klase pa ako mamaya. Baka may makahalata at iba pa ang isipin ng tao dahil doon.
Hindi s'ya nagkomento sa sinabi ko, bagkus ay mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya sa 'kin.
"C-Claudio, m-may klase pa ako mamaya," protesta ko naman sa nahihirapang boses
Ilang beses ko pa siyang pinigilan ngunit kusa na akong bumigay dahil tuluyan na akong napahawak sa lababong nasa harapan ko.
Nanatili kami sa ganoong posisyon. Mabigat ang pag-hinga ko samantalang s'ya ay parang hindi man lang naaapektuhan.
Lumipat ang kamay n'ya sa beywang ko at pinisil iyon. Ang labi naman n'ya ay nagsimulang bigyan ako ng halik sa aking leeg.
"P-please don't leave a mark. Baka may makakita," ani ko. Iba na kasi ang ginagawa n'ya. Naramdaman kong nilalagyan na n'ya ako ng marka sa bawat madadaanan ng labi niya.
"Hindi nila alam na akin ka. Pero alam kong sa sarili mo ay alam mo kung kanino ka pagmamay-ari..." madiing bigkas n'ya, halatang nagpipigil ng galit.
Tumango-tango ako. Hindi ko ikakaila ang bagay na 'yon. Dahil maging s'ya, alam n'yang sa kan'ya lang ako. Tanga na kung tanga itong puso ko, pero kahit walang pag-asa, I always remind him that I am his. Only his.
At sa tingin ko ay nagdulot iyon ng ikapapanatag ng loob n'ya dahil kahit nakikita n'yang may ibang nagkaka-interes sa 'kin ay wala s'yang ginagawa upang 'wag akong maagaw ng iba. Kung gaano ako katakot na mawala siya sa akin ay kabaliktaran naman siya. I know it's my fault dahil pinasok ko sa isip n'ya na ang ganun. I treated him as a celebrity that's why he treated me as a fan--a fan that he can take for granted everytime he wants. He couldn't see my value or worth as a woman. Dahil alam niyang handa ko siyang pagsilbihan.
"Claudio..." usal ko. Tuluyan na akong bumigay at nagpadala sa sensasyong pinadarama n'ya.
His right hand went to my skirt. Ipinasok n'ya ang kamay niya doon hanggang sa tuluyan kong nadama ang pag-laro n'ya sa pagitan ng mga hita ko. Hanggang sa maya maya ay tuluyan kong naramdaman ang tila pagsabog.
Tinanggal n'ya ang kamay niya doon at saka niya nilapit ang mukha niya sa puno ng aking tetnga. Inihipan n'ya ako doon at sa kabila ng panghihina, nangilabot pa rin ako sa kan'yang ginawa.
"Kahit sino pa ang dumating sa buhay mo, alam kong ako pa rin ang pipiliin mo. It'll aways be me. Coz you are Nona Martin. And your heart, beats only for me," saad nito at saka ko lang naramdaman ang pagkalas niya sa akin.
Pinunasan ko ang mga luha ko nang iwanan ako ni Claudio. Ayokong may makakita sa akin sa ganitong itsura. Kaya naman ay tahimik akong nag-hilamos nang mahimasmasan dahil bumalik na sina Jam. Nasasaktan ako pero hindi ko iyon pwedeng ipakita sa kanila.
Nang lumabas ako sa mini kitchen ay napalingon sila sa 'kin. Iginala ko ang paningin ko at hindi ko na makita si Claudio.
"Uy, sa'n ka punta?" tanong ni Jam nang makitang bitbit ko na ang bag ko.
"Uuwi na," simpleng ani ko at tinalikuran sila.
Nawalan ako ng gana bigla. Lalo na nang muling pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Claudio. Kasalanan ko, hindi ko pwedeng isisi sa iba.
Siguro ganito na talaga ako katanga pag-dating sa kan'ya, kasi kahit wala nang matirang pagmamahal para sa sarili ko, patuloy pa rin akong umaasa kay Claudio.
Wala akong karapatang magreklamo dahil ako ang may kagagawan ng lahat ng 'to. Dapat pa nga akong maging masaya dahil binibigyan n'ya pa rin ako ng pagkakataong makasama s'ya. Binibigyan niya ako ng atensyon niya. 'Yun nga lang ay masyado siyang tiwala sa sarili niya at mukhang napasobra pa dahil ganun siya kakampante na hindi ako maaagaw sa kan'ya.
Kung makakahanap lang siguro ako ng paraan para ipakita sa kan'ya, na kaya kong wala s'ya ay susunggaban ko na. Kasi ilang buwan na din akong nagpapakabaliw sa kan'ya. At minsan nakakapagod na ding umasa na sana balang araw, magbago ang pag-tingin n'ya.
Dumiretso ako sa labas ng gate ng university, nag-aabang ng masasakyan. Wala ako sa sariling tumawid hanggang sa naging sunod-sunod ang pag-busina ng mga tricycle.
Kahit alam kong sa sarili ko na muntikan na akong masagasan ay hindi pa rin napawi nun ang sakit na aking nararamdaman.
"Asena? s**t! Are you okay?"
Maging ang pag-lapit ni Emilio ay parang wala lang din sa 'kin. Nang iakay n'ya ako sa loob ng kanyang sasakyan ay doon ko lang namalayan ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko.
"It's okay. You are safe now, Asena," aniya pa at saka ako dinaluhan ng yakap.
Maya-maya ay pa s'ya na ang kusang kumalas.
"Emilio..." ani ko.
Tinitigan n'ya ako sa aking mga mata. Doon ko napagtantong totoo ang nararamdaman n'ya sa 'kin, dahil ganun din ako kung makatitig kay Claudio. Nakikita ko iyon mula sa kanyang mga mata.
Alam kong masama ang manggamit ng iba at hindi maganda ang naiisip ko sa mga oras na ito pero kung ito naman ang tanging paraan o kapalit para tuluyan ko nang makalimutam ang nararamdaman ko para sa kan'ya ay handa akong sumugal.
"A-asena..." aniya, puno ng pagtataka ang kanyang itsura lalo nang hawakan ko siya sa kanyang pisngi.
Mapait akong ngumiti at walang pagdadalawang isip na dinaluhan ng halik ang kan'yang labi.
Gusto ko nang makalimot sa kahibangang nararamdaman para kay Claudio. Gusto kong subukan tumingin sa iba, taliwas sa nakatatak sa iniisip n'ya. Gusto ko nang ibaling ang puso ko sa iba.
I want to love someone. But that someone is not Claudio anymore. Coz this foolish heart of mine is already tired loving him.