CHAPTER THREE

1658 Words
PIGIL ni Mara ang inis habang palihim na tinititigan ng matalim si Ronan. Kasalukuyan silang nagpapa-practice para sa play. Kanina pa sana sila natapos at nakauwi kung hindi nakakalimutan ng makulit na kaklase ang linya nito. Metikulosa si Miss Fernandez, instructor na in-charge para sa stage play. Gusto nito bago sila pakawalan ay may improvement naman kahit papaano ang pag-arte nila. Pero paano nila magagawa iyon kung hindi sineseryoso ni Ronan ang lahat? Lagi itong nauuwi sa pagtawa at kung mapapagalitan naman ay kakamot-kamot lang ng ulo. Kung bakit kasi nagpresinta pang sumali. Nang malaman kasi nito na siya ang gaganap na Cinderella ay nagkukumahog itong sumali. And worst, ginawa nito ang lahat paraan mapunta dito ang Prince Charming role. Sa sulok nang mata ni Mara ay nakita niya ang pagpasok sa Theater ni Denver. Umupo ito sa katapat lang mismo ng stage. At gaya nang inaasahan ay naging sanhi ng bulong-bulungan ng mga estudyanteng babae na kasali sa play ang presensya nito. Maging si Miss Fernandez nga ay nawala sa wisyo pero kaagad din bumalik ang composure. Tumikhim muna bago pinagalitan ang mga estudyanteng kinilig. Ngumiti si Mara at kumuway sa Professor. Sumenyas naman ito na mag-concentrate na siya. Ibig sabihin manonood ito sa practice nila. “Ronan, hawakan mo na si Mara sa beywang. Habang sumasayaw ay magtitigan kayo na tila attracted sa isa’t-isa.” Napamang si Mara. Hindi pa nga sila sa nakakaraos sa opening act tapos tatalon na sila sa ganoong eksena? “Pero Miss Fernandez - “ “Ito ang pinaka-highlights scene kaya dapat natin ma-perfect!” Wala nang nagawa si Mara nang hinapit ni Ronan ang kanyang beywang. Ngingisi-ngisi ito kaya binigyan niya ito nang nakakamatay na titig. Ang problema habang nagsasayaw ay parehong kaliwa ang kanilang mga paa kaya naapakan nila ang paa ng isa’t-isa. “Ano ba!” Hinampas niya ito sa balikat nang maapakan siya nito. “Ang sabi ko ay matitigan kayo na parang in love, hindi iyong maghahampasan kayo!” saway ni Miss Fernandez. Lumapit pa sa kanila at mas lalo pang pinagdikit ang mukha nila ni Ronan sa isa’t-isa. Isang maling kilos lang ay maaring magdikit ang kanilang labi. “‘Ayan! Magtitigan kayo.” Nangilabot siya nang tila na-feel ni Ronan ang lahat at ewan lang niya kung aware ito sa pagpikit at pagtulis ng nguso nito. O baka pinagti-tripan din siya. Tinulak niya ito ng buong lakas nang mas lalo pa nitong nilalapit ang mukha sa kanya. Nawalan ito nang panimbang at dahil nakahawak ito sa kanyang beywang ay kasama siya nitong bumagsak. Nadaganan niya ito. Nagulat ang lahat. Hindi makahuma. Awtomatiko naman na napatili si Mara at mabilis na tumayo. Napasulyap siya sa kinaroroonan ni Denver at nakita nga niya na napatayo din ito sa kinauupuan habang nanlalaki ang mata. Nang mapagtanto marahil na okay lang siya ay nakita niya ang pagbaba ng balikat nito na tila nakahinga nang maluwag. Samantala pigil rin ng mga kasamahan nila ang paghinga nang hindi kumikilos si Ronan. Nakapikit lang. Nanatiling nakabulagta sa sahig. Kinabahan si Mara. Nahimatay ba ito? “Aray! Ang brutal naman ng Cinderella ko!” Biglang bumalikwas nang bangon si Ronan habang nakangiwing sapo ang nasaktan na beywang. Nakahinga ng maluwag ang lahat. Hindi niya ito pinansin bagkus hinarap niya ang matandang dalaga na instructor. “Miss Fernandez, baka pwedeng bukas naman po. Tatlong oras na tayong magpapa-practice dito na walang break.” Hindi na nakatiis na reklamo niya. “Siya nga naman, Miss. Gutom na kami. Wala pa kaming meryenda,” sang-ayon naman ng iba. “Walang aalis kapag hindi niyo inaayos ang pag-arte niyo.” Laglagan ang balikat ng lahat. Nakita nila ang pag-akyat ni Denver sa stage. Lumapit sa kinaroroonan nilang lahat. “Miss Fernandez, I think the students are right. Huwag mo silang i-pressure dahil mas lalo hindi nila magagawa ng tama ang instructions mo.” “I don’t think you have the right to interrupt us, Mr. Villafuerte.” “Mayroon, Miss Fernandez. Pinapunta ako dito ng Dean para ma-check kung nagpa-practice pa rin ba kayo dito at baka sumobra ka na naman sa oras.” Nanigurado na ang Dean. Last time kasi ay may na nagreklamo na parent sa University dahil nahimatay ang anak. Nalipasan ng gutom dahil kahit ilang oras na nagpa-practice para sa play ay hindi pa rin pinapauwi ni Miss Fernandez at wala man lang break. Mabuti na lang at nadaan sa areglo ang lahat. May warning na sa opisina ang naturang instructor kaya nag iba ang timpla nang mukha nito sa sinabi ni Denver. Hindi lang sa acedemics naka-focus ang University kundi maging sa paghulma din sa personalidad at confident ng mga estudyante. At ang mga involve sa stage play na ito ay ang mga hindi talaga nagpa-participate sa mga aktibidad ng University, kung hindi introvert na tulad niya ay pasaway o bulakbol lang talaga. Nakaramdam nga rin siya ng awa kay Miss Fernandez dahil kahit naglitawan na ang mga ugat nito sa leeg ay wala pa rin sumerseryoso ditto. Nagsama kasi silang may mga kakaibigang personalidad kaya gulo rin ang kinalabasan. Baka nga mangamote ang performance nila kapag oras na nang presentation nila. “Alright, then dismiss. See you again tomorrow at the same time. Ayoko ng late!” “Yes, Miss Fernandez!” sabay-sabay nilang wika. Pagkatapos ay paunahan na sa pag-alis matapos ibigay sa in-charge ang scripts. Sumabay sila ni Denver sa mga estudyanteng palabas. Pero humabol sa kanila si Ronan. At walang babala na inakbayan siya. “Ano ba!” “Ihahatid na kita.” Tinanggal niya ang kamay nito na nasa balikat niya. Lumipat siya sa kanan ni Denver para mapagitnaan nila ito ni Ronan. Pero ang makulit ay hindi rin sumusuko. Lumipat rin sa kanyang tabi kaya sa inis niya ay kinurot niya ito sa tagiliran. Napahiyaw ito at namilipit sa sakit. “Kahit kailan talaga ang brutal mo! Nagmamagandang loob na nga ihatid ka!” Anak mayaman si Ronan. Isa sa mga estudyanteng mayroong kotse. May hitsura ito. Gwapo. Sikat din sa University kaya maraming nagtataas kilay sa kanya sa tuwing tinatarayan niya ito. Hindi siya playing hard to get. Sadyang wala lang siyang nararamdaman para kay Ronan. Pwede siya maging mabait dito pero paano niya magagawa iyon kung lagi nitong sinisira ang araw niya? “Okay, I’m sorry. Pero sasabay na ako kay Prof. dahil pupunta rin siya sa bahay namin.” “Pero pwede rin na sumabay ka na kay - “ Hindi na natuloy ni Denver ang sasabihin sapagkat tinakpan niya ang bibig nito. “O! Narinig ko iyon, ha! Loud and clear!” Inayos ni Mara ang makapal na salamin sa mata. Humalukipkip. “Pero ayaw ko pa rin. Uuwi na lang ako mag-isa.” “Pagbigyan mo na ako. Ang taray mo talaga!” Napatingin siya kay Denver nang marinig niya ang pag-iling nito. At nakita niya ang amused na ngiti nito. “Ang kukulit. Tama na ‘yan kids,” Hinarap nito si Ronan. “You young man, try your luck next time.” “Okay, pero tandaan mo, Mara. Hindi kita pa papansinin kung ikaw naman ang maghahabol sa akin!” Babala ni Ronan. At saka walang paalam na umalis sa kanilang harapan. Naiwan siya napamaang. Pero pagkaraa’y bumuntong-hininga na lang. “Tayo na, Prof. Umuwi na po tayo.” “Mara, siguro luwagan mo rin ang sarili mo. I-enjoy mo ang time habang bata ka pa. Hindi iyong lagi mo na lang binubuhos ang oras mo sa pag-aaral at pagkalikot ng mga robots,” sabi ni Denver habang naglalakad na sila papuntang parking lot. “Masaya naman ako sa ginagawa ko, Prof. Hindi ko lang talaga hilig ang makipaghalubilo.” “Pero mas maigi na mayroon ka ring social life.” “Kaya nga po sumali na ako sa stage play.” Nang marating nila ang parking lot ay nagtaka si Mara kung bakit wala sa puwesto kung saan madalas pinaparada ni Denver ang kotse. Nagtatanong ang mata na tumingin siya dito. “Nasa talyer ang kotse ko kaya motor na lang ginamit ko.” Hinila siya nito papunta sa gilid nang isa pang Van at tumambad nga sa kanya ang isang motor. Hindi lang basta motor kundi big bike. Nag-alangan siya. Palda pa man din ang kanyang suot. At isa pa, iyon ang unang pagkakataon na sasakay siya sa ganoong uri na sasakyan. Hindi niya alam kung aatras ba siya o kung ma-e-excite. Sinuot ni Denver sa ulo niya ang extra na helmet. Pagkatapos ay sumakay na sa big bike nito. Pinaligid nito sa puwesto na maging madali na sa kanya ang pagsakay. “Umupo ka ng patagilid. Tapos iyong bag mo ilagay mo sa harap para hindi liparin ang palda mo.” Tumango si Mara. Sumampa na gaya nang turo sa kanya. Nang makapuwesto ay hindi niya alam kung saan siya kakapit. Tila mabibingi siya sa lakas nang pagtibok ng kanyang puso. Kay lapit lang nila sa isa’t-isa. Gahibla lang distansya at naamoy niya ang suwabeng amoy ng cologne nito. “Hold tight, Mara.” Nanginginig ang kamay niya nang tinaas niya ang kanyang kamay hanggang sa pikit-mata na lang siya na humawak sa beywang nito. Pinatakbo na nito ang big bike. Nakalabas na sila sa gate ng University nang huminto ito. “Kumapit ka nang mabuti, kung hindi mahubulog ka.” Paalala nito. Tumango siya. Sumunod sa sinabi nito. May ilang kilometro na rin ang tinakbo nila nang dumaan sila sa lubak-lubak na kalsada. Mas napahigpit ang kapit niya sa beywang nito. Sa posisyon nila ay para na rin siyang nakayakap kay Denver. Nararamdaman niya ang matigas na tyan at beywang nito at nakakapagbigay iyon nang kiliti sa kaibutaran niya at tila may nagliliparang paro-paro sa sikmura niya. Sa sobrang komportable nang pakiramdam ni Mara at hindi niya namalayan na hinilig na niya ang kanyang pisngi sa likod nito. Napapikit siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD