CHAPTER TWO

1697 Words
NAGKAKASIYAHAN na sa sala nila ngunit mas pinili ni Mara ang magkulong sa kuwato at magbutingting ng kanyang drone. Hindi na rin siya in-obliga ng ate niya at parents nila na makisalo sapagkat alam ng mga ito na ilag siya sa maraming tao. Isa pa, pagkatapos ng ginawa niya kanina ay hindi niya kayang harapin si Denver. Ngayon siya tinablan ng hiya. Sigurado siyang ililihim nito ang pagtatapat niya ng damdamin. Hindi ito kiss and tell na tao. Pero nakaka-guilty. Dapat hindi siya nangahas. Para na rin niyang tinaraydor ang kanyang kapatid. Isa rin sa mga dahilan kung bakit allergic siya sa mga gatherings ay dahil madalas siyang naipagkukumpara sa kanyang kapatid. Kesyo maganda raw ang kapatid niya, talented at sikat. Bakit, siya ba hindi? Halos napuno na nga ang dingding nila ng mga academic achievements niya. Sinasantabi siya porke't wala siyang pangalan. Heto na naman siya. Puro insecurities na naman ang nasa utak niya. Bakit nga ba ginagawa niyang kompetensya ang lahat? Hindi matatawaran ang unconditional love na binibigay ng ate niya sa kanya, dapat hindi siya nag-iisip ng ganoon. Bumuntong-hininga siya. Umahon mula sa upuan. Kinuha ang mug wala ng laman na nakapatong sa side table. Dadalhin niya iyon sa kusina para mahugasan. Napahinto siya nang makita niya ang kanyang kapatid at si Denver na nag-uusap. No, hindi sila nag-uusap, para sila nag-aaway? Napansin kasi niya ang pagtagis ng bagang ng huli habang apologetic naman na nakatingin dito ang kapatid niya. Ano'ng nangyayari? "Hindi ba't pinag-usapan na natin ito? That will be your last performance, bakit ganito na naman?" Narinig niyang tanong ni Denver sa frustrated na tinig. "Hon, pabigyan mo na ako. Alam mo naman na dreame come sa akin makasama ko sa performance si Martina Rossi. She's a legend when it comes to ballet." Umiling si Denver. "Ilang araw ka do'n." "A month and half." "Damn!" "Hon, please!" May ideya na si Mara kung ano ang pinag-aawayan ng dalawa. Actually, last week pa sinabi sa kanila ng kapatid na lilipad ulit ito sa Italy para sa napakalaking ballet show. Tinanong nga ito ng kanyang ina kung paano na ang pag-aasikaso sa nalalapit na kasal nito. Sinagot naman ng kapatid na nandyan naman daw siya. Naituro niya ang sarili that time. Bakit siya? E, hindi naman siya ang ikakasal. Binigay nito sa kanya ang responsibilidad sa pag-aasikaso ng mga wedding invitations at give aways nito. Basta makipag-uganayan lang daw siya sa wedding coordinator para alam niya ang gagawin. "Alright, pero umuwi ka sa napag-usapan nating petsa." "Thank you, Hon!" Nakita niyang dumukwang ang kanyang Ate Bella para mahalikan ito sa bibig. Sumandal siya sa dingding para hindi makita iyon. "Halika ka na, harapin natin ang bisita ni Daddy." "Later. Susunod ako." "Eh?" "May kukunin lang ako sa kusina." "Sumunod ka later, hon." Narinig niya ang papalayong yabag ng kapatid. Si Denver ay pumasok nga sa kusina. Regular na nila itong panaumahin kaya malayo itong nakakakilos sa kanilang bahay. Anak na rin ang turing ng kanyang magulang dito kaya hindi na ito iba sa kanila. Naghintay siya ng ilang minuto para lumabas ito pero hindi nangyari. Napahigpit ang hawak niya ang sa mug. Pwede naman na mamaya na muna niya iyon hugasan. Pero namayani sa puso niya ang kagustuhan na tingnan kung ano ang ginagawa ng kanyang Professor sa loob ng kusina. She knew how devastated he was with her sister's decision. Unti-unti siyang humakbang papasok. There, nakita niya si Denver nakasandal malapit sa lababo. May lungkot na mababanaag sa mata nito. May hawak itong isang bote ng beer. Tumikhim siya para maramdam nito ang kanyang presensya. Awtomatiko naman na napatingin ito sa gawi niya. "Mukhang ang lalim yata ng iniisip mo," aniya. Lumapit. Binuksan ang gripo sa lababo at sinimulan ng hugasan ang mug. "Bakit ka nag-iisa dito?" "I just wanted here," matipid nitong sagot. Tumango siya. Naramdam niyang gusto nitong mapag-isa kaya binilisan niya ang ginagawa. Nagpapahid na siya ng kamay ng magsalita ito. "Alam niyo na ba ang tungkol sa plano ng Ate Bella mo sa paglipad papuntang Italy?" "Alam na namin pero hindi namin binabanggit sa iyo dahil mas maigi na si Ate mismo ang magsabi sa'yo." "I don't know what to do with your sister anymore, Mara," Iling-iling ito. "Mahal ka ni Ate. Mahal na mahal. Alam mo 'yan at nararamdaman mo 'yan. Pero hindi ba't bago mo pa man siya nakilala, pangarap na niya maka-perform sa iisang stage ang taong hinahangaan niya ng husto?" Humugot ng malalim na hininga si Denver. "I think you're right. Masyado lang siguro akong naging selfish." "Hindi ka selfish. Mahal na mahal din lang ang Ate Bella ko," sabi niya. "Sige, balik na ako sa room ko." "Wait lang, Mara." Umupo ito sa harap ng lamesa. At tinapik nito ang upuan na nasa tabi nito. Pinapaupo siya. "I wanted to surprised your sister. Gusto ko siyang bilhan ng diamond wedding ring. Maganda ba ito sa tingin mo?" tanong nito na in-scroll ang cellphone. May pinakitang picture ng singsing sa kanya na may nakakalulang halaga. "Maganda . . . " "How about this one?" Nag-scroll ulit. "Maganda rin." aniya. "Pero hindi ba dapat si Ate ang tinatanong mo sa bagay na iyan?" "Yes. Pero hindi na surprise iyon." "Ito, sobrang ganda." Turo niya sa huling pinakita nito. Simple lang ang disensyo niyon ngunit napaka-elaganteng tingnan.  "Good. Ganyan din ang first choice ko. Ipapa-personalize ko na lang." "Sige, mauuna na ako, Professor." "Sabay na tayo." anito. Tumayo na rin. Nauna ito. Nakasunod siya. Ngunit nabigla siya nang bigla itong humarap sa kanya dahilan upang mapaatras siya at mawalan ng balanse. Bago pa man siya bumagsak sa sahig ay naramdaman na lang niya pumulupot ang mga braso nito sa beywang niya. "S-sorry . . . " wika niya na hindi makatingin ng deretso dito lalo nang tinayo na siya nito at bahagyang sumayad ang mukha niya sa leed nito. Ewan niya kung siya lang ba nag nakaramdam ng pagkailang pero humawak ito sa batok habang nakapamulsa ang isang kamay. Tila gustong magsalita pero walang namutawing tinig sa kanyang bibig. "Sorry din. Kukunin ko sana ang susi ko kaya ako bumalik," anito nang makabawi. Tinaas ang naturang susi sa kotse na inilapag nito sa mesa nang ipakita sa kanya ang mga pictures sa cellphone. "Ganoon ba, sige. Aalis na ako." aniyang iniwan ito at kumaripas na ng takbo. ____ TULALA si Mara. Hindi siya makapaniwala na kailangan muna niyang sumali sa isang musical play competition na inoraganisa ng University nila. Kailangan kasi may representative ang every department. Since walang volunteer performer sa Computer Engineering department ay kinailangan na pang mag appoint. At siya nga ang isa sa minalas na kinuha. Oo, may boses din naman siya pero sa banyo at sa tuwing naghuhugas ng pinggan lang siya kumakanta. Hindi niya kayang magtanghal sa isang entablado at pinapanood ng maraming tao. Siya daw si Cinderella sa musical play na ito. Pagkakataon na niyang maging bida. Pero sana hindi sa ganitong paraan. Kailangan niyang bihisan at lagyan ng makeup. Tiyak hindi siya magiging komportable. Pero makakatanggi ba siya, eh nakasalalay ang uno na grado niya sa play na ito?  Pumasok siya sa classroom na nakasimangot pa rin ang mukha . Laglag ang balikat niya. Sa hitsura niya ay parang binagsakan siya ng langit. Tapos heto, ang asungot niyang kaklase ang bubungad sa kanya. Si Ronan - na alaga siyang asarin. Hindi natatapos ang araw na hindi siya nito inaasar. Nakangising pinakita nito sa kanya ang isang papel. At ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya. May nabasa siyang Prince Charming. Ibig sabihin ito ang magiging kapareha niya? Nasapo niya ang ulo. Bigla iyon sumakit. "I'll be your, Prince Charming, my Cinderella." Yumukod ito sa harap niya. "Pwede ba? Wala akong sa mood makipagbiruan sa'yo?" "Kailan ka pa nasa mood? Lagi naman seryoso ang mukha mo. Excited na ako, balita ko may kissing scene daw tayo." "Sabi ko, tigilan mo na ako!" "Matitikman ko na rin sa wakas ang mapupula mong labi." "Isa!" May pagbabanta na sa tinig niya. Ang magagaling na kaklase niya ay tumulong na rin sa pangangantiyaw. Dati na silang ginagawang loveteam ni Ronan. Iyong pang-aasar nito ay dahil daw gusto sa kanya? Puwes! Hindi niya gusto ang paraan nito. Hindi siya payaso para gawing entertainment sa buong klase. Naniniwala siya na dapat tinuturing ang babae ng isang babasaging krystal. Iniingatan. Inirerespesto. Iyan ang paniniwala na laging sinisiksik ng mommy at ng Ate Bella niya sa kanyang utak. Tiningnan niya ng masama ang mga kaklase. Awtomatikong natikom ang bibig ng mg ito pero hindi ni Ronan. "Cinderella, pagagandahin ka daw ni Fairy Godmother, makikita na rin kita sa wakas na walang suot na salamin." "Shut up, Ronan!" Ngumisi ito. "Ang cute mo kapag namumula sa galit." Kurukutin sana siya nito sa pisngi pero tinabig lang niya ang kamay nito. Pero hindi sumusuko ang impakto, ang kaliwang kamay naman ang ginamit nito. "Napakawalang modo mo talaga!" Pinaghahampas at pinagkukurot niya ito sa balikat. Tumakbo ito pero hinabol pa rin niya. Natigil lang sila nang may pumasok sa classroom. Si Denver. Nakakunot-noo. Nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Ronan. Actually, hindi schedule ng klase nito ngayon. Pero malamang may kukunin dahil tuloy-tuloy ito sa mini-bookshelves. Nang hawak na nito ang libro ay tinungo na nito ang pinto. Pero bago pa man lumabas ay tumingin ito kay Ronan. "Follow me," utos nito. Nagtatakang tinuro ni Ronan ang sarili ngunit magpagayun pa man ay sumunod pa rin. Good, at least kahit paano matatahimik ang mundo niya ng ilang minuto. Umupo na siya sa kanyang puwesto. Inilabas ang libro habang. Iyon ang madalas na ginagawa niya kapag wala pa ang Professor. Nakailang pahina rin siya sa binabasa nang dumating si Ronan. Kakamot-kamot ito ng ulo.  "What?" tanong niya nang manatili itong nakatayo sa harap niya. "Siguro ka ba na ang kapatid mo ang girlfriend ni Professor Denver?" "Ano na naman pumapasok diyan sa utak mo?" "Kung hindi ko lang alam na pakakasalan na niya ang ate mo, maghihinala ako na may gusto siya sa'yo. Sinabon ako ng husto. Huwag ka na daw kulitin, parang nagseselos." Umiling siya. "Na-overdose ka na naman sa kaps 'no? Nawawala na naman kasi sa katinuan utak mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD