Desisyon
AKALA ko magulo lang ang isip ko nang halikan ko si Emilio kaya ko nagawa ang bagay na iyon. Pero nang naka-uwi na ako at ako na lang mag-isa sa apartment ay napagisip-isip ko na, desisyunado na talaga ako.
Napagdesisyonan ko na simula ngayon ay iiwasan ko na si Claudio. Ayoko namang paasahin sa wala si Emilio at nag-usap na kami kanina. He asked me why did I kissed him. Halatang gulat na gulat pa nga ito kung bakit ko ginawa iyon. Awkward silence filled us after I kissed him pero nang makabawi ay ito mismo ang bumasag sa katahimikanh iyon. So I told him that I am giving him a chance to prove his self to me. It's not bad to entertain him, right? It's not bad giving him a chance to prove how much he likes me. Pasasaan ba at baka mangyaring magustuhan ko rin siya pabalik. Kasi katulad din ng sinabi nila Jammailah at Pres Joachim, Emilio's already a good catch. Walang tapon sa pagkatao niya. Sadyang kay Claudio lang ako nagkagusto at nakatuon ang atensyon ko kaya hindi ko makita ang katangian niyang iyon. But now, maybe it's the time for me to appreciate him.
And I know he's happy that I'm giving him a chance. Syempre natuwa talaga s'ya at sinabi rin niyang hindi niya sasayangin ang binigay kong pagkakataon sa kanya. Nakita ko pa ang galak sa mata n'ya, katulad ng sa akin sa tuwing nakakasama ko si Claudio.
Pero iba na ngayon, may masasaktan na at hindi lang ako kapag pinili ko pa ang huli.
"So, you've change your mind and give him another chance?"
Kahit hindi nakikita at tumango ako kay Jam sa kabilang linya. Kanina ko pa s'ya kausap tungkol sa statesman at ngayon n'ya lang sinali si Emilio sa usapan. At ayun nga, nabanggit ko rin na binigyan ko na ng pagkakataon si Emilio na patunayan ang sarili nito sa akin.
"Oo. Nakikita ko naman kasi ang effort n'ya," tugon ko naman. But deeply in my heart, I know it's not true. Ang sama sama ko at sa totoo lang ay ginagamit ko lang naman s'ya.
Pero pasasaan ba't matututunan ko din mahalin si Emilio. Madali naman akong magkagusto sa isang tao, lalo na't nakikita ko ang effort na ginagawa nito para sa akin.
Sadyang tanga lang ako pag dating kay Claudio dahil kahit anong gawin n'ya ay sa kan'ya pa rin natibok ang puso ko.
"That's good, then! Akala ko talaga may jowa ka kaya hindi ka nag-entertain ng suitor. Good catch pa naman 'yun si Mister Espinoza! Tanga mo na lang kung palalagpasin mo pa! " ani Jammailah sa kabilang linya. Natatawa pa ito. I know that. Madami nga ang nagkakagusto sa huli hindi ba? At malas lang siya at ako ang nagustuhan niya.
Alam ko namang nang-aasar si Jam. Pero dahil sa mga sinabi n'ya ay mas lalo lang akong natatauhan na, why would I choose to stay for someone na hindi naman nakikita ang halaga ko? Bagkus ay ako lamang ang nagpapahalaga sa kanya? It's so hard that it's only a one sided love. Ang hirap ng hindi natutugunan. Masakit sa puso at damdamin.
Masakit isiping na kaylanman ay hindi ako magagawing mahalin pabalik ni Claudio. Kaya siguro ay tama naman na sa iba ko na lang ibaling ang nararamdaman ko. Baka sa pagkakataong ito, maranasan ko namang mahalin pabalik.
I don't want Emilio to be a rebound. But if it's the only way to forget Claudio, I'm ready to gamble for it.
Hindi rin naman nagtagal ay nagpaalam na kami ni Jam sa isa't isa lalo na at may mga gagawin pa kami.
Nakatanggap pa nga ako ng goodnight message galong kay Emilio at tinugunan ko naman iyon.
Kinabukasan ay hindi na ako nagulat nang maaga pa lamang ay nasa labas na ng apartment ko ang sasakyan ni Emilio. An'ya'y susunduin n'ya ako at sabay kaming papasok na dalawa sa HIS U. Katulad din ng sinabi niya sa text niya kagabi.
"Good morning, Asena..." he greeted, smiling, then hand me a coffee.
Tinanggap ko naman iyon at nagpasalamat. Hindi naman kasi ako kumakain ng agahan at kape lang ang laman ng aking tyan. Thank God at binigyan ako ni Emilio dahil kahit maaga pa lang ay nagmadali na talaga akong maligo.
At dahil dun ay nakalimutan kong mag-brewed ng coffee. Ayoko naman kasing paghintayin ng matagal si Emilio.
As a real gentleman, pagkababa pa lamang namin ng sasakyan sa parking lot ng school ay inalok n'ya akong s'ya na raw ang magdadala ng mga gamit ko, pero tinanggihan ko. Nakakahiya naman kung iuutos ko pa sa kan'ya ang kaya ko namang gawin. Hindi porke nililigawan niya ako ay halos ipapagawa ko na sa kanya ang lahat.
Nang pumatak ang lunch ay inaya n'ya akong sabay kaming kumain sa cafeteria pero pinauna ko na lang si Emilio dahil may dadaanan pa ako sa Statesman.
Hindi ko naman inaasahang maabutan kong kompleto ang barkada doon. Maingay silang lahat at may kung anong pinag-uusapan. Malamang ay baka puro na naman iyon kalokohan.
"Oh! Nona's here already! Cap, tayo na d'yan at kayong dalawa ang naka-tokang bibili ng foods sa caf," ani Pres. Joachim.
"W-wait? Anong meron? Hindi naman monday ngayon. Ba't kumpleto tayo?" nagtatakang tanong ko.
"'Wag nang matanong. Just go to the caf and buy us foods. Gutom na ako kanina pa..." Iniumang pa ni Pres. Joachim si Claudio sa harapan ko.
Akma pa akong magsasalita nang unahan ako ni Claudio, "Let's go," anito saka ako tinalikuran.
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa pinag-uutos nila. Tahimik lang naman kami pareho ni Claudio habang papunta doon. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? Mas nauuna pa nga itong maglakad sa akin eh.
Nang makarating sa caf ay agad na kaming pumila na dalawa, pero nang matanaw si Emilio ay agad ko naman itong nilapitan. Medyo nag-aalangan pa nga ako. "Pasensya ka na ah. Kaylangan ko munang samahan si Claudio sa pamimili ng lunch. Don't worry sa 'yo ako sasabay!"
Naka-oo na ako sa kan'ya kaya hindi naman pwedeng basta ko na lang s'ya iwanan. Nag-antay na 'yung tao, ang sama ko naman kung pababayaan ko lang. Iyong hinintay niya sana sa akin ay pwede na siyang pumila nun. Sana. Kaya nahihiya talaga ako.
Ngumiti si Emilio. "It's okay, Asena. It's fine with me," saad nito.
Pag-balik ko sa pila ay saktong turn na namin ni Claudio. Tinuro ko sa nagsi-serve ang mga pinabili nina Jam.
"What's your order, Nona?"
Bahagya pa akong natigilan sa tanong niyang iyon. I never thought na kakausapin niya ako ni public. But I just shrugged it off. Nagkibit balikat lang ako kay Claudio saka muling bumaling sa tindera. "Yan na po lahat. Take out. Thanks!"
"I said, anong kakainin mo? You'll skip lunch?"
Hinawakan ako sa siko ni Claudio na s'yang ikinagulat ko kaya agad kong iniwaksi ang kamay n'ya doon. Napalinga pa ako sa paligid sa takot na baka may makakita sa amin at gawan pa kami ng issue na dalawa.
Nangunot naman ang noo n'ya sa ginawa ko kaya hindi ako makatingin ng diretso sa kan'ya.
"Im asking you, Nona Martin!" nagtangis ang bagang n'ya at mas lalo pa akong pinaharap sa kan'ya.
"H-hindi ako sasabay ng lunch sa inyo," ani ko, nag-iwas ng tingin sa kanya.
Dali-dali kong inabot ang bayad at kinuha ang tinake-out naming pagkain nang saktong naihanda na iyon ng tindera. Sumenyas lang ako kay Emilio saka lumabas na agad ng caf.
Nang makarating sa statesman ay agad din akong nagpaalam na mauuna na. Pero pinigilan ako ni Pres. Joachim.
"Where are you going? We'll having lunch. Ba't ka pa aalis?"
Sinulyapan ko si Jam, humihingi ng tulong na s'ya na ang magpaliwanag. Mukhang nakuha naman n'ya ang ibig kong sabihin dahil pumagitna s'ya sa 'min ni Joachim.
"Hayaan mo na Pres. Sabay silang kakain ng manliligaw n'ya. Eto naman! Nagdadalaga na si Nona, pipigilan mo pa ba?"
Gusto kong tampalin ang sarili kong noo sa sinabi n'yang iyon pero hindi ko na lang ginawa dahil effective naman ang sinabi n'ya at agad akong pinayagan ni Pres. Joachim na umalis na. Umani pa nga ako ng panunukso dito na hindi ko na lang inintindi dahil iniisip ko si Emilio. Kanina pa s'yang naghihintay sa caf. Malamang ay gutom na rin ang isang iyon.
"Una na ako, guys! Next time na lang!" paalam ko.
Pumihit ako patalikod upang lumabas na sana sa pinto nang hindi ko inaasahang nandoon pala si Claudio. Naka sandal habang nakahalukipkip.
"E-excuse me," ani ko.
Sinubukan kong dumaan pero dahil sa pangangatog ng tuhod ay hindi ko iyon magawa. I'm feeling nervous. Kinakabahan ako sa tuwing naryan siya.
"I said excuse me, C-cap!" Sinubukan kong tigasan ang boses ko.
Napalingon ako kina Joachim sa takot na baka nakikita nila kami pero mabuti naman at abala na silang ayusin ang pagkain sa mesa.
Nang wala pa rin akong makuhang tugon mula sa huli ay naglakas na ako ng loob na daanan s'ya. Akala ko ay tuluyan na akong makakaalis pero hinawakan n'ya naman ako sa kanang kamay ko.
"C-Claudio?" nagtatakang ani ko. Bakit ayaw niya akong paalisin?
Umayos s'ya ng pagkakatayo at sinarhan ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.
"You will eat with us..."
Mapait akong ngumiti bago umiling. Tinanggal ko ang pagkakahawak n'ya sa 'kin. "No Claudio. Kakain ako kasama si Emilio," may paninidigang saad ko. I'm sorry but I realized that hindi dapat ako parating available para sa kanya. Dapat matuto na akong tumanggi lalo na nanliligaw sa akin si Emilio. Hindi magandang tingnan ang ganoon na may nanliligaw sa akin. Tapos kapag may sinabi si Claudio ay agad ko namang susundin.
Hindi ko na nakita pa ang reaksyon ni Claudio sa sinabi kong iyon dahil agad na akong tumalikod patungong caf.
Akala n'ya siguro ay mapapasunod n'ya pa ako. Pilit ko na nga siyang tinatanggal sa sistema ko. At sinisimulan ko na 'yun ngayon.
Malakas ang kabog ng puso ko kapag nandyan s'ya oo, pero umaasa akong dadating ang araw na mawawala na ang epektong 'yun sa 'kin. Hindi man ngayon pero sana sa darating pang mga araw.
Lumipas pa ang ilang araw. Natapos ang weekdays na kami palagi ni Emilio ang nagsasabay sa pag-lunch. Pinipilit ko ding iwasan si Claudio. Mukhang napansin n'ya naman 'yun pero masakit pa rin ang katotohanang hindi naman s'ya gumagawa ng paraan upang bawiin ako, marahil ang nasa isip n'ya at s'ya pa rin ang pipiliin ko sa huli.
Araw ngayon ng lunes, ibig sabihin lang ay magkakasabay kaming lahat kumain ng pananghalian pero dahil sa sinabi ni Emilio na may mahalaga s'yang sasabihin sa 'kin at sa kan'ya muna ako sasabay.
"S-sorry kung hindi na naman ako sa inyo makakasabay," nahihiyang ani ko sa mga kaibigan ko.
Nagtatampo na kasi sila sa 'kin sa palagi kong rason na sasabay ako kay Emilio.
"B-babawi ako next time. May importante kasing sasabihin si Emilio kaya g-ganun," dagdag ko pa.
"Baka magpo-propose na!" biro ni Pres. Joachim na nagpagaan ng loob ko. Akala ko kasi ay galit na talaga sila sa 'kin.
"Sira ka Pres," ani ko naman saka nagpaalam na aalis na.
Habang nasa hallway ay nakaramdam ako ng pag-ihi kaya imbis na bumalik pa sa opisina at pumasok na lang ako sa mas malapit na banyo na nadaanan ko.
Ako lang ang mag-isa sa loob ng comfort room at walang katao-tao dahil oras ng pananghalian. Nang matapos ay naghugas ako ng kamay at saka lumabas na.
Pero hindi ko pa man tuluyang naiaapak ang mga paa ko sa labas nang may humigit naman ng kamay ko at hinila ako upang muling makapasok sa loob.
"C-claudio?" Napasinghap ako. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil sa galit na nakikita sa mata n'ya. Nagtatangis ang bagang n'ya at mahigpit ang hawak sa palapulsuhan ng kamay ko.
"You are doing this intentionally!" saad nito na puno ng diin. He even clenched his jaw.
"A-anong? Wala akong a-alam sa sinasabi mo," pagtanggi ko naman kahit sa tingin ko ay alam ko na ang tinutukoy niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil sa kabang nararamdaman ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit.
Mabibigat din ang pag-hinga n'ya.
"Don't deny it, Martin! What's the real score between you and that guy?!" saad ni Claudio. Mababakasan ng galit ang boses nito.
Mas lumapit pa s'ya sa akin kaya ramdam ko na ang mainit n'yang balat na dumadampi sa 'kin.
"W-wala kang pake! Hindi ba't wala ka namang pake sa 'kin, ha, Martinez?!" matapang na ani ko. Itinulak ko siya sa kanyang matigas na dibdib. Ngunit sadyang malakas si Claudio at mahina lang ako kaya hindi man lang s'ya natinag sa ginawa kong iyon.
Imbis na mas lalo pang mag-liyab ang apoy na nakikita ko sa mga mata n'ya dahil sa ginawa kong iyon ay umangat lang ang sulok ng kanyang labi bago umangat ang kamay niya at hinaplos iyon sa aking pisngi.
"You are wrong. I care about you, Martin. And I care who's trying to tresspass on what's mine because you are my damn property."
Napatango-tango ako sa sinabi niyang iyon. Ganun naman pala ang tingin n'ya sa 'kin. Mas mabuting malinaw na para hindi na talaga ako umasa.
Property huh? Property lang talaga ang tingin niya sa akin?
Mapait akong napangiti. Ni hindi iyon umabot sa sulok ng mga mata ko.
"Now..." Lumamlam ang mata n'ya saka ako tinitigan ng diretso sa aking mga mata. Nagawa n'ya pang haplusin muli ang pisngi ko at halikan ito. "Dump that guy and be with me, Nona..." dagdag pa niya.
Muli akong tumango.
Umangat naman ang sulok ng labi n'ya dahil doon at iniumang ang telepono kong kanina pa pala tumutunog. Ni hindi ko man lang namalayan.
Nang tingnan ay si Emilio ang tumatawag.
"Answer it and do what I say," pag utos niya sa akin. Pinakawalan niya ako.
Sinunod ko naman ang sinabi n'ya, at nanginginig man ang kamay ko ay pinakinggan ko ang sinabi ni Emilio sa kabilang linya.
Pumikit ako nang marinig ang boses n'ya. Hindi ko pala kaya.
"Emilio..."
Hindi na mawala ang ngisi sa labi ni Claudio nang magsimula akong magsalita.
Hindi ko inalis ang tingin ko kay Claudio upang makita n'ya kung gaano ako ka-sincere sa mga sinasabi ko.
"I'm sorry..." halos pabulong ng saad ko.
Samantalang si Claudio naman ay hinalikan ako sa noo, pababa sa tungki ng ilong ko, at akmang hahalikan ako sa aking labi nang matigilan s'ya dahil sa sunod na sinabi ko.
"I'm sorry, kung pinaghihintay na kita ng matagal. Don't worry, I'm on my way there," ani ko saka tinulak sa dibdib si Claudio.
Dahil siguro sa pagkabigla sa sinabi ko, kaya nawalan s'ya ng balanse at tuluyan akong nakawala sa kan'ya.
Binaba ko ang tawag saka sa kan'ya naman tinuon ang paningin. "Sorry din Claudio, pero hindi ko masusunod ang gusto mo. Hindi ikaw ang gagawa ng desisyon ko," ani ko saka tuluyang lumabas ng banyo.