bc

Until Our Next Hello

book_age18+
23.8K
FOLLOW
113.0K
READ
revenge
age gap
goodgirl
drama
bxg
campus
punishment
professor
shy
like
intro-logo
Blurb

Denver wanted revenge. Gusto niyang magdusa si Mara dahil para sa kanya ito ang may kasalanan kung bakit namatay ang babaeng pinakamamahal niya pati na ang magiging anak nila.

May nabuo siyang plano. Balak niya itong paibigin. Paikutin sa kanyang palad at basta na lang iwan.

Ngunit hindi niya napaghandaan ang atraksiyon sa muli nilang pagkakikita. At natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na nabibighani sa ngiti ng babaeng kinamumuhian niya.

Paano na ang plano niyang paghihiganti?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
LUMABAS na ng classroom ang mga estudyante pero nagpaiwan si Mara. Hinihintay niyang matapos sa pagliligpit ng mga gamit ang Professor niyang si Denver Villafuerte - her soon to be brother in law. Boyfriend ito ng kanyang kapatid na si Bella Wala siyang kinalaman kung paano nagkakilala ang mga ito. As much as possible ay ayaw nga niya mag-krus ang landas ng dalawa. Natatakot siya. Takot na mabighani ito sa kapatid niya. Pero nangyari nga. Sino ba naman kasi ang hindi mabibighani sa na kagandahan ng kapatid niya? Taglay nito ang lahat ng katangian na hinahanap ng isang lalake. Nagtagpo ang dalawa nang parehong maging judge sa isang prestihoyosong beauty contest ng bansa. Hindi nagtagal ay pinakilala na ng kanyang ate si Denver bilang boyfriend. Wala pa yatang pitong buwan ang relasyon ng dalawa pero ngayon ay nagpasya ng magpakasal. In two months time ay magiging Mrs. Villafuerte na ang kanyang kapatid - ang posisyon na pinapangarap niya, ang apelyido na gusto niya na maging kadugtong ng pangalan niya. She was secretly inlove with her Professor. Pagmamahal na dapat na kaagad putulin dahil hindi pwede. Walang pag-asa. Ano lang ba siya? Isang nerd student na madalas mapag-isa. Aloof. May sariling mundo. Ordinary. Samantalang ang kanyang Ate Via, isang tanyag na international ballerina. Pinapangarap at kinababaliwan ng mga kalalakehan. Idagdag pa ang mga naging ex ni Denver, tanyag na artista at abogada.  Malayo sa fairytale ang buhay niya. Wala siyang wicked sister. Napakabuting tao ng kanyang Ate Bella. Sobrang close nilang dalawa na umabot pa sa punto na kahit malalaki na sila ay share pa rin silang dalawa sa iisang kuwarto. Hindi nga niya ma-imagine ang buhay na wala ito. Tiyak pagkatapos na kasal ay bubukod na ito kasama ang professor niya. Paano na siya? Hinihintay niya si Denver dahil may munting salo-salo sa kanilang bahay. Birthday ng kanyang ama. At pili lang ang mga bisita. Tumawag sa kanya ang Ate Bella niya kanina, binilinan siya nitong sumabay na sa boyfriend nito. The latter reminded her also. Tumingin siya sa labas ng bintana. Wala pang alas-singko ng hapon pero madilim na. Nagbabadyang bumuhos ang malakas na ulan. Sa tantiya niya ay aabutin sila ng ulan sa daan. "Mara, let's go," sabi ni Denver nang sa wakas ay natapos sa paliligpit. Isinabit na nito sa balikat ang bodybag. Tumingin sa relong pambisig na kulay itim. "Okay lang ba, kung dadaan muna tayo sa Mall para bumili ng reagalo para sa Daddy mo?" "Sure," aniya na tumayo na rin. Malayo sa pagiging professor kung pumorma si Denver. Bagama't lagi itong naka-long sleeve polo pero tinutupi nito iyon hanggang siko, jeans lang din ang pinapares at sneaker shoes. Pero hindi pa rin nawawala ang maawtoridad nitong awra. Bagay ito sa kanyang kapatid dahil ubod rin ito ng gwapo. Sa katunayan ay kinababaliwan ito ng mga estudyanteng babae. Regular ng tanawin sa University na may nag-co-confess ng feelings sa binata. Pero hinangaan niya kung paano ito magalang na tumatanggi at sinasabi na may girlfriend na ito. Napanatili rin nito ang Professor-student relationship at pinababatid nito sa lahat na hindi na lalagpas pa doon. Nasa exit na sila ng Mechanical Engineering building nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nahawi ang mga estudyante na nasa field. Kanya-kanyang takbuhan para makasilong. Kinailangan pa nilang umatras ni Denver dahil tinatangay ng malakas na hangin ang ulan papunta sa kinaroroonan nila. "Hintayin na lang natin humupa ang ulan," suhestiyon nito. "Pero mukhang hindi na ito titigil. Takbuhin na lang kaya natin papuntang parking lot?" "No. Tiyak pagagalitan ako ng ate mo kapag nagkasakit ka. Bumalik na lang tayo sa classroom." Nagpatiuna na ito. Sumunod siya. Ito ang unang pagkakataon na solo niya si Denver, dapat na matuwa siya. Pero mas namayani sa kanya ang tensyon. Takot siya na anytime ay mabubulas niya ang kanyang nararamdaman para dito. Hindi pa man kasi nito nakilala ang kanyang kapatid ay naipangako na niya sa sarili na magtatapat dito.Batid niyang wala itong pagtingin sa kanya at rejection lang ang matatamo niya. Pero ayaw niyang dalhin sa puso ang panghihinayang na hindi siya nakapagtapat. Ang problema ay walang pagkakataon na mapag-isa sila. Lagi itong napapaligiran ng mga estdudyante na tulad niya ay nagnanais rin na mapansin nito. Besides, hindi niya kayang mag-confess ng harapan na gaya ng ginagawa ng iba. Hanggang sa nakilala nito ang kanyang kapatid. Mas lalong lumabo ang lahat. Pinilig niya ang ulo. Tinanggal sa utak ang sumisilip na ideya. Humugot ng hininga bago may inilabas sa kanyang bag. Katawan iyon ng drone na mababa ang range ng paglipad dahil nabili lang niya sa murang halaga. Pero ginagawan niya ng paraan na mas mapataas pa.  Libangan niya ang magkalikot ng mga bagay na may kinalaman sa teknoholihiya. Sa katunayan ay nanalo na siya sa isang Robotics competition. Iyong robot kasi niya ay ginawa para makatulong sa kapiligiran. Pini-filter nito ang mga toxic nasa hangin at binubuga ang fresh cold air. In-offer-an na siya ng mga private company na bilhin ang gawa niya pero binigay niya iyon ng libre sa gobyerno. Hangad niya na makatulong. Sa ngayon ay pinag-aaralan pa kung paano mapa-expand pang lalo ang function ng robot. Konsuelo na lang niya na at least isinama siya sa project. Napakislot siya nang maramdam ang presensiya ni Denver sa likuran niya. Sumisilip ito sa ginagawa niya. At nalalanghap niya ang suwabeng amoy ng cologne nito na kaigaya-igaya sa ilong. Tila ba kay sarap nitong panggigilan ng yakap. "Nasubukan mo na ba paliparin iyan?" tanong nito. "Oo, pero hindi ako satisfied sa baba ng lipad." "Nice propeller," komento nito na hinawakan ang kulay pink na pakpak ng drone. "Make sure you've studied the GPS module for the safeguard of your drone." "Tapos na," aniya na inayos ang makapal na salamin sa mata kahit hindi naman tumabingi. Iyon ang nagiging mannerism niya sa tuwing nakakaharap si Denver. Natatanggal kasi no'n ang pagkaasiwang nararamdaman. "You never failed to amazed me, Mara," buong paghanga na saad nito na masuyong ginugulo ang buhok niya.  Tiningala niya ito. At nakita niya kung paano ito natigilan dahil gahibla na lang ang pagitan ng mga mukha nila. Nararamdaman niya ang binubugang hininga nito at nagbibigay iyon ng kilabot sa kaibuturan niya. Hindi niya napigilan ang paninigas ng katawan, maging ang pagliparan ng mga paruparo sa sikmura niya. "Mara . . . " "Can I kiss you?" Nagulat siya sa binitawang salita. Pero wala siyang magawa, naisatinig pala niya ang tunay na saloobin. Walang katinag-tinag si Denver. Tila namaligno sa narinig. At siya, bilang sumugal na rin lang ay tumingkayad at dinapian ito ng halik sa labi. "Thank you for granting my wish." Hindi tumitinag si Denver. Hindi niya mapigilan ang pagbagsak ng luha. "I like you from the first time I saw you, Professor." There, nasabi na niya ang matagal ng tinatago. Ang kailangan na lang niyang gawin ay harapin ang konsekwensya. Nanatili siyang nakayuko. Hinihintay ang galit ni Denver. Pero katahimikan pa rin ang namamayani. "I'm really sorry, I'm sorry kung bakit sa dinadami-dami ng lalake pwedeng mahalin, ang fiancee pa ng kapatid ko ang pinili ko." Walang hanggang katahimikan. Hanggang sa naramdam na lang na may mga kamay na humahaplos sa buhok niya. Nagtaas siya ng tingin. Nakasalubong niya ang mata ni Denver at wala siyang ibang mababasa kundi pagsuyo. Hindi pag-ibig. "Thank you, Mara, for admiring me. Pero alam mo naman na hindi pwede, 'di ba? Nakababatang kapatid lang ang turing ko sa'yo at mahal na mahal ko ang ate mo." Napasigok siya sa narinig. Pinahid ang luha. Pilit na ngumiti. "Alam ko naman 'yan eh. Pero hayaan mo na lang ako sa pagtatapat ng kung anong tunay na nararamdaman ko. Hindi ko rin ito gusto, basta ko na lang naramdaman." "Sure, you can like me all you want. But I'll always be your big brother, Mara." "Thank you, Professor." "'Di ba sabi ko sa'yo, lagi mo na akong tawaging Kuya Denver." "Eh nasanay na ako. Saka na lang if totoong brother in law na kita." "Okay, total malapit na naman mangyari 'yan." Patlang. Tumikhim si Denver. "Medyo, humuhupa na ang ulan. Pwede na tayong umalis." Tumayo nga siya. Muling isinilid sa bag ang Drone.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

Unexpected Romance

read
38.3K
bc

Reckless Hearts

read
256.2K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook